Halos ayaw pa bumitiw ni Zack sa pagkakahawak nya sa kamay ni Mariah nang magpaalam ito. Hinalikan pa nya ito sa kamay bago tuluyang umalis at nagpahabol pa ng flying kiss, natatawa nalang si Mariah sa ginagawa ng nobyo nya. Habang kumakaway si Zack sa elevator ay sumagi sa isip nya ang mga kabutihan nito na ginagawa. Ang tanging magagawa lang nya ay pakitunguhan ng maayos si Zaquieo kahit na alam nyang may ibang laman ang puso nya at alam nyang wala din naman interest sa kanya ang lalaking gusto nya. Kumaway na din sya pabalik bago tuluyang sumara at may kasamang ngiti sa labi. Nang makababa na ito at saka pa lamang isinara ni Mariah ang pinto at naupo sa kanyang kama. Nagpalinga-linga at hinahaplos ang katamtamang laki nito. Tumayo siya at nagsimulang ayusin ang mga gamit nya. Pumunt

