Napahawak sa ulo si Zaquieo at sumunod sa kapatid. At biglang hinawakan nya ito sa kamay. "Please, behave yourself." Pakiusap nito ngunit nginitian lang sya. "Zack, sino yung nagdoorbell?" Sigaw ni Mariah habang kumakain. Kumindat pa si Nayumi kay Zaquieo agad na tinungo si Mariah. "Wow. So kumakain pala kayo ng breakfast. Tamang-tama, heto at may dala ako." At inilapag sa mesa ang dala. Napatayo si Mariah at nagulat pa. "Nayumi? Pa-paano mo nalaman na nandito ako?" "Hello! Bakit ba parang nakakita kayo ng multo at gulat na gulat kayo? Baka nakakalimutan mo, amin tong condo na to. Malalaman at malalaman ko, ganun kagaling ang source ko." Sabay kuha nito sa isang sandwich sa mesa at kinain. "Hmmm ang sarap nito!" Sabi pa nya. "Anu ba talaga ang kailangan mo?" Singit ng kapatid nya

