Aria Monteverde's POV Napatingin si King sa akin nang tumayo ako sa kanyang tabi. May mga sinasabi siya ngunit hindi ko maintindihan. Pinagmasdan ko ang pagtulo ng ulan sa bintana. Malamig ang panahon ngayon dahil sa ulan. Bumaling ako kay King nang hindi pa rin natatanggal ang tingin niya sa akin. "What?" kumunot ang noo ko. "Kanina pa kita kinakausap..." aniya. Umakbay siya sa akin. Umiling ako at tinanggal ang kamay niya na naka akbay sa akin. "May iniisip lang ako," sagot ko at muling binalingan ng tingin ang bintana. "Ano naman?" nagtatakang tanong niya. "Magpakasal tayo," walang alinlangan kong sabi sa kanya. Hinintay ko ang magiging sagot niya. Matagal ko nang napag isipan ang bagay na ito. Ayoko nang mas patagalin pa. Gusto ko nang umuwi sa Pilipinas. Para saktan siya... par

