Parang bigla siyang nahilo matapos ipakita sa cellphone screen ang mukha ng Tiya Minerva niya bilang isa sa mga tumakas na preso. Ilan pa sa mga naka-flash sa screen ay mga kasamahan nito noong dinukot siya ng mga ito. Mukhang hindi nga basta-bastang kriminal ang mga kasabwat ng Tiya niya sa pagdukot noon sa kanya. Akala niya ay matatahimik na talaga ang buhay nila ni Matthew kasama ang anak nila. Pero pinalipas lang pala ng mga ito ang ilang buwan para pagplanuhan at paghandaan ang pagtakas mula sa kulungan. Siguradong babalikan sila ng mga ito. Siguradong gagantihan siya ng Tiya niya dahil nakulong ito nang dahil sa kanya! “Ma’am!” inalalayan siya ng dalawang katulong nang bigla siyang napahawak sa hamba ng pinto sa kusina. Tinulungan siya ng mga itong maupo sa silya doon at ag

