bc

A MYSTERY BETWEEN US

book_age18+
229
FOLLOW
1K
READ
revenge
pregnant
inspirational
bxg
mystery
icy
vampire
city
secrets
special ability
like
intro-logo
Blurb

Si Kathy ay isang oridinaryong mamamayan na naging ulila dahil sa pagkamatay ng kaniyang lola at lolo, hindi niya alam kung buhay pa ba ang kaniyang mga magulang dahil ang tanging nakasama niya kang sa buhay ay ang kaniyang grandparents, may isang kaibigan siya na kaniyang pinag kakatiwalaan at ito lagi ang kaniyang karamay sa lahat.

Nang siya ay mapatalsik sa kaniyang paaralan, napilitan siyang lumayo sa kaniyang kaibigan dahil sa kagustuhan na makapag tapos ng pag aaral sa kaisa-isang eskwelahan na tumanggap sa kaniya.

Marami ang nangyari sa kaniyang pamumuhay nang siya ay lumipat sa ibang lugar kung saan siya ay kinupkop ng may nag mamay ari ng eskwelahan.

Nakilala niya ang isang binata na nag ngangalang Ferdus, si Ferdus ay kaisa isang anak ng kumupkop sa kaniya. Simula ng makilala niya ito ay marami siyang natuklasan sa mundo. Tumagal ang kanilang pagsasamahan sa maganda man ang pakikitungo o sa hindi. Sa pagtagal ng kanilang pagkakakilala, hindi nila maiwasan na mahulog sa isa't isa. Marami ang nagbago simula ng pagkakaroon nila ng relasyon, may mga nagpapatayan at may sumusulpot para kontrahin ang kanilang relasyon.

Sa problema na kanilang hinaharap, nangako sila sa isa't isa na magsasama at mabubuhay sila pagkatapos ng imbyernong pangyayari. Makakaligtas at magkaka-sama kaya sila sa pagkatapos ng imbyerno? O may isa ba sa kanila ang mamamatay?

chap-preview
Free preview
[ Kabanata 1 ] Pamumuhay
" Ano ba Naman kayong mga bata kayo! Tanghali na nakabarog pa din kayo! Kaya di umuunlad ang pilipinas eh puro kayo higa dine higa doon! Jusko ano mararating nyo!" Pag gising sa amin ng lola bebang nyo. Agang-aga nag rarap na naman si aleng bebang sinama pa ang pag unlad ng pilipinas jusko. " Alam mo aleng bebang kung araw-araw lang ganyan na pasigaw-sigaw ka aalis ako dito sa upahan mo at akoy hahanap ng mabait na komandora, jusko'y araw araw na'y nakakarindi. " Sagot naman ni Shanice Isang kasamahan ko sa paupahan ni aleng bebang si Shanice, ito lang ang matapang na sumasagot kay aleng bebang. Sa katunayan siya ang nagsama sa akin dito dahil walang wala ako noon, Simula nung namatay ang aking lolo at lola wala na akong mapupuntahan pa, salamat na lang at may naging kaibigan ako nung 3rd year high school. Siya ang naging sandalan ko noon kaya laking pasalamat ko talaga sa kaniya. Sa kaniya din ako natutong lumaban sa tuwing ako'y naaapi at sa kaniya ko din namana ang pagiging madaldal, pero di naman ako kasing sama ng ugali niya na sumasagot kay aleng bebang charottt mabait yan si shanice. Pati sino ba Naman hindi maiinis eh araw araww nga nasigaw jusko. " Ay hulong, hanap ka kung may mahahanap ka pang murang paupahan. " Sagot Naman ni Aleng bebang, sa sinabi ni Shanice " Are Naman puko si aleng bebang hindi mabiro, joke lang yon ni shanice, sige ka aleng bebang pag yan umalis dito sa paupahan aalis din ako, edi dalawa na aalis nyan sa paupahan nyo. Sige ikaw din aleng bebang, kaya wag ng sigaw ng sigaw sa umaga ha. Nakakarindi din minsan ay, joke lang araw araw pala. " " Ay jusko naman Kathy, tama ka. Pag pasensyahan nyo na ako at di lang ako sanay na ganitong oras ay may natutulog pa sa aking paupahan " Parang nag atubili sa nasabi niya kanina, takot Naman pala mawalan ng tauhan eh. " Diwow aleng bebang, araw araw ka nga nasigaw ehh tapos di ka pa po sanay nyan?" " Ayy sige na kayo ay bumangon na dyan, nakakahiya sa kapitbahay, sigawan tayo ng sigawan. " Pag papaalala ni Aleng bebang Abay sino ba naman sumigaw diba? Siya Naman itong araw araw eh mang-gigising gamit bunganga. Pati jusko friday ngayon at alas sais pa lang! Ang oras ng pasok namin ni shanice sa resto ay 8:00 a.m. Waitress kami ni shanice sa isang restaurant, sinama niya ako para daw may pang gastos ako at makaipon. Salamat talaga andyan si Shanice kung wala nako san ako pupulutin nito. Btw. Ako nga pala si Kathy De Guzman isa akong 1st year College and my course is BS BUSINESS ADMINISTRATION major in Financial Management nakakapag aral ako dahil sa aking trabaho bilang waitress tuwing friday 8 am at mon-thurs 6pm at sa tulong ng aking kaibigan na si shanice, si shanice na lang ang natitira sakin, Simula noong pumanaw ang aking lolo at lola si shanice ang aking naging sandalan, dahil kahit isa e wala akong kilalang kamag anak ko, tanging sila lolo at lola lang ang kinalakihan ko ni hindi ko kilala ang aking magulang ni hindi ko kilala ang kanilang wangis, tanging isang kwintas lang ang binigay sa akin ng magulang ko, sinabi sa akin ng lolo at lola ko na ang kwintas na suot suot ko Simula noong bata pa ako ay bigay ito ng aking ina. Tanging kwintas lang ang natanggap ko sa magulang ko. Maayos sana kung may litrato man lang Nila na kasama ako noong baby pa lang ako para naman kahit papaano e alam ko ang wangis nila kung sino ang kamukha ko o kanino ako nagmana. " Hoy Kathy, labas na ikaw sa kwarto jogging na lang muna tayo."Pag aaya sa akin ni Shanice. Ano ba yan kasalanan to ni aleng bebang eh kung hindi nang gising ng ganitong oras hindi sana kami mag jojogging. Oo tamad ako sa ganito, sinasamahan ko lang tong babaitang to sa tuwing siya ay mag jojogging. "Maghintay ka dyan, ipag timpla mo ako ng kape, mag papalit lang ako." pag ito di pumayag di ako sasama " Aba Kathy ano ako yaya mo? Bilisan mo dyan ng makaalis na." Inis na sagot sa akin nito. " Ah ayaw mo akong ipagtimpla shanice? Hmmm pag dimo ako pinag timpla di ako sasama." makapag palit na nga sure Naman na ako na ipag titimpla ako non yun pa gustoy may kasama pag jojogging eh wala Naman yon maisasama bukod sakin at wala naman kaming kaclose sa mga kasamahan naminn dito sa paupahan. " pakyu ka Kathy, bilisan mo na lang dyan at inumin tong kape!" " Aye aye captain!" Hahhaha Diba pinagtimpla ako Pagkatapos kong mag kape ay nag daretso na kami sa may park para mag jogging, pero si shanice lang talaga nag jojogging, ako ay tamang lakad lang at nakikinig ng music habang palinga linga sa paligid, kahit pala ganitong oras ay may mga bata ng naglalaro sa park, nakakatuwang pagmasdan, nakakainggit lang ang iba dahil kasama nila ang kanilang mga magulang, kumpleto sila at masasaya. Habang pinagmamasdan ko ang mga ito ay may nakapukaw sakinn ng atensyon, isa itong paniki? Paniki na pilit umaalis sa isang sanga at tila ba nahihirapan na ito, nilapitan ko ito ngunit mataas ang sanga nito malaki Kasi itong puno, halos pwede itong silungan ng mga benteng tao sa kalakihan nito. Pinipilit ko itong maabot para matulungan, ngunit hindi ko talaga maabot. " Ang pagtulong kanino man ay hindi mo pwedeng ipilit lalo na kung hindi mo talaga kaya, ngunit pwede mo silang tulungan sa isang paraan, ang pagtulong ay hindi lang ikaw dapat ang aaksyon pwede ka ding humingi ng tulong sa iba para maaksyonan ang pagnanais na makatulong." Isang lalaking parang takot na takot makita ang katawan hahahaha siraulo ata ito itim na itim ang suot at naka salamin pa nakahoodie, hahahah pero jok lang ang sama ko. Pero sabagay tama siya pero ang mali niya ay ang pagsulpot at pagsalita agad nakakagulat. " Ikaw narin nagsabi nyan, so pwede mo ba akong tulungan na matulungan ang isang paniki na ito? Mr. Black?" Mr. Black Kasi puro itim talaga ang suot Niya as in itim talaga lahat. Kumunot noo pa siya, siguro dahil sa pag tawag ko sa kaniyang Mr.Black "Kuya Naman Kasi eh puro itim yang suot mo, takot ka ba na makita yang katawan mo ha? Alam mo kuya sa ganitong oras ay walang magnanasa sa iyong katawan para kang tan-" "shut up! Human." Wao di man lang ako pinatapos nito ah, maka human parang di tao. "Maka human ka Naman, bakit di ka tao? Hayop kaba? Hehe jok lang." Sama ng tingin binaba pa ang salamin, infairness ganda ng mata medyo blue, so ayon dina nagsalita tinanggal na yung sanga para makalipat yung paniki sa kataas taasan ng puno. " Thank you. What's your na-" yawa umalis na agad kinakausap pa ang bastos. " Hoy Kathy san kaba nag susuot ha? Salita ako ng salita tapos wala pala ako kausap sa likod, para akong baliw pakyu ka. Dito ka lang pala sa may puno." Pagmamaktol nito sa akin. " Parang di mo Naman ako kilala ah, ayaw ko ng jogging diba!!" " Ay sya tara na gutom na ako eh, pati yawa ka nagpalit kapa tas di Naman mag jojogging hahahahha" May halong pang aasar na saad nito. " Happy kana nyan? Like dzuhh alangan namang nakapang tulog ako." Sino Naman matutuwa sa ganon nakapang tulog tapos ang kamasama ay nag jojogging dzuh para akong tanga non. "Ehuho tara na ng makalapang na." Pag aaya nito sa akin, halatang gutom na sa pagod. " Ano lalapangin mo? Hakdog ng aso ni aleng bebang? HAHAHAHA o hotdog ni mang isko na asawa ni aleng bebang? Alin don? " Tingnan ko lang kung makikisabay ka o maiinis " Sira ka yung aso Naman ni aleng bebang eh parang bangyaw tapos yung balahibo non lagas na tapos yung kay mang isko naman nasa hukay na, kaya wala no choice kundi bumili sa tindahan." Natatawang sagot nito. " GAGO HAHAHAHA." Siraulo talaga tong si shanice hahahaha Habang naglalakad kami pauwi nakita ko si mr. Black na nakamasid sa punong pinang galingan ko kanina sa puno na may tinulungan kaming paniki, sira ulo ata talaga ang lalaking iyon. Pati puno pinagmamasdan. " Hoy babae anong tinitingnan mo dyan? Ah yung lalaking puro itim ang suot, crush mo?" " Tanga hindi, sino magkakagusto don tamo naman kung makatingin don sa puno parang may pag nanais, gusto atang butasan tas ano alam mo na HAHAHAHA~ aray bat ka nambabatok dyan ha." Yawa ang babaeng to nambabatok agad agad. " Sira ka talaga, baka Naman mahalaga or may memories yung lalaking yon dun sa puno kaya ganon na lang makatingin don, yang utak mo Kathy ipaayos mo ha baka may turnilyong natanggal." " Aba aba shanice ikaw lang Naman nagturo sa akin ng ganyan, o ano tangge bangas." Lintis na babaeng to sa kanya ko Naman natutunan na ganon ang isipin. "Tara na nga, yaan mo na yang crush mo. Akoy gutom na." Walang tigil na pag sabi ng crush. " Sinabing hindi ko nga crush yon dzuh, tinulungan lang ako non kanina don sa puno na yon mismo." Mag isip din Naman talaga ito juskooo " Bakit? Anyare sayo ha? Nasaktan kaba? Ayan Kasi eh paalis alis pa sa tabi ko. Ano nangyari ha?" Oh diba nag alala si luka Loka loka talaga to, Mahal na Mahal ako eh. Pasalamat talaga ako dahil meron akong shanice na nakakasama "Hoy lukang Kathy!! Nakikinig kaba ha, anong nangyari sayooo!! " Alalang sabi nito sakin. Sa halip na sagutin ko siya eh yinakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. " Baliw kaba kathy ha! Sagutin mo kaya tanong ko sayo." " Sira ka kasi hahahaha love na love ako ehh. Ganito yon walang nangyari sakin. Kanina Kasi may napansin akong isang paniki na hindi makaalis sa sanga dun sa puno, tas bigla ba Naman sumulpot yung lalaking yon, edi humingi na din ako ng tulong sa kaniya. Ok na ba?" " Ah akala ko Naman kung ano na nangyari sayo eh juskoo. Alam mo Naman na parehas tayong ulila na at Tayo na lang dalawa ang nagsasandalan sa isat isa. Kaya mag ingat ingat ha! " " Oumm thank youuu sa lahatttt!!! Iloveyou shanice." Parehas kaming ulila ni shanice namatay ang kaniyang magulang isang taon na ang nakalilipas, hindi alam ng mga awtoridad ang mismong dahilan ng pagkamatay ng kaniyang magulang, isang gabi sa kanilang bahay, natagpuan na lang ni shanice na nakahilata ang kaniyang magulang sa sahig. Kaya naman hindi ko din siya iniwan at sinamahan ko siya tulad ng pagsama niya sakin noon na nag iisa ako at walang patutunguhan. [ SA KABILANG DAKO ] Habang nakamasid ang isang binata na nagngangalang Ferdus sa isang puno na pinag talsikan ng kaniyang dating kasintahan, napansin niya ang isang babaeng abala sa pag abot sa isang bagay, kaya nilapitan niya ito. Hindi niya inaasahan ang nakita niya. Tinutulugan ng babae ang kaniyang naging kasintahan na makaalis sa sangang iyon. Ang paniki ay siyang naging kasintahan ni Ferdus, May nagawang kasalanan ang kasintahan nito, nagtaksil ito kay Ferdus at nalaman ito ng kanyang ama, sa katunayan sila ay malapit ng ikasal. Ngunit nahuli ng ama ni Ferdus na si luciana ay nagtataksil sa anak. May kahalikan ito, at ang masama pa dito ay isa itong tao at hindi nila kauri. Labis na nasaktan dito si Ferdus, gayunman kahit na may ginawa si luciana ay binibisita niya ito sa puno. Ang parusa kay luciana ay hindi mag aanyong tao sa loob ng walong taon, sa ngayon ilang buwan na lang ang hinihintay para mag anyong tao na ulit ito, ngunit sa kabila ng pagbalik ng pag aanyong tao ay mawawala ang kaniyang pagiging bampira. Galit at pagkalungkot ang nararamdaman ni Ferdus sa kaniyang kasintahan. "Ang pagtulong kanino man ay hindi mo pwedeng ipilit lalo na kung hindi mo talaga kaya, ngunit pwede mo silang tulungan sa isang paraan, ang pagtulong ay hindi lang ikaw dapat ang aaksyon pwede ka ding humingi ng tulong sa iba para maaksyonan ang pagnanais na makatulong." Ani nito sa babaeng tumulong sa kaniyang dating kasintahan, maputi at makinis ang babae at may taglay itong kagandahan ngunit hindi inaasahan ni Ferdus ang pagkamadaldal nito at kung paano ito magsalita. " Ikaw narin nagsabi nyan, so pwede mo ba akong tulungan na matulungan ang isang paniki na ito? Mr. Black?" ani naman ng babaeng tumulong sa kaniyang dating kasintahan, siguroy nagtataka ang taong ito kung bakit ganon na lamang ang suot ni Ferdus. "Kuya Naman Kasi eh puro itim yang suot mo, takot ka ba na makita yang katawan mo ha? Alam mo kuya sa ganitong oras ay walang magnanasa sa iyong katawan para kang tan-" hindi na nito pinatapos ang sasabihin ng babae dahil naiinis at naririndi ito sa mga salita "shut up! Human" sa inis nito ay nasigawan niya ito. Ngunit parang wala lang sa babae ang pagsigaw nito sa katunayan ay sumagot pa ito. "Maka human ka Naman, bakit di ka tao? Hayop kaba? Hehe jok lang." sa inis ni Ferdus tinanggal niya ang salamin at sinamaan niya ito ng tingin. Sa pag-alis ng kaniyang salamin at pagtapon ng tingin sa babae ay hindi na nagdalwang isip na alisin ang sanga na nakaipit sa dating kasintahan nito. " Thank you. What's your na-" hindi na niya ito pinatapos pa at umalis na kaagad, baka di siya makapagtimpi sa babaeng iyon na ubod ng kulit ang bunganga. " Prinsepe, kailangan na po nating bumalik sa kaharian." Isang taga paglingkod ang sumalubong kay Ferdus. " 5mins" ani ni Ferdus sa kaniyang taga paglingkod na si Maru. Naglakad lang siya ng kauntian para makalayo sa babae na tumulong sa kaniyang dating kasintahan. Muli niyang pinagmasdan ang puno. Kung hindi mo sana ginawa ang bagay na iyon, wala ka dapat sa kinaroroonan mo, hindi ka dapat naghihirap ngayon, masaya sana tayong nagsasama at baka sakaling may anak na tayo. Ito ang nasa isipan ni Ferdus habang nakamasid sa puno. " Maru, let's go." Sumakay na si Ferdus sa sasakyan, nakita niya ulit ang babaeng tumulong sa kaniyang dating kasintahan, may kasama itong babae habang naglalakad at nag uusap. Hindi niya maiwasan na mamangha sa taglay nitong kagandahan, para bang isa itong anghel ngunit may demonyong bunganga. " Ehem! Sir ano ang iyong tinitigan? Ito ba ay ang babaeng tumulong sa iyong dating kasintahan? Paalala lang, bawal kang umibig sa isang dimo ka uri." Ani ni Maru. " Yeah, I know. " Ani nito sa taga pag lingkod na si Maru. Minsan iniisip ni Ferdus na sana hindi na lang siya naging bampira, dahil sa daming pinagbabawal dito, una ang pag ibig, iibig lang sa kauring bampira, hindi maaaring umibig sa isang tao. Pangalawa, ang pakikipag kaibigan, hindi sa bawal ngunit ang pakikisamahan lang ay may matataas na ranggo sa kaharian, kung sa tao ay dapat mayayaman lang ang pwedeng kaibiganin, hindi maaaring makipag kaibigan sa isang taga paglingkod at mababang uri ng bampira, lalo na sa tao. May kaparusahan ang lahat ng ito, ngunit hindi si Ferdus ang makakaranas nito kundi ang minahal niya at kinaibigan niya kung sakali mang mayroon. " Andito na po tayo, Mr. Ferdus." Ani ni Maru " Thanks." Ani nito kay Maru. Pagkababa nito sa sasakyan ay dumaretso na ito sa loob ng kaharian, hindi pa siya nakakapasok sa kaniyang silid ay pinatawag na ito ng kaniyang ama. "Sir, pinapatawag ka po ng iyong ama. Nasa hapag kainan po sila ng inyong Ina, dahil may bisita po kayo." Ani ni lucy isa ding taga paglingkod ng Demoro " I'll change my clothes first." Ani nito kay lucy " Sige po Sir, sabihin ko na lang po ko kay Sir at Senyora." Ani ni lucy Pumasok na si Ferdus sa kaniyang silid para magpalit ng kaniyang kasuotan, nagsuot siya ng tuxedo dahil may bisita sila, hindi maaaring ordinary clothes lang ang kaniyang suotin. Pagkatapos nitong magpalit ay tumungo na ito sa hapag kainan. " O hijo andito kana, halika at ipapakilala kita sa may ari ng hacienda sa Pampanga, si Don Ramon Fuentes At ang kaniyang asawa na si Senyora Katherine Fuentes. Ito nga pala ang aking unico hijo na si Ferdus Demoro ang kaisa isang taga pagmana ng trono." Ani ng kaniyang Ina na si Senyora Fercia sa kanya at sa kanilang bisita " Nakakatuwa naman ang iyong anak, siguro kung kasama lang namin ang anak namin siguro magkasing edad lang kayo." Ani ni Senyora Katherine " Mommy siya na naman ba? Simula nung bata ako lagi ko na lang naririnig yan tuwing may kausap kayo. Ni hindi nyo nga alam kung nasa saan na yang anak na pinagmamalaki nyo, ni hindi nyo nga alam kung buhay pa o patay na. " Ani ni Romana anak ng mag asawang Fuentes. "Manners, Romana, hindi lang matanggap ng iyong ina na mawala sa piling natin ang iyong kapatid! At kahit ako nahihirapan din sa pagkawala ni Kathy Reign! Kapatid mo siya anak, hindi mo ba namimiss ang iyong kapatid? Noong baby pa lamang siya lagi mo siyang inaalagan at pinapatahan nung bata ka pa halos 2yrs. lang ang agwat ninyong dalawa. Kaya sana maintindihan mo ang iyong Ina. " "Pasensya na sa inyo Mr./Mrs. Demoro." Ani ni Don Ramon " Ayos lang Don Ramon, kung di mo mamasamain, ano ba ang nangyari sa inyong anak? " Ani ni Senyorito Dosdir ama ni Ferdus " Isang kagimbal gimbal ang nangyari sa aming tahanan noon, limang armado ang tumahak sa amin, nais nilang paslangin ang aking pamilya dahil sa lupang mayroon kami noon na ayaw naming ipagbenta. Ngunit ang sabi ng aking magulang noon kahit anong mangyari hinding hindi mo ito pwedeng ipagbili, yan ang isang kahilangan nila sa akin noong nabubuhay pa sila, kaya noon hindi ako pumayag na makuha nila ang lupain namin, hanggang sa nagpaputok ito ng baril sa loob ng bahay, nakatakas lang kami ng aking pamilya ngunit hindi namin nakasama ang isang pa naming anak, may tumulong sa amin, ang inyong ama Senyorito Dosdir, alam mo naman kung gaano kalapit sa isa't isa ang iyong ama at aking ama, noon ang iyong ama ang nakaupo sa trono kaya pwede siyang makipag ugnayan sa tao, katulad mo na nakaupo ka sa trono at ika'y nakikipag ugnayan sakin, isa akong tao at isa kang bampira. Noon man ang relayson ng ating pamilya ay hindi nagkakalayo. Noon tinulungan ako ng iyong ama, pinatay nila ang mga armadong lalaki na nag nais pumatay sa aking pamilya, laking pasalamat ko sa iyong ama dahil di niya kami nilimutan at di siya nakalimot. Sa pag ligtas sa amin, ang kaibahan nawala ang aming anak, ang tanging alam namin ay kasama siya ng aming katulong, sa paghahanap namin sa katulong namin ay ni isang information tungkol dito ay wala kaming nakuha. Pinagdarasal na lang namin na sana kung buhay pa ang aking anak ay nasa mabuti siyang kalagayan. Kung makikita muli namin siya, makikilala namin ang nawawala kong anak kung ang kaisa isang mahalagang bagay ay nasa kamay niya pa rin, ito ay isang kwintas na pinama nang ina nang aking asawa at ito ang aming kakapitan na patunay na buhay pa ang aming anak. " Ani ni Don Ramon sa mag asawang Demoro. " Tunay nga na nakakagimbal ang nangyari sa inyong pamilya, naway makita niyo muli ang anak niyo kung sakali mang buhay pa ito." Ani ni Senyorito Dosdir sa mag asawang Fuentes "Ferdus ngayon alam mo na ang kahihinatnan mo kung ikaw ay naka upo na sa trono, maaari mo ng gawin ang iyong nais." Ani ni Senyorito Dosdir sa kaniyang anak. "Kung gayon ama, maaari din ba akong umibig sa isang tao? Kung ako na ang maupo sa trono? " Ani ni Ferdus sa kaniyang ama " Maaari yan hijo, sa ngayon ay simulan na natin ang pagsasalo at naghihintay na sa atin ang pagkain." Habang nagsasalo ang dalawang pamilya, hindi nakatakas sa paningin ni Ferdus ang isang taga paglingkod na inutusan ng kaniyang Ina upang gumawa ng inumin, Baga man nagsisiyahan ang kaniyang ama at ina at ang mag asawang Fuentes hindi na lamang niya ito pina alam at siya na mismo ang magaasikaso, ngunit hindi niya alantana ang gagawin ng taga paglingkod, nilagyan nito ang isang baso ng lason, dahil rito nakaramdam siya ng galit. Malalaman ni Ferdus kung kanino iaabot ang baso na may lason dahil sa may palatandaan ito, hindi niya inaasahan na sa kaniyang Ina pala nito ibibigay at balak nitong patayin. Labis ang pagkagalit ni Ferdus sa tagapaglingkod kaya naman hindi nya naiwasan na mahampas ang lamesa ng pagkalakas lakas, kaya naman nagulat ang mga kasalo nito sa hapag kainan. " Anong problema mo Ferdus! Alam mo ba na nakakabastos ang ginawa mo para sa ating bisita at sa ating pag sasalo! Ano ba ang tumatakbo sa iyong utak ha!" Ani ng kaniyang ama. Ngunit hindi niya ito pinansin, bagkus kinuha niya ang baso na may lason na nasa kaniyang Ina at humarap sa tagapaglingkod. " Inumin mo ito!" Halos pasigaw na ani nito sa katulong. " Ferdus! Sumusobra kana! Ano ba ang nangyayari sa Iyo! Iyan ba ang tinuro ko sa Iyo? Ganiyan ba ang ipapakita mo sa ating kaharian kung ikaw na ang nakaupo?! " Ani ng kaniyang ama. Ngunit hindi niya ulit pinansin tanging ang tingin niya lamang ay nasa taga paglingkod, at tila ba hindi niya mapigil ang galit na nararamdam nito. " Iinumin mo ba ito o papatayin ko ang asawa, anak mo? Mamili ka!" Ani ni Ferdus sa tagapaglingkod " Ferdus!! Tumigil ka nga!!! Nakakahiya! " Ani ng kaniyang ama Bagaman sa takot ng tagapaglingkod ininom niya ito, at bigla na lang humandusay sa sahig at bumula ang bibig. Tila nagulat ang mga ang mag asawang Fuentes dahil sa nakita ng mga nito. "Nilagyan niya ng lason ang inumin ni Ina, Ama nakita ko siya kanina habang inaayos niya ang lahat ng inumin. Kaya patawad ama, ina, patawad po sa inyo Mr./Mrs. Fuentes sa aking inasal. Labis lamang ang aking galit sa nakita ko at sa balak niya na kitilin ang buhay ng aking ina. Patawad po kung nabastos ko kayo, sayo na din Ms. Romana. Ama patawarin nyo po ako, tatanggapin ko po ang ipaparatang nyo sa akin. " Ani ni Fergus sa kaniyang magulang at kanilang bisita. Lumapit Si Senyora Fercia " Anak, hindi tama ang iyong paraan para matigil ang plano ng taga paglingkod. At naiintindihan ko din na kaya mo lang nagawa iyon dahil sa bugso ng galit mo. " Ani ng Ina ni Ferdus. Nagyakapan ang mag Ina dahil sa nangyari. " Ferdus, patawad dahil sa aking pagsigaw sa Iyo, hindi mo agad sinabi ang dahilan kung bakit mo ginawa ang bagay na iyon. Pero nagpapasalamat ako sa iyong ginawa anak ko, pinatunayan mo sa akin na karapat dapat kang umupo sa trono, binabati Kita sa angkin kabutihan mo." Ani ni Senyorito Dosdir sa kaniyang anak na si Ferdus. Pinagligpit na din ng kaniyang ama ang katawan ng tagapaglingkod na nais pumatay sa kaniyang ama, pinaimbestigahan na din ito para malaman ang dahilan kung bakit nagawa ng tagapaglingkod ang pumatay sa kaniyang pinagsisilbihan. " At hijo wag kang humingi sa amin ng pasensya, lalo na at may rason ka kung bakit nagawa mo iyon at dahil iyon sa busgo ng galit mo, sa katunayan pinahanga mo kaming mag asawa sa ginawa mo, tunay na Mahal mo ang iyong magulang, ayaw mo itong mapahamak. " Ani ni Don Ramon kay Ferdus " Tama ang asawa ko hijo, tunay nga na napahanga mo kami sa ginawa mong pag ligtas sa iyong ina. " Ani ni Senyora Katherine kay Fergus Sa pag uusap ng dalawang angkan, ang anak naman ng pamilya Fuentes na si Romana ay nababadtrip at wala sa mood, ni hindi nga siya makasali sa usapan, lagi siyang na aout of place, kaya ayaw nitong sumama sa tuwing may dadaluhan ang kaniyang pamilya. " Excuse me. Mom, Dad. May I go? I want to buy something and I want to have some fun with my friends. May I? " Ani ni Romana sa kaniyang magulang " Okay dear, take care of yourself ok? If there's any problem, just call me or your dad ok? Iloveyou sweetie take care huh." Ani ni Senyora Katherine sa kaniyang anak. "Okay, bye Mom and Dad, bye tita and tito and bye Mr. Demoro." Ani ni Romana. Paglabas pa lamang nito ay tinitingala siya ng ibang bampira , dahil siya ay kilala ng kataas taasan nila at mabuting kaibigan. Ang isang bampira na humangad na saktan ang pamilya na kaibigan ng kataas taasan nila at maaaring maparusahan. "Katherine your daughter is so cool and beautiful like you, siguro kung makikita ko pa ang isa mong anak I'm pretty sure that she's more than cool and beautiful, truthfully Romana is kinda snob and stubborn." Ani ni Senyora Fercia kay Senyora Katherine " Yeah. That's true, sorry for that, but Romana didn't like this kind of occasion especially if she didn't understand the topic or hindi niya gusto ang pinag uusapan. She's not like that before, when her little sister ay nawala sa amin, nag bago bigla ang kaniyang ugali. I think she loves her sister so much that's why she end up like this at ayaw niya minsan pag usapan pa ang tungkol Dito. " ani ni Senyora Katherine " Excuse me, Ama, Ina, tito and tita, alis na po muna ako. Maging masaya po nawa kayo sa isang okasyon na ito. Enjoy po. " Ani ni Ferdus Umalis si Ferdus dahil may kailangan siyang gawin at asikasuhin sa kaniyang nalalapit na maipasa sa kaniya ang trono.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

POSSESIVE MINE

read
971.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

His Obsession

read
75.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook