Parang natauhan at napayuko nalang si Alexander sa sinabi ng matanda. "Pero paano at san ako kukuha ng lakas ng loob na sabihin at ipagtapat sa kanya, kung sa unang tingin ko na masaya sila ni Zaquieo nanghihina ako. Hindi ako matapang, grandma. I'm just a coward!" Sabi nito na nakayuko. Hinaplos naman ng matanda ang buhok nito. Ramdam nito ang sakit nararamdaman ng apo at ang pagtitiis. Hindi naman nya pwedeng pangunahan ito sa desisyon nya kaya wala din sya magagawa. Matagal bago napagbuksan ni Alexander ng pinto si Manang Serna. May dala ito para sa hapunan nito. Halos hindi na kasi ito bumababa at nagkukulong nalang ng kwarto. "Senyorito, heto na po ang hapunan nyo." Isa-isa nitong inilapag ang pagkain sa mesa nya. May nakita pa syang dalawang mangkok na halos walang bawas at p

