Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Kinusot ko ng mga ito. Kinapa ko ang aking bulsa, kinuha ko ang aking cellphone. Tiningnan ko ang oras. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na alas sais na ng gabi. Napaupo agad ako dahil sa sobrang gulat. "Oh, Ria..." napatingin ako kay Diego nang magsalita siya. "Gising ka na pala," ngisi niya. Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Gusto kong murahin ang sarili ko. Bakit ngayon pa ako nakatulog? Baka nakauwi na si Victor. Lagot talaga ako sa kanya kapag naunahan niya ako sa pag uwi. "Kailangan ko nang umalis," nagmamadaling sabi ko. Binulsa ko ang aking cellphone. Kumunot ang noo ni Diego. "Kakagising mo lang, Ria. Magpahinga ka muna kahit saglit lang." "Hindi na," iling ko. "Baka maunahan ako ni Victor sa pag uwi. Kailangan ko na talagan

