Chapter 5

2535 Words
Maaga akong nagising kinabukasan. Wala na si Victor sa tabi ko pagmulat pa lamang ng aking mga mata. Nasilaw ako sa liwanag na nagmumula bintana. Umupo ako at kinusot ang aking mga mata. Nasaan na si Victor? Bumalik na naman sa akin ang alaala ng mga nangyari kagabi. Hindi ko lubos akalain na kaya kong gawin ang mga bagay na ginawa ko para kay Victor. Kakaiba. Masyadong naging kakaiba ang pakiramdam ko. Bago lahat para sa akin. Bawat haplos niya ay naghahatid ng kakaibang init sa aking katawan. Bawat haplos niya ay nakakakilabot. Siya lang ang nakapagparamdam sa akin ng gano'n. Baliw na nga siguro ako dahil bawat haplos at halik niya ay hindi ko man lang tinututulan. Naghilamos muna ako bago lumabas. Pansin ko ang iilang marka na iniwan ni Victor sa aking leeg at balikat. May iniwan din siyang marka sa aking hita. Gusto kong maligo dahil sa aking nararamdaman. Hindi ako kumportable. Ito pa ring uniform ko sa bar ang aking suot. Wala akong dalang extrang damit dahil bigla na lang akong hinila ni Victor papunta rito. Kailangan ko rin palang mag isip ng dahilan kung bakit bigla na lang akong nawala kagabi. Malamang, tatambakan ako ng tanong ni Fin dahil nakita niya kaming palabas ni Victor. Bahala na nga. Mag iisip na lang ako ng paraan kung paano lusutan ang bawat tanong niya. Paglabas ko ng silid ay naamoy ko agad ang masarap na pagkain na nagmumula sa kusina. Nagutom ako bigla. Tumungo ako doon, naabutan ko si Victor na nagluluto. Kasabay ng pagdating ko ay ang pag ikot niya paharap. Inilapag niya ang hotdog at ham na niluto niya sa mesa. Tumingin siya sa akin. "Gising ka na pala..." malamig pa rin ang boses niya. Walang pagbabago. Nagbabago lang naman yata ang pananalita niya sa akin tuwing nasa kama kami. Tumango na lang ako sa kanyang sinabi. Nanatili ako sa gilid ng pintuan. Ayokong gumalaw dahil baka magalit na naman siya sa akin. Pakiramdam ko kasi, kahit na maliit na galaw ko lang ay mali na para sa kanya. "Upo ka na para..." tumalikod siya sa akin. Humarap ulit siya sa kanyang niluluto. "...makakain na tayo." Gulat man ako sa kanyang sinabi, hindi na ako tumanggi. Umupo agad ako. Pinagmasdan ko siya habang sinasalin ang fried rice sa lalagyan. Mukhang sanay na siya sa kanyang ginagawa. Siguro ay maladas niyang gawin ito noon kay Aaliyah o kaya naman ay sa mga naging karelasyon niya. Kinagat ko ang aking labi. Bakit ko nga ba iniisip 'yon? Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa mesa. Pinagmasdan ko ang hotdog at ham na niluto niya. Ayoko nang mag isip pa ng kung ano. Mas lalo lang magiging marami ang tanong sa utak ko. Sa ngayon, dapat ay malinaw sa akin kung ano nga ba ang namamagitan sa amin ni Victor. Walang relasyon. Pang kama lang. Iyon dapat ang itinatatak ko sa aking isip. Alam ko sa sarili ko na mas higit pa doon ang gusto ko. Pero ayoko nang mag hangad ng sobra. Hinayaan na niya akong makapasok sa buhay niya, kahit na sa kama lang ang relasyon namin. Dapat ay makuntento na ako. Inilapag na niya ang fried rice sa mesa. Naamoy ko ang bango nito. Kumuha na rin siya ng dalawang plato. Nilagay niya ang isa sa aking harapan. Inabot din niya sa akin ang kutsara't tinidor. Agad kong tinanggap ang mga ito. "Kain ka na," aniya. Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita habang kumakain kami. Para akong nabibingi. Tanging paggalaw lang ng mga kubyertos ang aking naririnig. Gusto king magsalita o kaya naman ay makipagkwentuhan, kaso ay hindi ko alam kung paano uumpisahan ang usapan. Kaya naman sa huli, mas pinili ko na lang na manahimik. Nagnanakaw na lang ako ng sulyap. Salubong ang mga kilay ni Victor habang ngumunguya. Napakaseryoso niya. Nakakatakot siyang istorbohin dahil baka isang kalabit lang niya ay magmimistula na siyang baril na puputok. Pero gano'n pa man, bagay pa rin sa kanya ang pagiging masungit niyang dating. Ang magulo niyang buhok, ang malalalim na mata na kung tumingin ay nakakatakot, ang matangos niyang ilong, makakapal na kilay, at mapulang labi... lahat sa kanya ay perpekto. Tila hinulma talaga siya para hangaan ng bawat kababaihan. Pero sa kabila ng lahat, ang mukhang ito ay palaging nasasaktan at iniiwanan. Kung isa siguro ako sa mga naging babae sa buhay ni Victor, hinding-hindi ko siya iiwan. Hindi ako aalis. Wala akong nakikitang dahilan para saktan at iwan siya. Malas lang dahil iba talaga ang gusto niya. Hindi ako. "You're looking at me... why?" natigilan ako sa pag iisip nang magkatinginan kami. Agad kong iniwas ang aking mga mata dahil sa gulat. Nakakahiya! Nahuli niya ako na nakatitig sa kanya. "Uh, wala... wala naman..." pinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain para pagtakpan ang hiyang nararamdaman. "Tss..." singhal niya. Naiinis na naman ba siya sa akin? "We'll go to the hospital later. Magpa check up ka and you know... the pill." "Sige," sagot ko na lang. Hindi pa rin ako nakatingin sa kanya. "I really want to fck you, Ria." Halos masamid ako nang marinig ko 'yon mula sa kanya. Oo nga't narinig ko na iyon kagabi sa kanya, pero ngayon? Umaga at nasa harap pa kami ng pagkain. Tumindig ang mga balahibo ko dahil sa diin ng kanyang boses. Kinakabahan ako dahil baka kapag ginawa na namin ang bagay na 'yon ay gagawin niya talaga ang sinasabi niya. Makakaya ko kaya? Uminom ako at nag angat ng tingin sa kanya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mga mata. Pati buong pagkatao niya ay hindi ko kayang basahin. Napakahirap. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ko siya magagawang palambutin. Ibinaba ko ang baso sa mesa. "I'm serious," dagdag pa niya. "Hanggang kailan ba... ito?" tanong ko. Pinilit kong tatagan ang loob ko sa pagtatanong kahit na takot na takot ako. Natawa siya sa aking tanong. "Hindi pa nga nag uumpisa... gusto mo na agad matapos?" "Gusto ko lang malaman," gusto kong malaman kung hanggang kailan ako magpapakatanga. Gusto kong malaman kung hanggang kailan ang kaya kong itagal. Gusto kong malaman... "Kapag nakalimutan ko na si Aaliyah." Tumango na lang ako. Tama nga naman. Kapag hindi na niya mahal si Aaliyah. Kaya lang naman niya ginagawa ang ganito para makalimot. Para malibang. Ginawa pa niya akong instrumento. "Paano kung gusto ko ng relasyon?" ipinatong ko ang aking mga kamay sa aking hita at kinuyom ang mga ito. Gusto kong samplain ang sarili ko dahil sa pagtatanong ng gano'ng bagay. Inaasahan ko ang pagsagot niya sa akin ng may galit. Ngunit nagtaka ako nang bigla siyang tumawa. Tila ba narinig niya ang pinaka nakakatawang biro sa buong mundo. "Are you... serious?" tawa pa rin niya. "Makikipagrelasyon lang ako sa 'yo kung ikaw si Aaliyah," muli siyang tumawa. Parang sumabog ang puso ko dahil sa kanyang sinabi. Biro ba para sa kanya ang kagustuhan ko? Ang tanging gusto ko lang naman ay subukan niya ulit. Subukan niya sa akin. Sinisigurado ko na hindi siya masasaktan. Hindi ako gagawa ng dahilan para saktan siya. Tumigil na siya sa pagtawa. "Huwag kang umasa sa relasyon, Aria." Hindi na ako nagsalita. Tama siya, huwag akong umasa dahil kahit kailan ay hindi mangyayari ang kagustuhan ko. Ngayon pa lang ay kailangan ko nang tanggapin ang katotohanan na iyon. Wala akong imik hanggang sa pumunta kami ng ospital. Ayoko na munang magsalita. Sapat na sa akin ang mga sinabi niya kaninang almusal. Mabuti na nga lang at hindi na rin siya nagsalita. Tahimik lang siya habang nagmamaneho. Nakatuon ang atensyon niya sa daan. Hindi din naman kami nagtagal sa ospital. May mga tinanong lamang sa akin at iilang tests na ginawa bago ako payuhan na mag birth control pill. Hiyang hiya ako sa ginagawa namin lalo na nang tanungin ng doktor kung para ba sa family planning itong ginagawa namin. Oo na lang ang isinagot ko kahit na alam kong nagdududa ang doktor. "Pwede na ba akong umuwi?" tanong ko habang papalabas kami ng ospital. Pagod na ako. Gusto ko nang matulog at magpahinga. Ngayon ko nararamdaman ang bigat ng katawan ko. Pakiramdam ko tuloy ay tatamaan ako ng sakit. Huwag naman sana. "No," matigas niyang sabi. "Day off mo ngayon, 'di ba? May pupuntahan pa tayo," inunahan na niya ako sa paglalakad patungo sa kanyang sasakyan. Napabuntong hininga na lang ako. "Saan?" tanong ko pagpasok ng kanyang sasakyan. "Sa bahay ni Aaliyah at Miggy," pinaandar niya agad ang kanyang sasakyan. Hindi ko na nagawang tumutol pa. Wala na kasi akong lakas pa. Dadapuan yata talaga ako ng sakit. Mabilis kaming nakadating sa bahay ni Miggy at Aaliyah. Silang dalawa ang bumungad sa amin pagdating pa lang namin. "Hi," matigas na sabi ni Victor. Nakatingin sa amin si Aaliyah habang si Miggy naman ay sa ibang direksyon nakatutok ang kanyang mga mata. Napansin ko ang paghawak ni Miggy sa kamay ni Aaliyah. Nagtaka ako sa kanyang ginawa. "Kuya..." aniya. "Anong... bakit ka nandito?" batid ko ang kaba sa tono ng kanyang pananalita. May mali ba? "Pasok kayo," ngiti naman ni Aaliyah sa amin. Mas nilakihan pa niya ang pagkakabukas ng gate para makapasok kami. Hinila naman siya ni Miggy at tila may ibinulong. Takang-taka kong inilipat ang tingin kay Victor. Nakatuon ang mga mata niya sa dalawa, o tamang, kay Aaliyah. Kita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Tahimik kaming pumasok sa kanilang bahay. Doon ko lang napagtanto na may mali talaga kay Miggy. Hindi siya nakakakita. Inaalalayan siya ni Aaliyah sa bawat galaw niya. Anong nangyari? Bakit bigla na lang siyang nabulag? Inalalayan ni Aaliyah sa pag upo si Miggy. Kami naman ni Victor ay magkatabing umupo sa sofa. Kaharap namin ay si Miggy, na takang taka pa rin siya sa mga nangyayari. Nagpaalam muna sa amin si Aaliyah na maghahanda ng pagkain. Tiningnan pa niya ako at nginitian bago umalis. Ginantihan ko rin siya ng tipid na ngiti. Ang ganda talaga niya sa malapitan. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit baliw na baliw ang magkapatid sa kanya. "I'm sorry," tiningnan ko si Victor nang magsalita siya. Nakatingin siya kay Miggy. Malungkot ang kanyang mga mata at tila may pinagsisisihan. "Kasalanan ko kung bakit ka nagkaganyan ngayon. Fck, I am so drunk that night. Hindi ko alam ang ginagawa ko." "Wala namang may kasalanan sa nangyari, eh..." nilipat ko ang tingin kay Miggy. Nakayuko siya. "Hindi! Kung hindi ako nagpakalasing no'n, hindi ako napadpad dito. Hindi ko na sana nagawa 'yon para hindi ka na nagkaganyan," muli kong ibinalik ang tingin kay Victor. Hindi ko maintindihan ang kanilang pinag uusapan. Pero sigurado ako na tungkol ito sa pagkabulag ngayon ni Miggy. "Kuya, aksidente ang nangyari. Wala kang kasalanan." Lumipat si Victor sa tabi ni Miggy. Hindi ako umimik. Pinagmasdan ko na lang silang dalawa. "Sana ay hindi ko pinairal ang selos ko. Noong gabing 'yon, nag usap lang kami ni Iyah. Wala akong ginawang masama sa kanya. Sinabi niya sa aking kung gaano ka niya kamahal... hindi ko lang talaga matanggap," napansin ko ang pagkawala ng iilang luha mula sa mga mata ni Victor. Ngayon ko lang siya nakita sa ganitong estado. Para bang napakahina niya ngayon. Ano mang oras ay bibigay na siya. Taliwas ito sa madalas na nakikita ko sa kanya. Sanay ako na palagi siyang galit sa akin. Sanay ako na matatag siya at walang emosyon na pinapakita. "I know you love her too, Kuya. But, I can't live without her..." hinawakn ni Miggy sa balikat si Victor. "Alam ko. Nakita ko naman kung gaano ka kamiserable noong wala siya. Hindi ko lang matanggap na... nagmahal tayo ng iisang babae." Nagyakapan silang dalawa. Kita ko ang pagmamahalan nila bilang magkapatid. Handa talaga si Victor na palayain si Aaliyah para lang sa kanyang kapatid. Naiintidihan ko na ngayon kung bakit sobrang nasasaktan si Victor. Mahal niya ang dalawa. Gusto niyang maging masaya sila kaya mas pinili na lang niya ang magparaya. Inalok nila kami na dito na kumain ng tanghalian. Hindi na tumanggi pa si Victor. Masaya na ulit siya ngayon. Napakaluwag ng kanyang mukha. Parang may isang malaking tinik na nabunot sa kanyang dibdib kaya ngayon ay panatag na ang kanyang kalooban. "Kuya, bakit nga pala hindi mo ipinapakilala sa amin ang kasama mo?" tanong ni Miggy habang kumakain kami. Bahagya akong natigilan sa kanyang tanong. "Oo nga. Mukhang nahihiya," dagdag ni Aaliyah. Pasimple kong tiningnan si Victor. "She's nothing..." sagot niya. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa aking kinauupuan dahil sa kanyang sinabi. "Kuya!" agad siyang sinuway ni Miggy. "Hmm... I'm sorry... uhmm, anong pangalan mo?" nahihiyang tanong naman ni Aaliyah sa akin. "Uhm, Ria... Aria Villegas," pinilit kong kalmahin ang boses ko kahit na may bumabara na sa aking lalamunan. Nalipat ang tingin ko kay Miggy nang siya naman ang magtanong. "Saan kayo nagkakilala ni Kuya?" Sasagutin ko pa lang sana siya kaso ay inunahan na ako ni Vicitor sa pagsasalita. "Wag niyo siyang kausapin," iritado niyang sabi. "She's nothing. Sumama lang 'yan dito! Hindi ko naman yan sinasama..." pakiramdam ko ay matutuloy na ang sakit na nararamdaman ko. Para akong sinampal ng paulit-ulit sa kanyang sinabi. "Victor!" agad siyang sinaway ni Aaliyah. Nangingilid na ang mga luha ko ngunit sinikap kong pigilan ang mga ito. Hindi ako iiyak. Hinding-hindi ako iiyak sa harapan nila. Ayokong makita nila kung gaano nga ba ako kahina. Gusto ko, makita nila na matatag ako at kaya kong tanggapin ang lahat ng masasakit na salitang ibinabato sa akin ni Victor. Umalis na din naman agad kami pagkatapos naming kumain. Paulit-ulit ang paghingi ng paumanhin sa akin ni Aaliyah at Miggy. Mabuti pa sila, kahit wala silang sinabing masama tungkol sa akin, nagawa pa rin nilang humingi ng tawad. Samantalang si Victor... "Tss... ba't pa kasi kita sinama?" iritadong sabi niya habang nagmamaneho. "Sabi ko naman kasi sa 'yo, gusto ko nang umuwi..." itinuon ko ang mga mata ko sa bintana. Pinagmasdan ko na lang ang mga dinadaanan namin. Nanghihina na ako. Ayoko nang mag isip pa. Kaonting pagod pa ay bibigay na ang katawan ko. "Sumasagot ka na, ah?" galit niyang sabi. Hindi na ako nagsalita. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Gusto ko nang magpahinga. Babagsak na talaga ang katawan ko anomang oras. May mga sinasabi pa siya kaso ay wala na akong maintindihan. Ang tanging gusto ko na lang ngayon ay matulog. "Ria!" singhal ni Victor. Itinigil niya ang kanyang sasakyan. Pinilit kong imulat ang aking mga mata. Nanlalabo ang paningin ko. Sinubukan ko siyang harapin kahit na nanghihina ako. Hinawakan niya ang aking braso. "Sht! Ang init mo!" nataranta siya bigla. Hindi na gano'n kalinaw ang aking paningin. Basta ang alam ko ay buhat na ako ngayon ni Victor. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata dahil sa antok at pagod na nararamdaman. Minulat ko ulit ang mga mata ko. Nasa kama na ako ngayon ni Victor. Uupo sana kaso ay pinigilan niya ako. "Rest, Aria. You're sick..." hinaplos niya ang aking noo. "Hindi ko alam na... nilalagnat ka. Kung alam ko lang..." humina ang kanyang boses. Nilingon ko siya kahit na inaantok ang mga mata ko. "I'm sorry..." Nag iwas siya ng tingin bago ako talikuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD