SAMANTALA, abala si Monica tumingin ng mga kuha nilang litrato na ipopost nya sa i********:. Sinu-zoom in pa nya ito isa-isa. "You look great dito." Ini zoom in nya ito, napansin pa ng dalaga na nakatingin si Alex kay Mariah. Napatingin ang dalaga kay Alexander na may pagtataka pero inisip nalang nito na baka nagkataon lang. "Sayang wala ka dito sa isa. But still salamat at may photo tayo na magkasama." Wika nito. "Hayss, they look so sweet, hindi ko alam na subrang sweet pala ng pinsan mo at romantic pagdating sa mga surprises." Dagdag pa ni Monica. Halos hindi na sumasagot si Alexander. "Are you okey? Alex?" "Huh?" "Okey ka lang ba? Kanina pa kasi ako nagsasalita parang ang tahimik mo. At saka para bang gusto mo makipagkarerahan dyan kina Zaquieo." "Ahm no. I'm sorry. Siguro nah

