Chapter 51 – At Home

1000 Words

“Here, subukan mo ito Hija. Ako ang nagluto niyan.” nakangiting iniusog ng Mommy ng Sir Matthew niya—Matthew na lang daw pala— ang sinigang. Mabilis pa itong nagsalin ng sinigang sa isang mangkok at iniabot iyon sa kanya. Kakababa lang nila noon sa dining area at agad nga siyang inestima roon ng ginang. Halatang gusto siya nito para sa anak nito kaya kahit di siya masyadong mahilig sa maasim na ulam ay nakangiti niya naman iyong tinanggap. Ilang buwan rin siyang nagtiis sa paulit-ulit na pag-uulam ng gulay at prito kaya ngayon ay lulubusin niya ang pagkain niya! Ang dami pang nakahanda na pagkain sa mesa at mukhang lahat iyon ay titikman niya dahil gutum na gutom at takam na takam na rin talaga siya. “Salamat po..” Nahihiya niyang pasasalamat dito. Hindi niya alam kung ano ang itatawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD