bc

Little Miss Sunshine

book_age18+
46
FOLLOW
1K
READ
dark
independent
versatile
drama
twisted
bxg
ambitious
witty
realistic earth
rejected
like
intro-logo
Blurb

Gaano nga ba kahirap ang maging masaya, kung lahat na lang ng tao sa paligid mo ay tila hahatakin ka pababa sa lusak ng kalungkutan.

Ang pananaw ni Sunshine Salvador ay ang maging masaya sa buhay at magawa ang mga bagay na nais sa abot ng kanyang makakaya.

Dahil sa pagiging likas na masiyahin naroon ang pagnanais niya na maipakita at maibahagi ang ligaya na iyon sa ibang mga tao, sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Subalit iba ang pananaw at nasisilayan ng mga nakapaligid sa kanya, lalo pa at masalimuot ang kanyang nakaraan sa pamilya, kaya naman nabansagan siyang isang mapagpanggap, dahil sa likod ng ngiti at tuwa ay ang kabaliktaran ng mundong ginagalawan niya.

Hanggang kailan niya kakayanin ang panatilihin ang positibong tingin sa buhay kung tila halos lahat yata ng nakapaligid sa kanya ay hindi iyon ang nais.

chap-preview
Free preview
Prologue
Little Miss Sunshine Always frolicking in line Doing the things that are benign Though she sings, show and encourages people to glow They always judge her for what they see and nothing more But little Miss Sunshine keeps on shining bright No matter what, even if it meant being considered nothing but a blight. ***** “Hello, people of the Philippines and the world! Once again, welcome to your daily dose of happy time with me, your one and only. Miss Sunshine.” Todo ang pagkaway at ngiti ng naturang babaeng nakasuot ng isang red floral dress. Nagpa-ikot-ikot pa ito upang paliparin ang suot na palda. “And today, I will treat you to one of my favorite snacks. The very famous kwek-kwek! Care of my very good friend, Bong-bong.” Magiliw na turan ng dilag pagkatapos ay bigla na lang yumugyog ang naturang camera kung kaya’t natutok na lamang ito sa shorts ng lalake na nakaupo sa bisekleta. “Uy shine! Huwag mo ako kuhanan niyan.” Natatawang turan na lang nito. Ilang saglit pa at bumalik naman muli ang dalaga sa screen na may malapad na ngiti at namumulang mga pisngi. “Sorry guys, my friend is just really shy. So, why don’t we go on ahead and have a taste of these delicious duck eggs covered in colored batter, then deep fried to crunchy perfection.” Marahan na kumuha ang dilag ng isang stick ng naturang pagkain, tila naglilikot pa ang mapupulang labit nito dahil sa arte sa bawat pagnguyang ginagawa. “Of course this is not complete without our favorite dips. You can choose from any of the following. Sweet, sweet and spicy soy, or its counter part vinegar with onions or one filled with chilies. But of course you can never go wrong with any of it since it goes great with any of it.” Magiliw nitong saad habang itinututok ang kamera sa direksyon ng ilang mga plastik na lalagyan na naroon. Punong puno pa ang mga ito ng naturang mga likido, senyales na iyon pa lang ang unang beses na mababawasan ang naturang bagay. Wala naman atubili ang naturang babae sa pagsalok at halo ng mga naturang bagay sa isang plastik na baso, bago nito isawsaw ang nakatuhog na pagkain. “Now let us have another taste!” Pinapuwing pa ng naturang dilag ang pilikmata sa harap ng camera bago maingat na isinubo ang naturang hawak. Naroon ang hinhin at ingat nito sa ginawa, kaya naman tila lumobo pa ang pisngi nito para lang maipasok iyon ng buo. “Perfect!” Masayang tili nito pakakindat sa naturang lente. Wala pa itong atubili sa pagtalon, kahit tumatalbog na ang dibdib nito dahil sa tuwa, dulot ng sarap ng nilalasap na pagkain. “So guys, if you’re craving for some meryenda, why not get yourself some nice and tasty kwek-kwek. They’re not just delicious but is sure to fill your raving stomachs! We’ll, that’s all the time we have, again, thanks for tuning in and this is your daily dose of happy time, with me, your one and only. Miss Sunshine. Saying, don’t worry and be happy. Until next time ba-bye!” Kaway na lamang ng dalaga bago tuluyan na matapos ang naturang programa nito. Ilang malalakas na halakhakan ang umalingawngaw sa buong lugar matapos noon. “Can you believe this girl?” Pagrorolyo na lamang ng mata ng isang babaeng kulay pula ang buhok sa katatapos lang mapanood na palabas sa laptop. “Such a fame whore.” Padaskol na tawa naman ng isa pang dilag na blonde ang kulay ng mahaba nitong buhok, na inis pa sa paghalo sa mamahaling kape na may yelo. Kasalukuyan nasa isang shop ang grupo habang nagpapalipas ng oras dahil sa lamig ng panahon ng mga oras iyon. Kanya-kanya ng pagbalandra ng kanya-kanyang inumin habang naghahanap pa ng ibang mapagtri-tripan na panoorin. “She’s kind of cute though.” Biglang singit ng isa sa mga binata na naroon. Mabilis tuloy ang panlalaki ng mata ng mga babaeng naroon dahil sa naturang komento. “Seriously!” Ngangang sambulat ng isa pang babae na may abot baywang na itim na buhok, iniayos pa nito ang suot na pulang dress para ipapansin ang sariling hinaharap. “Yeah, she looks really nice.” Dugtong naman ng isa pang kasama nilang lalake, kaya naman naparolyo na lamang ang tatlong babae ng mata sa narinig. “You know what would be nicer? Having a taste of those bajangas!” Saad naman ng isa pang lalake na nilalaro pa ang kamay na tila may hinahawakan na mabibilog na dibdib. Ganoon na lamang ang asaran at tawanan ng naturang mga lalake dahil sa tinuran nito. “Ew, I bet she’s not even a virgin. Did you see her boobs, I’m sure they’re literally been grope like a hundred times.” Dagdag ng isa pang dilag na abot lamang sa may balikat ang buhok. Halos magusot na ang mukha nito sa pagpipigil ng ngitngit ng mag sandaling iyon. “Do you want to bet on that?” Biglang saad ng isang malalim na boses na nasa likod ng grupo. Mabilis natahimik ang lahat nang mabatid na nagsalita ang pinakatahimik sa kanila. “I would!” Sagot ng babaeng blonde ang buhok na ngayon ay mayroon ng malapad na ngisi sa mukha nang mapagtanto kung saan papatungo ang naturang usapan na iyon. “Count me in!” Sambulat nang naunang lalake na nagkomento kanina lamang, halos mapatalon pa ito sa kinalalagyan dahil sa tila kilig dahil sa usapan. “How much?” Biglang sambit ng ikatlong lalake na nagsalita. Tila nagniningning na ang mga mata nito nang makitang seryoso ang naturang kasama. “Will ten million be good?” Sagot ng tahimik na lalake na mayroon ng malapad na ngisi sa mukha nang tila masigurong tototohanin na ng mga ito ang naturang napag-usapan. Halata naman ang pananahimik ng mga babae pero batid ang kakaibang pagka-aliw sa kanya-kanyang mukha. “Fine!” Sagot na lamang ng ikatlong lalake pakatango sa pagsang-ayon sa naturang usapan. “This seems fun, I’m in.” Singit na ng ikalawang lalake na kanina pa nagpapabalik-balik ng tingin sa mga kasama, naroon ang malapad na ngiti sa mukha nito. “How about you guys?” Turan ng tahimik na lalake sa iba pang babae na kasama dahil sa pakikinig ng mga ito. Tila ba bigla na lang umatras matapos ang naturang ginawa. “Sure, why not.” Napangiwi na lamang sa pagngiti ang babaeng pula ang buhok. Wala itong nagawa nang balingan ng kasama na blonde. “This is such a waste of time.” Pag-iirap na lamang ng babaeng abot baywang ang buhok. Naglihis na lamang ito ng tingin sabay busangot dahil sa naturang usapan. “Oh come on, sis. Huwag kang K.J. Count as in na!” Ang dilag na hanggang balikat na ang sumita sa kasama na tila nagmamaktol sa gilid. Agad na lang nitong binalingan ang mga kasamang lalake para sensyasan na ayos na ang lahat. Nagkatinginan ang naturang grupo na mayroon malalapad na ngisi sa kanya-kanyang mukha. Pagkatapos noon ay dali-dali na ang mga ito na nangalikot sa kani-kanilang mga telepono. “So, since there are eight of us, that would amount to about one-point-two mil for each.” Pagpapa-alam ng pasimunong lalake sa naturang gagawin. Nagsitanguan naman ang mag naturang kasama sa pagsang-ayon bago muling pumindot sa kanya-kanyang gamit. “So, how are we going to proceed with this?” Tanong ng naunang lalake sa mga kasama matapos ng kanilang napagkasunduan. Agad naman na nagkabalingan ang iba pang mga naroon. “Sa girls side, they opted that she’s no longer a virgin. Sa guys side, we need to prove if they are right or wrong. Are we good on that?” Pakasabi noon ay nagkanya-kanyang halakhakan nanaman ang naturang grupo pakataas ng mga hawak nitong baso, bilang senyales na pulido na ang naturang usapan sa larong sinimulan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook