Nagising si Leslie dahil sa naulinigan niyang mga boses. Bumiling lang muna siya dahil ramdam pa niya ang antok. At parang ang sarap lang humiga sa malambot na kamang iyon… Kama?? Bakit sa kama siya nakahiga at hindi na sa isang folding bed? Bigla siyang napadilat sabay biglang bangon. Ngunit napadaing siya at muli ring pumikit dahil sa pagkahilo at parang masusuka na naman siya. “Baby! You’re awake!” Bigla ay napadilat siyang muli nang marinig ang boses na iyon. “Sir Matthew?” Nakalapit ito agad sa kanya at agad na umupo sa gilid ng kama sabay haplos sa pisngi niya. Hindi nakuntento, hinalikan pa nito ng mariin ang mga labi niya at pinakatitigan siya habang may pigil na ngiti sa mga labi at kislap sa mga mata. “Mabuti at gising ka na. I miss you so much!” dagdag pa nito habang hi

