“Alam mo ba Leslie kung magkano na ang hinihingi kong pera sa mayaman mong jowa? 200 million pesos!” Tuwang-tuwang pagbabalita sa kanya ng kanyang Tiya Minerva pagkalipas ng ilang linggong naging kahina-hinala ang pananahimik nito. Humalakhak pa ito pagkatapos sabihin iyon habang humahawak sa tiyan. Lampas 3 months na siyang ikinukulong nito doon at medyo lumalaki na ang kanyang tiyan. Sa unang tingin ay parang bilbil lang iyon kahit pa bahagya siyang pumayat dahil naging maselan na siya sa pagkain at napapadalas na rin ang kanyang pagsusuka. Hindi naman siya ginugutom ng Tiya niya, pero mga simpleng pagkain lang ang ibinibigay nito sa kanya na madalas ay paulit-ulit lang kagaya ng gulay, prito at tinapay. Kaya nauumay na rin siya. Hindi rin siya nito sinasaktan at tanging ito lang a

