Chapter 1 — The Grocery Cart Incident
Chapter 1 — The Grocery Cart Incident
"Nagmahal na talaga ang mga commodities pero ang sahod namin ay nasa laylayan pa rin," bulong ni Nathan habang inilalagay ang corned tuna sa push cart.
Tinulak niya ang green na cart papunta sa Fish Section para balikan ang pinalinis na isda upang maging ulam kinabukasan. Hindi na siya nakakadaan sa mga wet market dahil maaga siyang pumapasok at late naman nakakauwi. Wala siyang maaasahan sa Bahay dahil mag-isa lamang siya. Iniwan siya ng mga magulang niya sa kanyang Lola nang maghiwalay ito.
May kanya-kanya na silang pamilya at wala nang komunikasyon ang mga ito kay Nathan simula noong natapos siya ng pag-aaral. Hindi naman kalakihan ang sahod ng isang guro sa Pilipinas ngunit hindi rin naman kinakapos si Nathan dahil sa bigasan ng grandparents niya na ipinamana sa kanya.
Binayaran na ni Nathan ang mga pinamili at inilagay ang limang plastic sa cart para dalhin sa sasakyan. Dinamihan na niya ang pinamili dahil magfu-food prep nalang siya dahil nakakapagod kung araw-araw siyang magluluto.
Tuloy lang ang pagbo-browse ni Blaze sa kanyang phone Kahit na ilang beses na niyang naririnig ang buntong-hininga ni Lewis at Fed na kanyang mga bodyguards.
"Bakit ba sa lahat ng lugar dito sa Pilipinas ay sa tapat pa tayo ng supermarket tumatambay?" saad ni Lewis na may halong inis.
Nilingon ako ni Fed mula sa passenger seat. "Blaze, kailangan na natin umalis. Bilhin mo na ang cravings mo."
"I'm still checking," saad ng dalaga habang nagbo-browse ng kung anong store ang meron sa mall na iyon.
"We need to go."
"No. Bakit ba kayo naba-bothered?"
"Can't you see what's wrong here, Blaze? We are out. In public. Wala pang space for parking so we are here in the middle of parking lot waiting for a vacant space!"
"And?"
"In a damn luxury car!"
"Magkakaroon din ng space diyan. Wait ka lang. DOn't worry, I paid the right tax for this Rolls. Chill, guys."
"Emperor will kill us."
"No. He will kill us, revive us, and then kill us again."
"You both and just overreacting," Blaze sighed and looked outside the window. Napansin nito ang lalaki na may tulak na cart at patawid sa parking lot. "See, may aalis na. Move forward kasi baka maunahan ka na naman."
Mabagal na umabante si Lewis upang abangan kung saan naka-park ang lalaki, ngunit hindi pa siya matagal na nakahinto ay nabitawan ang lalaki ang cart niya at bumangga ang unahan niyon sa pinto ng sasakyan nila Blaze. Napasinghap si Lewis and Fed bago ito nagmadaling lumabas ng sasakyan.
Hindi lumabas si Blaze, bagkis ay Kalmado lang siya na nakamasid sa lalaki na patuloy na humihingi ng pasensya sa dalawang bodyguard. Nakabutones ang polo nito hanggang sa kanyang leeg. Malinis ang gupit niya at walang visible na tattoo sa katawan. Ang tindig nito ay malayo sa naglalakihang bodyguards ni Blaze.
Katamtaman lang ang laki ng katawan nito ngunit hindi pa rin iyon maikukumpara sa katawan ni Lewis at Fed na military trained. Anim na inches lang din ang diperensya ng height nito sa dalawang lalaki. May sinabi si Lewis na hindi narinig ni Blaze ngunit Nakita niyang sumilip ang lalaki sa unahan ng sasakyan bago ito mamutla.
"His expression are so transparent that it's quite amusing," bulong ni Blaze.
Ibinaba ni Blaze ang atensyon sa cellphone at pinanuod lang ang kaganapan na Kahit anong lapit niya sa bintana ay hindi niya marinig dahil sa makapal at bulletproof ang salamin ng sasakyan.
May sinabi ang lalaki at napansin ni Blaze ang pagkislot ng dalawang lalaki. Kumunot ang kanyang noo dahil kumalma ang ekspresyon ni Lewis at Fed. Nagkatinginan ang dalawa at tumango. Tinapik lang nila ang balikat ng lalaki at bahagyang tumawa, ganoon din ang ginawa ng lalaki.
Malaking palaisipan kay Blaze kung ano ang sinabi ng lalaki at kung bakit nito napaamo ang dalawang leon na kaharapn. Inalis ng lalaki ang cart ngunit bago pa siya makalayo ay bumaba ng sasakyan si Blaze. The moment she stepped out of the car, Lewis and Fed became more vigilant. It is their duty.
"You." She called the man with her stern voice.
Lumingon si Nathan ngunit hindi niya binitiwan ang cart. Hindi nagbago ang ekspresyon nito Kahit na binaba siya ni Blaze. Bahagyang hinangin ang mahaba, tuwid, at kulay abong buhok ng dalaga. Ang ilang hibla niyon ay bumabagsak sa puti niyang blazer.
Lumakad si Blaze palapit kay Nathan. Tumamis ang halimuyak ng hangin dahil sa pabango niya. Hindi inaalis ni Nathan ang tingin niya kay Blaze. Tila ang buong atensyon ay nasa babae. Tumigil ang katok ng heels nito sa semento ng parking lot.
"I'm sorry for what happened--"
"Shh. Sinabi ko ba na pwede ka na magsalita?"
Napansin ni Blaze ang paglunok ng lalaki at natutuwa siya kapag alam niya na intimidated ang tao na ito sa kanya. Napunta ang tingin niya sa maliit na nunal ng lalaki sa taas ng kilay nito.
"Uhmm.. again, I'm sorry for what happened. Nagkausap na kami ng uber driver mo and---"
"Uber driver?"
"Just play along, Blaze," bulong ni Lewis kay Blaze.
Inirapan siya ni Blaze bago ibalik sa lalaki ang atensyon. She crossed her arms over her chest. Bahagyang bumaba ang tingin ng lalaki sa kanyang dibdib but who can blame him? Blaze is wearing a tight square neck top.
"Sorry," saad niya at namumulang iniiwas ang tingin which Blaze find him fascinating.
"For what? For damaging my car or for looking at my breast?"
"No, I... I d-didn't---" Pumikit si Nathan at nagbuntong-hininga. Pinilit niya i-compose ang sarili bago harapin ang babae na nakatayo sa harapan niya.
Nang buksan niya ang mga mata ay napaatras siya ng isang hakbang dahil sa lapit ng mukha nito sa kanya. Hindi ito nakangiti ngunit nagniningning ang mga mata nito na tila ba bata na binigyan ng bagong laruan. Muntik na itong mapaupo sa semento kung hindi lang nakapitan ang cart.
"Scared? Good. How would you pay the damage, hm?"
"Uhmm..." dumukot ito sa bulsa ng pantalon niya at ibinigay kay Blaze ang hinugot nito.
It's his business card.
"I am really deeply sorry, Miss. I cannot pay you in full now but I can pay you in partial."
Tinitigan lang ni Blaze ang inaabot ng lalaki. His voice may not be cracking but his hands are shaking. Blaze could feel his sweaty hands even if she hasn't touch him. Her lips curved on one side.
"I don't want it. How about your body?"
Nathan stiffened. He didn't expect her to say those words. This woman who has an angelic face... was either joking or clinically concerning.
"Hmm," Blaze walked around him--- eyeing his body and thinking how she could dominate this helpless man. But she wanted to tease him a bit more. "I mean, you have a very healthy body. I might need a kidney or maybe half of your liver."
May amusement sa boses niya, parang pusang pinaglalaruan ang nahuling daga. Nathan looked at her over his shoulder. Blaze flinched as his eyes darkened but she doesn't know why she felt amused.
"Even if I take a leg and all half of your insides, it's still not enough to pay for the damages. Alam mo ba kung magkano ang sasakyan ko? I'm sure you do, I don't think you're an idiot."
Humarap si Nathan kay Blaze. He is smiling but his eyes aren't. And that sent shivers to Blaze's back.
"I'm very sorry, Miss. Everything is my fault. My hand slipped while getting my keys. I was very clumsy. I will not make up some dumb reason to escape the cause of my action. Ako ang may kasalanan, babayaran ko ang anumang gagastusin niyo sa pagpapagawa. There is no need to intimidate me, Miss. I simply want your trust and take my business card. It's a lovely evening. Don't let some as low as me ruin the end of your day."
Blaze thought he will beg on his knees. She took his business and look into it.
Nathan Obrien Castillo
Guidance Counselor
'Counselor? Well that explains it.' Blaze thought.
"There is no need to resort to violence. I will wait for your call, Madame. I will pick up as fast as I can. I promise. Pinky promise."
Tumalikod ito kay Blaze at pagharap nito ay hinawakan niya ang kamay ni Blaze at ipinatong sa palad niya ang cupcake.
"Sweets gives serotonin. Have a lovely day and stay in school."
Nakatitig lang si Blaze sa cupcake na nasa palad niya. Nakatulala siya roon at hindi alam kung ano ang dapat maramdaman. Hindi typical ang naging encounter nila ni Nathan. Hindi umepekto sa tao na iyon ang mga banta niya.
She wonders why.
"What?! Stay in school?!" How old does he thinks she is?
Ang impit na tawa ni Lewis at Fed ang nagpawala sa malalim na pag-iisip ni Blaze. Sinipa niya ang tuhod ng dalawa at luminga sa paligid. Paalis na ang sasakyan ni Nathan at wala na siyang nagawa kung hindi frustrated na napaungol. Pumasok siya sa loob ng sasakyan at ibinaba ang cupcake sa maliit na mesa sa harap niya. Gumalaw ang sasakyan dahil sa pagpasok ng dalawang lalaki.
"Shut your mouth o bubutasin ko ang bungo niyo ng heels ko." Tumikhim ang dalawa at pinaandar ang sasakyan. "Umuwi na tayo kasi nawalan na ako ng ganang kumain."
Habang nasa biyahe ay nakatitig si Blaze sa business card at cupcake na bigay ni Nathan. Binasa nito ang ibabang labi.
'What an interesting man.There's something in him. Something dark,' isip niya nang balikan ang mga nangyari.
Paulit-ulit na nagpapakita sa isip niya ang mukha ni Nathan. With her family background, she knows she shouldn't be involved in commoners dahil ipinagbabawal ang pagpapakita ng kahinaan. The Morettis have a lot of enemies. Ito ang mundo ni Blaze.
Bilang nag-iisang babaeng anak ng Moretti ay ibinigay sa kanya ang lahat kapalit ang Kalayaan niya. She trained like an animal for her safety. She got used of the chaos. Her three brothers avoided her like a plague dahil sa takot na madamay si Blaze sa mga clan wars.
Ilang beses na na-kidnap si Blaze at ilang kaibigan na rin ang nag-traydor sa kanya. She's exhausted. All Blaze wants is one normal relationship where nobody is trying to impress her father, steal her family's wealth, and/or kill her.
She saved Nathan's number on her personal phone.
"I think he is gay. Do you see how he looked at me?"
Inirapan ko ang dalawa. "Delusional."
"Ohhh, someone fell in love at first sight," panunukso ni Fed.
Ni-wave ni Lewis ang hintuturo niya habang hindi inaalis ang tingin sa daan. "Blaze, I'm sure you are aware of your position. That man will pee his pants before he could enter the gates of the mansion,"
"Hindi nga siya natakot kay Blaze. Isa siyang malaking palaisipan," dagdag ni Fed.
"Sinasabi ko sayo, Blaze, bakla siya. Ipupusta ko 'yong puno ng okra ng kapit-bahay namin."
Inirapan nalang sila ni Blaze at tumungin sa labas ng bintana. It is useless na makipag-diskusyon sa dalawa dahil wala namang sineseryosong bagay ang mga ito. She's just keeping them both because they are reliable.