Mula sa paalis na mga kotse ay lumipat ang tingin niya kay Matthew. Tanaw niya ito mula rito sa bintana ng kuwarto nila habang nasa baba naman ito at inihahatid ng tingin ang paalis nilang kotse. Hindi niya alam kung bakit dinala ng ilang kapulisan ang dalawang kotse ni Matthew nang hapon na iyon. Ang mas nakakapagtaka pa ay hindi nakauniporme ang ilang pulis kasama na roon ang isang babae at nakalugay pa ang mahaba nitong buhok na kaparehas ng haba at kulay ng buhok niya. Kahapon pa nandoon sa kanila ang mga pulis na iyon, pero hindi niya tinangkang makinig sa usapan ng mga ito. Hindi rin niya tinanong si Matthew kung ano ang plano ng mga ito. Napalingon naman bigla sa gawi niya si Matthew. Nagkasalubong ang tingin nila at ngumiti ito sa kanya. Napangiti na lang din siya rito at i

