bc

Bride Price (FREE TO READ)

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
forbidden
love-triangle
contract marriage
BE
one-night stand
reincarnation/transmigration
family
HE
escape while being pregnant
time-travel
teacherxstudent
love after marriage
system
age gap
fated
forced
opposites attract
second chance
friends to lovers
pregnant
arranged marriage
shifter
curse
playboy
badboy
kickass heroine
sporty
neighbor
mafia
single mother
gangster
heir/heiress
blue collar
drama
tragedy
sweet
lighthearted
serious
kicking
bold
single daddy
werewolves
vampire
game player
campus
city
medieval
mythology
office/work place
pack
small town
magical world
high-tech world
another world
ABO
cheating
childhood crush
disappearance
enimies to lovers
lies
rejected
secrets
sentinel and guide
soul-swap
superpower
rebirth/reborn
dystopian
war
ancient
love at the first sight
affair
friends with benefits
polygamy
surrender
addiction
assistant
actor
substitute
Pharaohs
like
intro-logo
Blurb

Sa pamilya ni Kathrina, ang bawat babae ay may katumbas na bride price. Nang malubog sa utang ang kanilang pamilya, ipinakasal siya sa malamig at misteryosong negosyanteng si Casius Ventura-Mueba.

Para kay Casius, isa lamang itong kasunduan.

Ngunit para kay Althea, nagsisimula pa lamang ang katotohanang hindi niya inaasahan—hindi siya basta binili.

Pinili siya.

chap-preview
Free preview
I: Bride Price
Kathrina Cuenca Lahat ng babae sa pamilyang Cuenca ay may nararapat na halaga—isang tradisyong nagsalin-salin hanggang sa panahon ngayon. Maraming pamilya ang tumigil na sa ganoong kalakaran, ngunit may iilan pa ring nananatili sa sistema ng nakaraan. Isa na roon ang pamilya ko. At isa ako sa mga babaeng may nakatakdang presyo. Mula nang magkasakit si Inang, lahat ng naipundar ng aming pamilya ay parang bulang nawala, at nagkapatong-patong ang utang na kailangang bayaran. At iisa na lamang ang paraan upang makapagsalba sa amin… Ako. Tatlong milyon ang nakapatong sa ulo ko—isang malaking halaga upang maiahon ang pamilya ko mula sa pagkakautang. Tahimik akong nakaupo sa loob ng silid na gawa sa pawid habang naririnig ang mahihinang hikbi at pagtatalo sa katabing kuwarto. “Roberto, hindi mo kailangang gawin ito. Para mo na ring ibinenta ang kalayaan at kasiyahan ng anak natin.” Nanghihinang usal ni Inang. “Maria, asawa ko, ito na lang ang huling paraan para magamot ka at mailigtas ang pamilya natin sa pagkakalubog sa utang.” “Paano na ang anak natin?” Hindi ko na ipinagpatuloy ang pakikinig at isinuot ang earphones sa magkabilang tenga. Tanggap ko na—ito ang tadhana ko. Mula pagkabata ay alam ko na ang tradisyon ng pamilya namin, ngunit hindi ko inakalang darating ako sa ganitong sitwasyon. Lumaki at namulat ako sa masaganang pamumuhay. Hektarya-hektarya ang lupain at marami kaming alagang hayop. Ngunit lahat ng iyon ay naglaho—at ngayon, ako na lamang ang natitirang paraan para makaahon kami. Sunod-sunod ang katok bago bumukas ang pinto at sumilip si Tatay. “Anak, maaari ba kitang makausap?” Nag-aalangan akong tumango. Iniligpit ko ang iilang kalat sa kama bago ko siya pinapasok. “A-ano po iyon?” Mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng puting bestida habang pinipilit kong pakalmahin ang iba’t ibang emosyon. “Kathrina,” tawag niya sa pangalan ko. “Batid mong hindi ko rin nais ang bagay na ito. Sana maintindihan mo kung bakit ko kailangang gawin ito, anak.” Ibinaba ko ang tingin at pinigilan ang nangingilid na luha. Hindi ako sumagot o makatingin nang diretso sa kanya. Oo nga’t para ito sa pamilya namin, ngunit hindi ko maiwasang matakot. Bente-dos pa lamang ako, katatapos ko lang sa kolehiyo, at kailangan ko nang magpakasal sa lalaking hindi ko kilala. Para sa Bride Price. “Sabihin niyo po sa akin, Itay… m-may nahanap na po ba kayo?” Hindi ko napigilan ang mapiyok na tanong. “Meron na,” diretso niyang sagot. “S-sino po?” “Si Casius Ventura Mueba.” Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng paglunok ko ng sariling laway. Si Casius… “S-seryoso po kayo?” Tumango siya. “Sampung milyon ang handa niyang ibigay—doble sa Bride Price na napagkasunduan.” Para akong napipi sa laki ng halagang iyon. Ang pamilya Ventura-Mueba ay kilala sa buong probinsya dahil sa malawak nilang sakahan at sa iba’t ibang negosyong umaabot pa hanggang Maynila. Sila ang nag-aangkat at naglalabas ng prutas, bigas, at kung ano-ano pang ani. Kaya hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko—bakit ako? “Hindi ko rin alam,” naguguluhang sagot ni Itay. Hinawakan niya ang dalawang palad ko at marahang pinisil. “Pero anak, isang bagay ang masisiguro ko—hindi ka makakaranas ng hirap sa kanilang pamilya. Hindi mo kailangang magtrabaho… at hindi ka bababaan ng tingin ng mga tao.” Sa pangalawang pagkakataon ay para akong napipi. Nilukob ng takot ang buong pagkatao ko nang malaman kung sino ang bumili sa akin—ang lalaking papakasalan ko. “W-walong taon ang agwat ng edad namin.” Nangangarag ang boses ko at tuluyan nang tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Hindi nakasagot si Itay. Mukhang alam niya rin ang bagay na iyon, ngunit para sa pera at kapangyarihan ay handa niya akong ibigay. Natigil ang pag-uusap namin nang may kumatok sa pinto. “Itay, andito po si Don Casius. Gusto po kayong makausap,” sabi ng nakakabata kong kapatid. Nagkatinginan kami ni Itay. Binitawan niya ang kamay ko, tumayo, at inayos ang damit bago ako tinapunan ng tingin. “Katrina, ayusin mo ang sarili mo. Haharapin mo na ang mapapangasawa mo.” Lumabas siya ng kuwarto. “O-opo,” mahina kong sagot. Sinunod ko ang utos ni Itay nang walang pagmamadali. Ayaw kong lumabas… ayaw ko silang harapin. Pero wala akong magagawa—ito na ang nakatadhana. Napatigil sila sa pag-uusap nang makita ako. Napunta sa akin ang lahat ng atensyon. Si Inang, puno ng pag-aalala ang mukha. Si Itay naman ay tila nakahinga nang maluwag. Pagkatapos ay binalingan ko ng tingin ang lalaking bumili sa akin. Malamig ang kanyang mga mata. Walang emosyon na mababasa sa kanyang mukha. Napababa ang tingin ko. Marahan akong lumapit kay Inay at hinawakan ang kamay niya. “A-anak…” punong-punong pag-aalala ang boses niya. Nginitian ko siya para ipakitang ayos lang ako… kahit hindi. “M-magandang gabi po,” kinakabahan kong bati sa bisita. Nanlamig ang buong katawan ko nang magtama ang mga mata namin ni Casius. Suot niya ang itim na amerikana na humahapit sa matipunong katawan. Naka-krus ang kanyang mga paa habang nakaupo sa gitna ng sala. Ilang segundo kaming nagkatinginan, at ako ang unang naglihis ng tingin. Hindi ko maipaliwanag, pero tila may kakaiba sa malalim niyang titig. “Si Kathrina… Kathrina Cuenca.” Sumenyas si Itay na lumapit ako. Hinawakan niya ang pulsuhan ko at may matamis na ngiti na ipinakilala ako sa lalaki. “Ang nag-iisang babae ng pamilya namin.” Namumuo ang pawis sa noo ko. Muli kong itinaas ang tingin at marahan na tumango. Nakakailang ang malagkit niyang titig na hindi maalis sa akin. Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko nang banggitin niya ang pangalan ko. “Kathrina Cuenca.” Baritonong boses niya ang bumigkas sa buo kong pangalan. Tila napako ako sa kinatatayuan nang salubungin ko ang seryoso niyang tingin. Palihim akong humugot ng malalim na hininga at kinagat ang ibabang labi, pilit na pinapakalma ang sarili. “Maghanda ka na,” malamig niyang sabi. “Sa susunod na linggo… magpapakasal na tayong dalawa.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.4K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.6K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.6M
bc

The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

read
14.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook