Nanlaki ang mga matang napatakip pa sa bibig si Carmina. Naiwan namang napaupo si Mariah at halos hindi na makagalaw. Tulala ito at sinasabayan ang bawat pagpatak ng malakas na ulan. Kahit pa nakatingin sya sa nakatalikod at naglalakad na si Alexander ay hindi na sya sinubukan pang lingunin nito. Tumayo siya at naglakad na din papasok sa mansyon. "Senyorito..." Mahinang sambit ni Carmina nang sinalubong ito sa pintuan. Kasunod nun ay si Mariah na walang ka imik-imik na naglalakad papasok. "Behh.."Mahinang sambit din ni Carmina at nakalapat ang mga kamay sa dibdib. Huminto naman si Mariah sa tapat nila at basang basa ang buong katawan. Bakas sa mukha ng dalawa nitong kasama ang pag-aalala sa dalaga. "Ayos ka lang ba?" "Mukha ba akong maayos ate Carmina?" Malamig na tinig ni Mariah.

