Chapter 7

2359 Words
“Seryoso, natanggap ka doon?” Halos malaglag na ang panga ni Layla habang nanlalaking ang mga mata sa nadinig. Hindi napigilan ni Sunshine ang mapabusangot nang makita ang reaksyon ng kaibigan. Kasalukuyan silang nasa isang coffeeshop malapit sa opisina nito, dahil ito ang una niyang naisip na sabihan ng magandang balita pakalabas na pakalabas niya sa gusaling pinanggalingan. “Aray ha, para naman minamaliit mo ako niyan ah?” Wariy tampong saad niya na lang sabay irap dito. Napahalukipkip na lamang siya habang sumasandal sa kinauupuan upang ipakita ang pagkadismaya sa kaibigan. Isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan ni Layla habang hinihilot ang sintido. “Hindi naman ganoon Shine, pero pamilyar kasi ako sa company na iyon, and if I remember correctly napakastrikto ng proseso ng hiring nila doon, tapos ang taas pa ng standards nila for applicants.” Pagseseryoso nito, naroon na ang tila lalim ng iniisip ng kaibigan dahil kitang kita na niya ang pagkakunot ng noo nito. “Para naman sinabi mo na wala akong kakayahan na makapasok sa isang kilalang company.” Lalo niya lamang nginusuan ang kaibigan sabay irap ulit. Isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan ni Layla bago tumingin sa kanya. “Nakakapagtaka lang kasi na hindi ka na dumaan sa final interview. Maliban doon, ang pagkakaalam ko, hindi sila tumatanggap ng undergraduate.” Paliwanag nito, naging malumanay man ang ekspresyon ng kaibigan, nanatili naman ang lalim ng mga titig nito, habang panakanaka ang pagkamot sa baba dahil sa kung anong kaguluhan sa isipan. “Part time position lang naman iyong inapplyan ko, kaya siguro pinalampas na lang nila.” Pilit ngiting saad niya na lang habang napapapalakpak. Hindi niya kasi maintindihan ang pinoporblema ng kaibigan, lalo pa at natanggap na naman siya sa naturang trabaho. “Parang impossible naman iyon.” Muli na lamang napahilot si Layla sa sintido nito, bakas ang kung pag-aalala sa mukha ng kaibigan, kaya naman kusot na kusot ang noo nito. “Hay naku Layla, kahit kailan talaga napaka nega mo, kaya tingnan mo tuloy, nagkaka wrinkles ka na, hindi mo ako gayahin!” Magiliw niya na lang saad habang pinaglalaro ang mga kamay sa mukha upang ipakita na hindi kumukusot ang kanyang balat at wala siyang inaalala. Naroon ang pagnanais niya tanggalin ang agam-agam ng kaibigan, lalo pa at alam niyang hindi naman permanente ang kanyang napasukan. “Iba kasi pakiramdam ko diyan.” Napatalumbaba na lamang si Layla at hindi pa rin mapalagay. Walang tigil na ito sa pagtapik ng daliri sa lamesa habang nag-iisip. “Why don’t you just look at the bright side, at least ngayon parehas na tayong working girls!” Dito na niya tinaas ang dalawang kamay na tila nagpupugay para subukan aliwin ang kaibigan, at ituon nito muli ang atensyon sa kanya at hindi sa kanyang pinasukan. Pero mas lalo lamang napakusot ang mukha nito, kasabay ng paglitaw ng tila walang ganang tingin. “Kung tutuusin hindi mo naman kailangan gawin lahat ng ito.” Kibit balikat na lang ni Layla pakarolyo ng mata sa katotohanan na iyon. May sasabihin pa sana ang kaibigan pero agad ng iniangat ni Sunshine ang mga kamay para pigilan ito. Batid niyang hindi na matatapos ang usapan nila ukol sa kutob nito, kaya naman minarapat niya ng tumayo. “Hay naku friend, bahala ka na diyan sa mga negative thoughts mo, basta ako masaya ako, dahil ngayon may maipagmamalaki na ako kay bongbong my loves!” Napapalatak kamay na lang siya habang pinapakutitap ang mga mata nang maalala nanaman ang naturang lalake. Ngayon na mayroon na siyang trabaho, naniniwala siyang mas makakatulong iyon upang mas mapalapit muli kay Jacinto, maliban sa pagbabakasakaling matanggap na siya ng ina nito. Dahil na rin sa pagkagalak at mga naiisip, hindi niya napigilan ang kakaibang pananabik sa mga pwedeng mangyari.Naroon na kasi ang paglalaro ng kanyang imahinasyon. “Oh, saan ka nanaman pupunta?” Sita ni Layla nang makitang nagmamadali na siyang kumaripas paalis sa kanilang lamesa. Hindi nito mapigilan ang mapataas ng kilay. “May kailangan pala akong bilhin.” Paalam na kaway niya na lamang sa kaibigan bago dali-daling nagtungo sa pinto ng naturang coffee shop. Napailing na lamang ang kanyang kaibigan sabay hilot sa sintido nito, na halatang sumasakit na ang ulo ng mga sandaling iyon, May mga sinabi pa ito subalit hindi na rin naman iyon nabatid pa ni Sunshine dahil nasa ibang bagay na ang kanyang isipan ng mga oras na iyon. Puno ng buhay at abot tenga ang ngiti niya habang naglalakad, nanatili ang pagkalutang ng kanynag isipan dahil wala siyang ibang nasa isip ng mga sandaling iyon kung hindi ang ilang mga senaryo kung saan nag-uusap sila muli ni Jacinto. Sa wakas kasi ay mayroon na siyang maipagmamalaki rito, maliban pa sa maaari na niyang makakwentuhan ito sa bagay na iyon. Nanatili siyang ganoon hanggang sa makarating sa naturang shop na pupuntahan, kaya naman halos para siyang tulala habang nakangiti. “Good morning po mam!” Mabilis na tumakbo pasalubong ang isang saleslady roon, agad iyong nagyuko ng ulo nang makaharap na siya, kasabay ng mabilisan na pagngiti. “Kamusta kayo, mukhang kaunti lang kayo ngayon dito ah.” Iyon ang unang pumasok sa kanyang isipan nang makitang dadalawa lamang ang naroon sa naturang tindahan ng mga oras na iyon. Mabilis ang pamamawis ng babae kasabay ng panlalaki ng mata sa narinig, pero nanatili pa rin itong nakangiti habang nagpapalinga ng tingin sa paligid. Halata ang pagkataranta kahit pa nakatayo lang ito sa kinalalagyan. “Naka-lunch break po kasi iyong iba namin kasama mam.” Halos nauutal pa ito habang nagpupunas ng noo nang makitang nanatili lamang ang kahera sa lugar nito at nakatulala sa kung saan. “Oh don’t worry about me, kaya ko na naman sarili ko.” Wasiwas na lang ni Sunsine ng kamay. Dahil na rin sa pagkalutang ng kanyang isipan ng mga oras na iyon ay hindi na niya pansin ang mga nangyayari sa kapaligiran, kung kaya naman tuloy-tuloy lamang siya sa pagpasok na hindi man lang napapansin ang nakasulat na closed sa may pinto kanina. Panaka-naka pa ang kanyang pagsipol-sipol habang tumitingin at pumipili ng ilang sa mga kagamitan na bibilhin nang mapatigil na lamang siya nang makita ang ilang mga nakakalat na damit na tila hinalungkat sa isang stall. Dahil na rin sa pagiging metikuloso ay hindi niya napigilan na ayusin ang mga iyon, marahan niyang itinupi at ibinalik ang mga ito sa tamang lagayan. “Excuse me miss, can you help me.” Muntik na siyang mapatalon nang marinig ang malalim na boses na nagmula sa kanyang likod, agad siyang tumigil sa ginagawa upang balingan ang pinagmulan ng boses. Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang bumalandra sa kanya ang isang matipuno at guwapong lalak. Ngiting-ngiti pa ito habang itinataas ang mga hawak sa kanyang harapan, kaya naman parang nakapostura ito at nagmomodelo. Ilang sandali rin ang kinailangan niya upang ibalik ang ulira dahil sa pagkabigla. Nagpaikot pa siya ng tingin para siguraduhin na siya ba ang kinakausap nito, at nang makitang siya lamang ang naroon dahil abala pa sa pagtatalo ang dalawang bantay ay napagdesisyunan niya ng harapin ito ng may ngiti. Isang malalim na paglunok ang kanyang ginawa para pakalmahin ang sarili, kasabay ng maingat na pagsusuri sa hitsura ng lalake na kaharap. “Yes, ano iyon?” Dahil na rin sa maganda ang timpla niya nang araw na iyon, minarapat niya ng alamin kung ano ang kailangan nito. “Which one do you think is better, this one or this one?” Halos maduling si Sunshine sa naghihimutok na mga braso ng lalake habang iginagalaw iyon upang maipakita nito ang mga dala. Subalit ang talagang nakapukaw sa kanyang atensyon ay mga bitbit ng lalake. Isang pares iyon ng see through brief at edible undies na panlalake. Muli nanaman tuloy siyang napatulala, naroon kasi ang walang tigil na pagproseso ng kanyang utak sa nais nito. Noon una ay napapaisip siya kung pinagkakatuwaan lang ba siya nito, subalit nang makita niya ang pagkaseryoso ng mukha nito habang sinusubukan tingnan ang sarili sa salamin ay nakadama siya ng kung anong tuwa nang mayroon sumaging nakakatuwang alaala sa kanyang nakaraan dahil sa hitsura nito. “Para saan mo ba gagamitin?” Iyon ang una niyang naisip ng mga oras na iyon. Dahil naroon na ang panaka-nakang pagsagi sa kanyang isipan ng magiging hitsura nito gamit ang mga naturang bagay. Ganoon na lang ang pamumula at pag-init ng kanyang pisngi nang mapagtanto ang ginagawa, kaya dali-dali na lang niyang inalog ang ulo para tanggalin ang mga bagay na iyon sa isipan. Mabuti na lamang at abala pa rin ang naturang lalake sa pagtingin sa mga hawak. “Well, I was planning on doing this little surprise, alam mo na. Any suggestions?” Natatawang saad na lang nito sabay pakawala ng isang nakakasilaw at pilyong ngiti. Mabilis nagliwanag ang kanyang mga mata sa narinig, naroon ang kung anong galak sa narinig, lalo na nang maisip niyang para ito sa karelasyon ng lalake, para kasing nakikinita niya ang sarili rito dahil sa kilos at mga sinabi. Dahil na rin sa pamilyar siya sa naturang establishemento ay niyakag niya na ang lalake na sumunod. “I wouldn’t recommend the edible undies, since it a total waste if your not into hardcore kink. The see through underwear is more for show lang but it doesn’t leave much to the imagination kaya masasayang lang.” Nagtuloy-tuloy siya sa mga specialty items ng naturng lugar kung saan may iba’t ibang mga uri ng pang-ibaba na may desenyo. Mula sa mga naroon ay pumili siya ng sa tingin ay babagay sa ginoo. “If you’re really planning on a surprise better if you opt for a designed underwear like this tuxedo brief, it gives that role play feel.” Agad na pakita niya sa ilang napili. Ang isa ay mayroon ribbon na itim, habang ang isa naman ay mayroon butones na maaring buksan, habang mayroon din na printed lamang. “Or kaya itong elephant one for added fun, pero siyempre need mo ng confidence and size para sa isang ito.” Magiliw niyang angat nang makita ang naturang bagay. “I don’t have a problem with that one.” Taas noo at kompyansang sagot na lang nito na may malapad na ngisi sa mukha kahit nagpipigil ng tawa. Napahagikgik na lang rin si Sunshine rito, dahil na rin naging mapaglaro ang tono at pakikitungo nito. “Of course may iba pa akong masusuggest, but it all actually boils down sa kink and taste ng partner mo.” Kung tutuusin kasi ay hindi naman lahat ng tao ay gusto ng ganoon bagay, kaya mas magiging kampante siya kung magkakaroon pa ng kaunting idea. “I think I’ll go with the tux.” Masayang kinuha ng lalake ang pares na black and white na may butones na bukasan at may maliit na bow tie. “Good choice.” Tango niya rito dahil isa rin iyon sa mga paborito niyang disenyo. Halo kasi iyon ng pagiging malaro pero konserbatibo pa rin na disenyo. “You really know your stuff, how long have you been working here?” Naroon ang panaka-nakang tawa ng lalake habang napapakamot na lamang sa batok, bahagya na rin itong lumapit sa kanya nang tila magkapanatagan na sila. “Oh, I don’t work here.” Aagd niyang wasiwas ng kamay sabay pigil na lamang ng tawa. Doon niya lamang napagtanto na halos kapareha nga naman ng suot niyang short na pencil skirt at sleevless na button shirt ang uniporme ng mga naroon. Mabilis ang pagtuwid ng mukha ng lalake kasabay ng pagtutuwid ng panlalaki ng mata nito. Mabilis ang naging pagtingin nito sa babaeng nasa kahera sabay balik sa kanya, at matapos ang ilang saglit ay mukhang nabatid na nito ang pagkakaiba ng suot nila. “Oh s**t. I’m so sorry. Akala ko kasi isa ka sa mga staff here.” Ganoon na lang ang pamumula nito sabay mabilis ang naging pagyuko ng ulo. Hindi ito magkandamayaw sa paghingi ng paumanhin habang nakataas at tila nagdarasal ang mga kamay. “Don’t worry about it. I was happy to help, nakakatuwa lang makakita na may mga lalake pa rin na nag-e-effort to make their girl happy.” Bulalas na lang ni Sunshine. Tulad kanina ay mayroon ilang alaala ang sumagi sa kanyang isipan dahil na rin sa mga ginagawa nito. Doon muling nanumbalik ang ngiti sa labi ng lalake, napataas ito ng kilay kasabay ng isang malokong tingin sa kanya. “What makes you think I have a girl already? For all you know, I could be a giggolo.” Kindat na lang nito. Ganoon na lang ang paglaglag ng panga ni Sunshine, kasabay noon ang panlalaki ng mga mata niya sa narinig. Akmang magsasalita pa sana ang lalake nang mabilis na pumagitna at magpapansin ang saleslady na nasa kahera kanina. “Ay, sir, pasensya na po, kailangan niyo po ba ng assistance?” Naroon ang pilit ngiti nito na hindi rin mapakali nang makita silang dalawa. “No, I’m all good. I’ll just take these.” Agad na iniabot ng lalake ang mga napili. Mabilis naman iyon kinuha ng babae bago bumaling kay Sunshine. “Kayo po mam?” Agad nitong pansin nang makitang mayroon siyang mangilan-ngilan na mga hawak ng mga sandaling iyon. “Mag-iikot pa ako ng kaunti.” Agad na lang niyang turan sabay turo sa lugar kung nasaan ang mga gamit na pambabae. “Okay po. Dito na lang po tayo sir.” Pagpapasunod na lang ng saleslady sa lalake. “Thanks for the help.” Paalam ng ginoo sa kanya bago ito humabol sa naturang saleslady. “My pleasure.” Masaya siyang kumaway rito, sa loob-loob niya ay naisip na lang niyang napakaswerte ng babae na pinaghahandaan nito. Doon siya bahagyang nabalot ng lungkot nang sumagi nanaman sa kanyang isipan ang ilang alaala ng kanyang nakaraan. Iyong mga panahon na madalas pa siyang sorpresahin ng mga ganoon na bagay, kung saan pinagtutuunan siya ng pansin at atensyon. Ipinagkibit balikat na lang niya iyon at muling ibinalik ang atensyon sa paghahanda. Hindi niya gustong masira ang magandang araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD