“Walang hiya ka! Lumayas ka rito ngayong malanding babae ka!” malakas na sigaw ng tiyahin kong si Tiya Beth. Hinagis niya ang mga gamit, damit, at ibang pag-aari ko sa labas ng bahay. Mangiyak-ngiyak kong pinagpupulot ang mga bagay na bigay pa ng nanay ko. “Wala na nga tayong makain, nagpabuntis ka pa! Wala kang delikadesang babae ka!”
Hindi ko inabalang titigan si Tiya Beth. Narinig ko pa ang malakas na bulungan ng mga tao rito sa amin. Kumpol-kumpol ang mga tao na animo'y nanonood ng live show ng teleserye. Nabibingi ako sa mga bulungan at pagtatalak ni Tiya Beth sa akin, dagdagan mo pa ang paghampas ng tubig dagat na nasa harap ng bahay namin.
“Ganiyan ang napapanood ko sa telebisyon, ay! 'Yung inapi-api sa una ang babae, makalipas ang ilang taon, mayaman na! Hay!” rinig kong sabi ni Aling Duday.
“Kung ano-ano kasi ang inaatupag mo imbis na mag-aral ka! Wala kang kuwenta kahit kailan! Manang-mana ka talaga sa nanay mong walang delikadesang katulad mo, maagang magpapabuntis at hindi man maalagaan ang anak dahil sa hirap!” sigaw nito sa akin at dinuro-duro pa ako. Kulang na lang ay ipasok na niya ang hintuturo niya sa loob ng aking ulo.
Pumintig ang tainga ko nang marinig ang sinabi ni Tiya Beth patungkol sa aking inang pumanaw na. Kahit sino naman ay hindi gugustuhin ang makarinig ng kung anu-ano tungkol sa kanilang sariling magulang.
“Wala kang karapatan sabihan nang ganiyan ang nanay ko. May respeto ako sa'yo, tiyang. Pero kung babastusin mo ang nanay kong matagal nang nananahimik, ibang usapan na ho iyon. Makapagsalita ho kayo akala niyo kayo ang nagluwal at nagtaguyod sa akin. Eh, nariyan lang naman kayo dahil ginagatasan mo ng pera ang nanay ko. Lalo na 'yung ama kong nasa ibang bansa!”
”Aba't sumasagot ka pa talaga, Vera? Ganiyan ba kabaluktot ang utak mo? Hala! Sige! Lumayas ka kung hindi ka makaintindi!” utas niya.
Sarkastiko akong tumawa at pumalakpak nang marahan. “Palalayasin ako aa sarili kong pamamahay, grabe. Kakaiba 'yan, tiyang.”
Hindi siya sumagot, bagkus ay tinitigan lamang ako dahil tinamaan sa sinabi ko. “Tutal, aalis na rin naman ako. Lubus-lubusin ko na. Isa lang masasabi ko sa'yo, Tiya Beth. 'Di ako grateful na maging tiyahin ka. You know why? Hindi mo ako binigyan ng tiyansa para tapusin 'yung kursong gusto ko. 'Yung pera ng ama ko, para 'yon sa akin! Sa pag-aaral ko! Ang kaso ang dudumi niyong mag-asawa, ipangkakain na nga lang, ipangsusugal pa! Hindi naman sa sugal bumubusog ang kalamnan natin, Tiya Beth. Kailangan ko pa talagang magtrabaho sa mga bar, sa karinderya at iba-ibang trabaho para lang palamunin kayong mag-asawa!” Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bigat na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay dinaganan nang mabibigat na bato ito. Nahihirapan akong makahagip ng hangin dahil dito.
My mom died due to heart complications when I was still young. May komplikasyon siya sa kaniyang puso, nais ko man siyang ipagamot sa mga eksperto ngunit hindi sapat ang perang nakukuha ko't kinikita araw-araw. I tried my best upang dugtungan ang buhay niya. Ngunit nang dumating ang Tiya Beth ay mas lalo pang umiksi ang buhay niya.
Nagtrabaho ako sa isang bar bilang mananayaw. Nagtrabaho rin ako sa isang panciteria malapit sa aming lugar bilang janitress at waitress. Dahil kung hindi ko gagawin iyon, nakakatiyak akong hindi ko malalamnan ang tiyan ko sa bawat araw na nagdaraan.
Ipinagsintabi ko muna ang aking pag-aaral dahil hindi ko kayang maipagsabay-sabay ang mga gawain. Lalo na hindi sapat ang ibinibigay ng aking ama, para sa tuition fee ng aking pag-aaral. He doesn't love my mom. May iba siyang asawa, unang asawa. At walang kaalam-alam ang aking ina tungkol doon hanggang sa may nakapagsabi. Kaya hindi rin ako kinilala ng ama ko bilang anak niya. He only support me financially.
Kaya habang kaya kong kumayod para sa sarili ko, gagawin ko. Wala akong ibang aasahan kung hindi ang sarili ko lamang.
“Miss! Can you please clean this mess!” ani ng isang babaeng aplikante nang mahulog ang kapeng dala-dala niya.
Napasinghap ako at napahawak sa siyam na buwang tiyan ko. Mas malaki ang tiyan ko kumpara sa normal na nagdadalang tao. Ni hindi pa ako nakapag-ultra sound dahil sa kapos na kapos ako sa pera. Kaya hindi ko alam kung babae o lalake ba itong dinadala ko. Napahawak ako sa balakang ko nang sumakit na naman ito. Napapangiwi pa ako sa sakit.
“Bobo ka ba, miss? Hindi mo ba ako naririnig? O baka sadyang bobo ka at hindi makaintindi ng simple english? Jusko! Janitress ka kaya dapat alam mo ang mga lilinisin mong dumi pagkakita mo pa lang, hindi ba?” mataray na ani ng aplikante at inikot pa ang kaniyang mata.
Pinagtaasan ko naman siya ng isang kilay. Magsasalita na sana ako nang may baritonong boses ang nagsalita.
“Excuse me, are you an applicant here, missy?” baritonong tanong nito sa aking likuran.
Nanlaki naman ang mga mata ng babae. Akala mo'y nakakita siya ng multo. Bakas na bakas ang pinaghalong takot at gulat sa mukha niya. Napalunok siya at nangangatog ang binti niya habang nakatulala sa lalakeng nasa likod ko. “Y-y-yes! Oo, S-sir!” utal-utal na sagot nito.
“Okay, I see.” Tumango-tango siya. “Since my assistant told me that you're hired as my secretary... As an Cheif Executive Order, President, Founder, and Owner of this building, I order you to take all your things from the office and leave. You are now fired!” umalingawngaw sa buong building ang boses nito sa huling linyang kaniyang sinabi.
Naluluhang nakatingin naman ang babae sa kaniya. “W-why, Sir? A-ang sabi naman ng isang sekretarya ay p-pasok naman daw ako b-bilang sexytary m-mo,” pangangatuwiran pa nito.
“Why would I hire someone who doesn't have a simple manners? Not just because she's only a janitress here, you can oppress her. Learn to respect everyone, no matter what state they are in life.” Lumapit ang lalake sa akin at kinuha ang mop na hawak-hawak ko. Ngumiti siya sa akin bago nagpaalam na kuhanin ito. Siya ang naglampaso sa kapeng naihulog ng babae kanina. “You are lucky, missy. 'Coz you can wear such clothes, eat what you want, and buy what you want.” He smiled. “Can you see her?” Turo niya sa akin. “She's pregnant, hirap siya kung kumilos. Kumpara sa'yo na kaya mong tumakbo sa buong building nang walang kahirap-hirap. You can borrow this mop, and clean your own mess. Hindi mahirap, 'di ba?” aniya at iminuwestra ang malinis na sahig, na kanina ay natapunan ng kape.
Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Mahinahon lamang ang pagkakasabi niya, hindi nakakatakot, hindi nakaka-intimidate. Friendly siyang tingnan, at magsalita.
Nagulat ako nang biglang lumuhod ang babae sa harap ko at niyakap ang paa kong marurumi. “Ate! Pasensya na po, hindi ko po sinasadya. Sorry po, ate! Sorry!” aniya. Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang braso niya para patayuin siya.
“It's fine. Hayaan mo na 'yon,” nakangiting sabi ko.
Tumango siya at nag bow sa lalakeng katabi ko. Nag sorry pa ito bago patakbong lumabas sa building. Narinig ko pang bahagyang napahalakhak ang lalaki.
“Why are you laughing?” nagtatakang tanong ko.
“Na guilt trip amputa!” tumatawang aniya.
Napailing na lang ako at kinuha ang mop na hawak niya. “Akin na po 'yan, sir. Uumpisahan ko na maglampaso bago ako umuwi. Salamat ho pala, 'di niyo naman ho kailangang gawin iyon,” nahihiyang sabi ko.
“You're pretty. Gusto mo bang sumama sa akin? Kakain lang sa labas, if you want iuuwi na rin kita sa amin.” Is he joking?
I gulped. Nagsalubong pa ang dalawang kilay ko. “Ho?”
Tumawa ito na parang baliw. Mas lalo pang namula ang pisngi ko nang tumawa siya. I felt my blood running towards my cheeks and nape due to embarassment.
Tumaas ang gilid ng kaniyang labi. “Ang sabi ko, iuuwi na kita sa amin if you want to. Ako na bahala sa'yo. Ako ang mag-aalaga sa'yo, parang mag jowa gano'n ba.”
“B-bakit po? Ginagago niyo po ba ako, sir?” tanong ko at mabilis siyang umiling.
Ano ba 'to? Hindi niya ba nakikitang malaki ang tiyan ko at mukha na akong balyena dahil dito, tapos sasabihan niya ako nang ganiyan? Nababaliw na ba siya?
“Kung 'di niyo po nakikita, buntis po ako. As in pregnant! Buntis! Buntis! Tapos aayain mo ako sa bahay niyo at ikaw ang mag-aalaga? That's impossible, sir!”
“Edi gagawin kong posible, wala namang masama ro'n. And to answer your question. Yes, I can see that you're pregnant, at handa akong panagutan ka.”
“Stop it, sir. Hindi po nakakatuwa ang ganiyang biro—”
“I'm not joking. Hindi kita binibiro. Seryoso ako. Kung ayaw mo, we can be friends muna bago landi.”
Umiling ako. “Boss ka rito, at janitress lang ako. We can't be friends. Hindi mo rin puwedeng gawin iyang sinasabi mo, dahil pagbubulungan at masisira ang pangalan mo nang dahil doon.” Suminghap ako. “T'yaka sa itsura mo, para kang womanizer. Tipong kadyot now, run later,” I rolled my eyes. May naalala kasi ako.
Umiling siya. Parang dinedeny ang sinabi kong katotohanan naman. “No, no, no. Hindi ako ganoong klaseng tao,” natatawang aniya. I rolled my eyes again. Itinulak ko ang cart at tatalikuran na sana siya nang bigla niyang hablutin ang braso ko.
“Wait! I forgot to ask your name! Anong pangalan mo? Sa social media? Chat chat tayo!” maligalig na aniya. “I am Malcolm Fuentabella. And you are?”
Umiling ako. “Wala. Wala akong social media.” Nilabas ko ang sira-sirang cellphone ko. “Look at my phone, sir. Sira na, at hindi high-tech tulad ng inyo. Sinaunang panahon pa ang cellphone kong 'to. At isa pa, wala akong load,” sagot ko sa kaniya. Muli kong nilagay ang cellphone ko sa bulsa ng aking suot na blusa.
“Don't worry, load-an kitang one thousand. Is that enough?”
Humarap ako sa kaniya at balak na sanang pumutak muli nang biglang may kakaibang sakit ang gumuhit sa tiyan ko. Napangiwi ako sa sakit at napahawak na lamang ako sa tiyan ko. ”A-aray!”
“Hey, hey. What's wrong? Anong nangyari sa'yo? Please, tell me. Kinakabahan ako. Should I call a bumbero?!”
Sa kaligtnaan ng sakit na nararamdaman ko ay napahalakhak ako sa sinabi niya. “P-putanginamo, ambulansya ang tawagin mo! M-manganganak na yata ako!” sigaw ko sa kaniya at napahawak sa kaniyang braso.
Inalalayan niya ako, at mabilis na natipa ng numero sa kaniyang cellphone. Napahawak ako sa manggas ng damit ni Malcolm dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Napapaluha na ako, ngunit pilit kong nilalabanan ang sakit. I need to be strong para sa anak ko!
Natataranta si Malcolm habang kausap ang kung sino sa kabilang linya. “Okay, listen. Kumalma ka lang, malapit na 'yon. I can't bring you to the hospital dahil wala ang kotse ko ngayon, ngunit sasamahan kita hanggang sa makapanganak ka. But I called the ambulance, and any time soon darating na sila. Okay? Breathe in, breathe out. Keep yourself calm, baby. Please. Darating na sila...”
Napamulagat ako ng mata ng bigla niya akong buhatin na mala bridal style palabas sa building. Takbo at lakad ang ginawa niya, at maingat niya itong ginawa na animo'y takot na baka maihulog ako. Ilang sandali lamang ay dumating ang ambulansya at mabilis akong inilagay sa stretcher at ipinasok. Mabilis ang naging takbo ng ambulansya, wala pang sampung minuto ay nakarating na kami sa hospital.
Hawak-hawak ni Malcolm ang aking kamay, at nakapikit siya at may ibinubulong na dasal. He is true to his words. Kasama ko siya sa loob ng ambulansya, hanggang sa nakarating kami ng hospital. Kahit ngayong itinatakbo ako sa emergency room, kasama siyang nagtutulak sa stretcher na hinihigaan ko.
“Kalma ka lang, ha! Kaunting tiis na lang. Malapit na. Nandito lang ako, gagabayan kita.”
Tumango ako at sinubukang ngumiti kay Malcolm. Ipinasok na ako sa emergency room, unfortunately, hindi siya makakapasok. But he assured me na naroon lamang siya sa labas.
“You're strong, sweet heart! You've got this! Nandito lang ako! ” malakas na sigaw niya. Nakita ko na lamang siya sa salamin ng pinto, nakadungaw. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha, ngunit tinatakpan niya ito ng mga ngiti niya.