"Please be kind to my girlfriend, kasi kapag nabalitaan ko na inaaway nyo sya ako ang makakalaban nyo". Pagbibiro ni Zaquieo na nakangiti sa mga staff. "Anu ka ba? Nakakahiya." Si Mariah at mahinang hinampas sa balikat si Zack. "Ang sweet! Narinig nyo yun ha. Makakaasa po kayo sir Zaquieo, at saka mabait naman yang si Mariah kaya madaling pakisamahan." Wika ng isa. "Salamat pala dito sa chocolate at meryenda, sir Zack." Dagdag pa ng isa. Napapayuko nalang si Mariah sa hiya at napapangiti na din sa ginagawa at puri ng mga kasamahan nya sa trabaho. Mas lalo pa itong nag-ingay ng halikan sya sa pisngi ni Zaquieo sa harapan ng mga ito at nagpaalam sa dalaga na papasok muna sa office ng pinsan. Nagpasimple pa si Alexander na abala sa mga ginagawa ng makita nyang papasok si Zack. "Hey!

