Chapter 17

2434 Words

Pinilit kong magising ng maaga para ipaghanda ng almusal si Victor. Kahit na inaantok pa ako ay bumangon na ako. Dahan-dahan akong umalis sa kanyang tabi. Mahimbing pa rin ang kanyang tulog. Hinalikan ko ang kanyang pisngi bago tuluyan ng tumayo. Tiningnan ko kung ano nga ba ang maaari kong iluto para sa aming almusal. Kaonti na lang ang laman ng kanyang ref. Bacon at itlog na lang ang napili kong lutuin. Gumawa rin ako ng garlic rice. Habang nagluluto ako ay naramdaman ko na naman ang pag ikot ng aking sikmura. Tiniis ko ito, ngunit nang hindi ko na kaya, tumakbo na ako patungo sa lababo. Pinilit kong iluwa ang kung ano man ang nasa aking tiyan, pero wala naman. "Aria..." namamaos na tawag ni Victor. Agad siyang tumungo papunta sa akin. Nilingon ko agad siya. May bahid ng pag aalala an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD