Dahil summer ngayon, napagdesisyunan naming magkakaibigan na pumunta sa beach. Sa Ilocos Norte kami pumunta. Sayang, gusto ko sanang isama si King, kaso ay kinailangan na niyang bumalik sa New York. May kailangan pa kasi siyang asikasuhin doon. Akala ko ay makakapag isip na ako ng maayos sa gagawin naming bakasyon. Nagkamali ako. Halos maubo ako nang makita namin si Victor na nakatayo sa balcony ng katabi naming villa. Fck... mukhang pinipilit talaga kaming pagtagpuin ng pagkakataon. Nanatili ang mga mata ko sa sigarilyo na hawak niya. So, he's smoking now, huh? Bahala ka sa buhay mo, Victor. Inabot niya agad ang ash tray at nilagay dun ang kanyang sigarilyo. Playing good boy? Ha! Hindi bagay! "Bren, pasok muna ako sa loob," paalam ko na lang sa aking kaibigan. Ayokong nakikita ang mu

