Naging mahaba ang gabi para kay Leslie sa unang araw ng pagbabalik niya sa mansiyon. Paano ba naman ay panay ang kuwentuhan nila ni Matthew tungkol sa mga nangyari sa nakalipas na apat na buwang nagkalayo sila lalo na ang tatlong buwang ikinulong siya ng kanyang Tiya Minerva. Ang dami rin nitong tanong sa kanya lalo na tungkol sa pagbubuntis niya at kung sinaktan ba siya ng mga taong kasabwat ng Tiya Minerva niya. Hindi maikakaila ang galit na nakita niya sa mga mata ni Matthew habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa pangingidnap sa kanya. Naging open rin ito sa kanya at naikuwento nitong halos hindi na nga raw ito nakakakain ng maayos at nakakatulog kakaisip kung kumusta na ba siya at mabuti na lang ay tinulungan ito ng mga kamag-anak para mas mapadali ang paghahanap sa kanya. Pero

