Madilim na nang imulat ko ulit ang aking mga mata. Nilibot ko ang aking paningin. Nandito pa rin ako sa kwarto ni Victor. Dahan-dahan akong umupo. Hinawakan ko ang gilid ng aking ulo dahil sa pagkirot nito. Anong oras na kaya? Ilang oras akong tulog? Kailangan ko nang umuwi.
Napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito. Pumasok si Victor na may dalang tray. Mukhang nagulat pa siya nang maabutan niyang gising na ako. Agad siyang lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko. Inilapag niya ang tray na dala niya sa kama. May laman itong soup at orange juice. Meron ding gamot. Nakaramdam tuloy ako ng gutom nang maamoy ko ang soup.
"Uhm..." tikhim niya. Nilipat ko ang tingin ko sa kanya. "How are you?"
Gumalaw ako ng kaonti. Inayos ko ang kumot na nakatakip sa aking mga hita. "Ayos na. Medyo masakit na lang ang ulo ko," sagot ko. "Anong oras na pala?"
"It's already 7:30, Ria," kinuha niya ang bowl ng soup sa tray. "Kumain ka na. Kailangan mong uminom ng gamot..." tumango ako. Kukunin ko sana ang hawak niyang soup, kaso ay iniwas niya ito sa akin. "Ako na," binaling niya ang kanyang tingin sa soup. Nagsalok siya sa kutsara at hinipan ito bago isubo sa akin.
Nakaramdam ako ng kaonting saya dahil sa kanyang ipinapakita. Kahit na papaano pala ay kaya niya akong bigyan ng malasakit.
Nagpatuloy lang siya sa pagsubo sa akin. Hindi kami nag uusap. Kung minsan ay sinusulyapan ko siya at nahuhuli ko ang mga mata niya na nakatitig sa akin. Agad din naman niyang binabawi ang kanyang mga tingin.
"Uminom ka na ng gamot," aniya pagkatapos akong pakainin. Inilapag niya ang bowl sa tray. Kinuha naman niya ang baso na may orange juice at gamot atsaka inabot sa akin.
Kinuha ko ito. "Salamat..." sambit ko bago inumin ang gamot at orange juice.
Siguro naman ay kaya ko nang umuwi ngayong gabi. Hindi na ako pwede ng magdamag dito. Sigurado ako na hindi na papayag si Victor na dito ako matulog. May sakit lang ako kanina kaya inalagaan niya ako. Pero ngayon na malakas na ako, kailangan ko nang umalis.
Kinuha niya sa akin ang baso nang maubos ko ang laman nito. "Uhm, uuwi na ako," lingon ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya. Bumaling siya sa akin. "Anong sinasabi mo?" tanong niya. Tila hindi niya naintindihan ang aking sinabi.
"Uuwi na ako," ulit ko. "Ayos na rin naman ako. Kaya ko nang umuwi."
"Are you serious, Aria?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumango ako.
Umiling naman siya agad. "No. Hindi ka uuwi. Dito ka matutulog," biglang dumilim ang titig niya sa akin. Naging seryoso ang kanyang pananalita. Kinabahan tuloy ako. Galit na naman yata siya sa akin.
"Pero-"
"Hindi ka pa gano'n kaayos. Paano kung bumalik ang lagnat mo?" kinuha na niya ang tray. "Dito ka lang..." tumayo na siya at naglakad na palabas ng silid.
Napabuntong hininga na lang ako. Seryoso ba siya? Naging sagabal na ako sa kanya dito kanina. Tapos ngayon ay gusto niya na dito na naman ako magpalipas ng gabi?
Napasandal na lang ako sa ibabaw ng higaan. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Siya ang masusunod, eh. Baka magalit siya sa akin kapag tumanggi ako. Atsaka, alam ko naman sa sarili ko na hindi ko kayang tanggihan ang isang Victor Arevalo.
Ilang sandali pa ay muli siyang bumalik. May dala siyang mga paperbag. Nag ayos ako ng upo. Nilagay niya ang kanyang mga dala sa aking paanan.
Nagkatinginan kami. "Para makapagpalit ka," aniya.
Nilipat ko ang tingin ko sa dala niya. Isang kulay pink na paprebag. Kulay pula naman ang isa pang paperpbag. Ano kaya ang laman ng mga ito?
"Mga damit yan at... underwear..." nabasa yata niya kung ano ang tumatakbong katanunagn sa aking isip. Namula ang aking mukha dahil sa laman ng paperbag. "Binili ko ang mga 'yan," tumingin ako sa kanya ngunit tumingin siya sa ibang direksyon. "Don't worry."
Ibig sabihin ay binili niya ang mga ito para sa akin? Gusto kong tumalon at pumalakpak. Pinigilan ko lang ang sarili ko na gawin iyon. Ngumiti na lang ako. Abot tainga nga yata ang aking ngiti.
Binalik niya ang tingin sa akin. "Magpalit ka na."
Tumango ako. Tumayo na ako at kinuha na ang mga dala niya. Agad akong tumungo sa banyo.
Pakiramdam mo ay hindi ako nagkasakit. Ang lakas lakas ko nga, eh. Effective palang nurse si Victor. Kung siya siguro ang mag aalaga sa akin, hindi na ako magkakasakit.
Kahit na nilagnat ako kanina, pinili ko pa rin na maligo. Hindi ko kayang tagalan ang katawan ko na hindi naliligo. Sanay na rin naman ako sa ganito. Sa ilang taon ba naman na ako lang mag isa? Kabisado ko na ang kagustuhan ng katawan ko.
Inabot ko ang kulay asul na towel na nakasabit sa likod ng pintuan pagkatapos kong maligo. 'Yong isa kasi ay kulay puti, nakaburda pa dun ang pangalan ni Victor. Itong kulay asul ay wala namang pangalan na nakaburda kaya ito ang ginamit ko.
Sa loob ng banyo na 'ko nagbihis. Pinili kong suotin ang kulay dilaw na t-shirt at kulay pink na pajama. Kasya ang mga ito sa akin. Maging ang panloob ay kasya rin. Ang galing palang tumantya ng sukat ni Victor. Nilipat ko ang laman ng kulay pink na paperbag sa kulay pula para magamit iyon. Doon ko nilagay ang mga maruming damit ko.
Napatayo agad si Victor paglabas ko pa lang ng banyo. Natigilan ako sa pagpupunas ng aking buhok nang magkatinginan kami.
"Naligo ka?!" lumapit siya sa akin. Hinaplos niya ang leeg at noo ko. "Kakagaling mo lang sa lagnat, Ria! Dapat ay naghilamos ka lang!"
Napaurong ako nang tumaas ang boses niya. "Sanay naman ako..." yumuko ako. Galit na naman siya sa akin. "Sanay na ako sa ganito."
"Tsk! Sana ay sumama na lang ako sa loob ng banyo!" hinila niya ako. Umupo kami sa kama. Inagaw niya sa akin ang towel na hawak ko. Pinunasan niya ang aking buhok. "Kailangan matuyo agad 'to," seryosong sabi niya. Hindi na lang ako sumagot. Hinayaan ko na lang siya sa kanyang ginagawa.
"Sa susunod na magkasakit ka, huwag mo na ulit gagawin ito," patuloy pa rin siya sa pagpapatuyo ng aking buhok.
"Oo. Hindi na..." lumiit aking boses. "...mauulit."
Tumayo siya. May kinuha siya sa banyo. Pagbalik niya ay may dala na siyang suklay. Umupo ulit siya sa tabi ko "I'll comb your hair. Para mas mabilis matuyo," aniya. Nag umpisa na siyang suklayan ako. Napakabanayad ng bawat galaw niya.
Sa mga kilos niya, gusto ko tuloy isipin na nag aalala talaga siya sa akin. Kakaiba kasi ang mga galaw niya ngayon. Hindi ako sanay.
Tumigil na siya sa pagsusuklay sa akin. "Ayan, medyo tuyo na," hinawakan niya ang aking buhok. "Magpahinga ka na ulit. Bukas, ihahatid kita ng maaga."
Iniwan niya ang suklay sa kama. Tumayo siya at naglakad na ulit palabas. Pinagmasdan ko siya. "Victor..." tawag ko sa kanya bago niya buksan ang pinto.
Lumingon ulit siya sa akin. "Bakit?"
"Salamat. Salamat sa pag aalaga," ngiti ko. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi niya ako sinagot. Tinalikuran lang niya ako at tuluyan na siyang lumabas.
Nakangiti kong kinuha ang suklay. Ako na ang nagpatuloy ng kanayang ginagawa kanina. Muli kong sinuklayan ang aking buhok para matuyo na ito.
Darating din ang araw, magagawa ko ring pangitiin si Victor. Hindi lang sa kama, kundi arawaraw. Konting tiyaga lang, lalambot din ang puso niya. Hinding-hindi ako susuko hanggang ibaling na niya sa akin ang kanyang atensyon.
Humiga na ako nang matuyo ang aking buhok. Nakatulala ako sa kisame habang nakangiti. Para akong baliw rito. Gusto ko nang matulog, kaso ay ayaw naman pumikit ng mga mata ko. Pakiramdam ko ay hindi man ako dinapuan ng sakit kanina.
Bumukas ulit ang pintuan. Napatingin ako doon dahil pumasok si Victor. Tahimik lamang siyang lumapit sa akin. Nagulat ako dahil bigla siyang tumabi sa akin. Umusog ako para mabigyan siya ng mas maluwag na pwesto. Hindi ako makagalaw. Tumitig ulit ako sa kisame at kinagat ang aking labi. Dinig ko ang pagpapakawala niya ng malalim na hininga. Gumalaw siya at napagtanto ko na nakaharap pala siya sa akin. Nanatili naman ang mga mata ko sa kisame.
"Ria..." tawag niya. Walang halong galit ang kanyang boses. Taliwas ito sa tono na madalas niyang ginagamit sa akin.
"Hmmm?" bumaling ako sa kanya. Kaonti na lang ang puwang na namamagitan sa aming mga mukha. Isang maling galaw lang ay magdidikit na ang mga labi namin, kaya naman sinikap ko na huwag ng gumalaw.
"Natatakot ka ba sa mga ginagawa ko?" tanong niya.
Dahan-dahan akong tumango habang nakatingin sa mga mata niya. "Natatakot ako... kasi pakiramdam ko... lahat ng ginagawa ko ay mali para sa 'yo."
Hinaplos niya ang aking braso. Sobrang ingat ang paggalaw ng kanyang kamay. Nanayo yata ang mga balahibo ko dahil sa kakaibang pakiramdam na hatid niya.
"Kung gano'n... bakit ka pumayag sa ganitong set up?"
"Dahil gusto kitang tulungan," simpleng sagot ko. Iyon naman talaga ang totoo. Gusto ko siyang tulungan para makalimutan niya si Aaliyah. Kahit na sa ganitong paraan pa.
Nag ayos siya ng higa. Tumingin siya sa kisame. Ako naman ay nanatiling nakatingin sa kanya. "Bakit gusto mo akong tulungan?" tanong niya. "Ang sama ko sa 'yo. Dapat ngayon pa lang... nilalayuan mo na ako."
Ngumiti lang ako sa kanyang sinabi. Hindi naman kailangan ng maraming dahilan para tulungan ko siya. Gusto ko siya, kaya naman handa akong tulungan siya para makalimutan si Aaliyah.
Muli niya akong tiningnan. "Ria... I want you, you know... as my bed warmer..." bumuntong hininga siya. "Bakit sa akin mo binigay... bakit ako?"
"Bakit hindi ikaw?" ngiti ko. "Mabait ka, Victor. Siguro ay masyado ka lang nasaktan kaya naging ganyan ka."
"Mahal ko si Aaliyah," sagot lang niya sa akin.
Ngumiti pa rin ako kahit na kumirot ang aking puso dahil sa kanyang sinabi. "Alam ko."
"Ria... ngayon pa lang, binibigyan kita ng pagkakataon para makawala sa set up na ito," marahang sabi niya. Hinawakan niya ang aking pisngi.
"Ayoko, Victor. Ayoko..."
Umupo siya bigla na syang ikinagulat ko. Umupo rin ako. Hinawakan ko siya sa balikat. Agad naman siyang napalayo sa akin. Tila napaso siya sa haplos ng aking palad.
"Magbihis ka na. Ihahatid na kita," biglang lumamig ang kanyang boses. Muli siyang lumabas ng silid. Ako naman ay naiwan na tulala.
Tama ba ang narinig ko? Uuwi na ako? Akala ko ba ay bukas? May mali ba sa mga sinabi ko? May hindi ba siya nagustuhan?
Gusto ko mang manatili, pero sinunod ko ang kanyang utos. Nagbihis na lang ulit ako gamit ang mga binili niyang damit sa akin. Isang kulay puting t-shirt at shorts ang aking sinuot. Paglabas ko ng kwarto ay nakaabang na sa akin si Victor sa pintuan. Pareho kaming nagulat nang mapagtanto namin na pareho ang suot namin. Yumuko na lang ako at pinagmasdan ang bitbit kong paperbag.
"Let's go..." mahinang sabi niya. Naglakad na siya palabas. Sumunod na ako sa kanya.
Pagpasok namin ng sasakyan ay tinanong niya ako kung saan ako nakatira. Agad ko naman siyang sinagot. Pagkatapos no'n, hindi na ulit kami nag imikan. Tahimik na ang aming byahe.
Pasimple ko siyang sinusulyapan. Seryoso siyang nakatingin sa daan. Salubong na naman ang kanyang mga kilay. Ang sungit na naman tuloy ng dating niya. Pinilit kong alalahanin kung may mali ba akong sinabi kanina habang nag uusap kami. Wala akong matandaan na may mali akong sinabi. Bakit bigla na naman siyang bumalik sa dati?
"Dito na lang," Sabi ko nang makadating na kami. Itinigil naman niya agad ang sasakyan.
"Saan ba ang bahay mo?" lingon niya sa akin. Matalim na naman ang titig niya. Parang may nagawa na naman akong mali. "Ihatid na kita hanggang doon."
Umiling ako. "Huwag na," tanggi ko. "Papasok pa sa maliit na eskinita 'yong apartment ko. Hindi makakapasok ang sasakyan mo doon."
"Apartment mo?" tanong niya.
Tumango ako.
"Ikaw lang mag isa?"
Muli akong tumango sa sinabi niya. "Sige, aalis na ako..." kinalas ko na ang aking seatbelt. Bababa na sana ako, kaso ay hinawakan niya ang braso ko. Binalik ko ang tingin sa kanya.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
May kinuha siya sa may backseat. Inabot niya iyon sa akin, doon ko lang napagtanto na body bag ko 'yon. Ang naiwan ko sa kanyang unit nung gabing 'yon. Oo nga pala, hindi pa niya naibalik sa akin ito.
"Your bag."
"Salamat..." kinuha ko ito.
"And the pill, Ria. Huwag mong kakalimutan," paalala niya.
"Oo," tango ko. Hindi ko naman 'yon makakalimutan. Nilagay ko ang mga ito sa paperbag na dala ko.
Akmang bababa na talaga ako, kaso ay muli niyang hinawakan ang aking braso. Bumaling ulit ako sa kanya.
"May nakalimutan ka pa bang sabihin?" tanong ko.
Tumango siya. "Baka hindi muna tayo magkita ng ilang araw."
"Bakit?"
Binitawan niya ang aking braso. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. "Magiging abala ako. Tutulungan ko si Aaliyah sa pag aayos ng kasal nila ni Miggy," pagod niyang sabi.
Ngumiti ako kahit na hindi naman niya nakikita. "Ayos lang. Naiintindihan ko," binuksan ko na ang pintuan ng kanyang sasakyan. Tuluyan na akong bumaba.
Wala naman akong magagawa, eh. Wala akong karapatan na pigilan siya. Labas ako sa personal niyang gawain. Lalo na, para kay Aaliyah itong ginagawa niya.
Naglakad na ako pauwi. Ngunit natigilan na naman ako nang bigla niya ulit akong tawagin. Hindi ko namalayan na bumaba rin pala siya sa kanyang sasakyan.
"Bakit?" tanong ko paglapit niya. Nagtataka na talaga ako sa kanyang mga kilos.
"Take care," mabilis niyang hinalikan ang aking labi. Sobrang bilis nito ngunit parang kinuryente ang buong sistema ko dahil sa kanyang ginawa at sinabi. Bumalik lang yata ako sa aking sarili nang biglang bumusina ang kanyang sasakyan. Hindi ko na namalayan ang kanyang pag alis.
Hinawakan ko ang aking labi. Napangiti na lang ako na parang baliw!