Kathy's pov
Nag aayos kami ng mga gamit namin ni Shanice dahil uwian na at tapos na ang aming trabaho, 6:16 na ngayon kaya nagmamadali na kami para mabilis kaming makahanap ng sasakyan, para saktong alas syete ay nasa paupahan na kami at makakain.
"Tapos na ako Kathy. Ikaw ba?" Tanong sakin ni Shanice pagkatapos niyang magligpit, tumango na lang ako bilang sagot. Tapos na din naman kasi akong magligpit ng aking gamit.
Andito kami ngayon ni Shanice sa waiting area mabuti na lamang at di gaanong karami ang mga pasaherong naghihintay. "Ayan na Shanice dali dun tayo malapit sa pinto ng hindi tayo ang taga pag abot sa driver ng bayad. "
"Oo sige sakay na, yung pamasahe ko ha ikaw muna ang magbabayad. " Oo nga pala wala nga palang dalang pera ang babaitang ito
"Ate pasuyo nga po ng bayad, dalawa po sa Rizal. " Pakikisuyo ko sa nasa unahan ko, nga pala taga Laguna kami ni Shanice at nagtatrabaho kami sa isang restaurant sa San Pablo.
"Sukli mo ihja." aleng napag abutan ko ng bayad "salamat po"
"Oy kathy may bagong release pala ngayon ang BTS " ayy meron ba, dina ako update sa kanila huhunes busy na kasi ih kainis.
" Ano? San mo nakalap yan ha baka peyknews yan." Yung iba kasi naglalabas ng hindi naman totoo about BTS eh.
"Sa sss, ayan oh nisearch ko nga yt para sure eh ang gandaa. " Mas maganda ako charot
"Tingin nga, ano title ng song? " tanong ko naman " Permission to Dance"
masearch nga din, kinuha ko ang earphone ko. Alangan naman na magpatugtog ako dito sa jeep ng pagkalakas lakas diba. Ayy shalaaaa 'da nanana nanana' bet ko ang sayaw ang ganda kasi ng beat.
" Ang ganda no?" Saad naman ni Shanice habang may nakasalpak din sa earphone sa kaniyang tenga.
Habang busy kami sa pagkulkol ng aming cp ni Shanice tumigil ang aming sinasakyang jeep, kaya ang mga pasahero nabigla din sa pag tigil ni manong driver, ano kayang meron.
"Manong anong meron? Bat po tumigil?" Kasi naman malapit na ehh isang Brgy na lang bababa na kami.
" Pasensya na po kayo, may biglang tumawid po kasi na aso ih. Pasensya na po ulit." Akala ko naman kung ano na. Umandar na ulit ang sinasakyan naming jeep at malapit na din kaming makababa. "Ikaw na pumara Shanice" pang iistorbo ko dito
" Sa may tabi lang po." Bumaba na kami ni Shanice at sumakay naman kami sa tricycle, medyo malayo layo pa kasi ang inuupahan namin.
Nakasakay na kami ng tricycle ni Shanice, habang palinga linga ako sa daan may napansin akong grupo ng kalalakihan na nasobrahan sa tela at kaisa isang lalaki naman ang ayos ng pananamit. Yung lima kasi parang ayaw malamigan dahil sa suot, pero ngayon ko lang napansin ang daan na iyon may makitid na daanan. Bali ang dinadaanan naman kasi eh parang pabundok kaya hindi ka pwedeng magisang umuwi lalo na sa gabi.
" Ano sinusulyap sulyap mo dyan Kathy?"- "kinandot ng kabayo ka Shanice! Bat kaba bigla biglang nagsasalita dyan." Taenang babaeng to aatakihin pa ata ako, bakit ko pa kasi nililinga ang mga yon.
" Grabe girl kakandot na nga lang sakin gusto mo kabayo pa, magawa ka Naman sa kipay ko ahhaha sorry na, ikaw kasi ano ba tinitingnan mo sa daan? " Pagtatanong sakin ni Shanice
" Wala naman hmmmmp. Andito na pala tayo eh, manong dyan lang po sa may poste. " Nagbayad na ako ng pamasahe namin ni shanice at dumaretso na kami sa loob para makapaligo at makakain.
Third Person PoV
"Kamusta ang pagsubaybay mo sa grupo nila Ferdus?" Ani ng isang matandang lalaki sa isang dalaga na kaniyang inutusan
"Sa ngayon wala pa akong napapansin na kakaiba sa kanila ama." Sagot naman ng dalaga
"Kung ganon pano natin sila malalabanan kung wala ka pang nakikita na maaaring kahinaan nila, hindi natin maisasagawa ang plano kung wala tayong alam tungkol sa kahinaan nila." Ang matandang ito ay nais na makuha ang isa sa matataas na ranggo, miski ang kaniyang mga anak ay ginagawa niyang hakbang laban sa kaniyang ninanais, ang isa sa anak nito ay hindi nagtagumpay na malaman ang kahinaan ni Ferdus o kung sino man ang nasa kaharian na maaaring maging dahilan para lumusob ang grupong ito.
"Huwag kayong mag alala ama, makakahanap din ako at maisasagawa na natin ang mga plano na napagusapan natin nila mr. Khan, nang sa gayon maipaghiganti natin ang nangyari sa aking kambal." Puno ng galit ang nararamdaman ng dalaga dahil sa pagkawala ng kaniyang kambal, ni hindi nila alam kung na saan na ito ngayon. Nalaman na lang nila na naparusahan ito at tinakwil.
" Kaya pagbutihan mo ang iyong mission kung nais mo talagang maghiganti at malaman kung ano ang tunay na nangyari." Pagpapaikot nito sa anak.
Makukuha ko din ang ninanais kong mamuno sa lahat, maghintay ka lang Dosdir Demoro at Ferdus Demoro.
Kathy's Pov
Naghahanda na ako ng gamit ko dahil may pasok kami ngayong sabado, 6:49 pa lang kaya eto kahit matagal ang kilos ayos lang basta saktong alas syete dapat nakaalis na kami dito.
"Kathy, nakahanda kana ba? Tapos na kasi ako." Saad sa akin ni Shanice habang bitbit ang kaniyang bag.
"Saglit lang, nagsusuklay lang ako. " Pabalik kong sabi sa kaniya
Lumabas na din ako pagkatapos kong magsuklay at mag ayos ng aking pagmu-mukha, daretso na agad kami sa labas ni Shanice para mag abang ng tricycle para masakyan.
"Para po, sa sakayan po ng jeep pa San Pablo. Eto po bayad dalawa. " Pag para at pagbabayad ni Shanice ng pamasahe naming dalawa, siya nagbayad ng akin dahil kahapon e ako nagbayad kasi wala siyang dalang pera.
Nakalipas ang ilang oras ay nakapasok na kami sa pinag aaralan namin Kudos University ang ngalan ng aming paaralan.
" Beh, una na ako ha baka malate pa ako sa klase ko, kilala mo naman prof ko sa Ethics si ma'am Luciara, para pa namang halimaw yon kung magakit at grabe mamahiya diba. Ingat ikaw okay, sabay na lang us pag uwi. Bye mwuaps. " Paalam sa akin ni Shanice, Parehas kami ng course di lang kami magkaklase dahil aayaw ni tanda yung dean namin. Pero mag kaiba din kami major, kaniya Kasi eh Major in Marketing management.
Naglalakad na din ako patingin sa aking room, sa kasamaang palad na kasalubong ko ang isang ubod ng ganda, dinaig pa ang espasol dahil sa kapal ng kaniyang blush on. Laki ng galit sa akin nito, dahil ata dipa nakakamove on jowa niya na naging ex, kasalanan ko ba na pinanganak akong maganda.
" Kita mo nga naman, may isang dugyot akong makakasalubong kakasira ng araw. My ghadd! " Pag paparinig nito at nag sitawanan ang kaniyang alipores, alam ko naman na ako ang sinasabihan niya 'no, sanay na ako dito. Diko na lamang ito pinansin at tumuloy na lang ako sa aking paglalakad, mabuti na lamang at di na nasundan pa ang sasabihin niya sa akin, baka di na din ako makapag pigil sa kaniya nakoo lang.
Pagkapasok ko sa aking room dumaretso na ako agad sa aking upuan para makapag review baka mamayaa eh may pa surprise quiz na naman si sir Gesmundo hirap pa naman at math pa ang subject.
" Sipag mo naman Kathy my loves." Gulat ko namang tiningnan si Gleon dahil sa pagsalita niya malapit sa leeg ko. Naging kaibigan ko na din tong lalaking ito dahil sa kakulitan, gusto niya akong ligawan, ngunit ang sabi ko sa kaniya ayaw ko na muna ulit mag ka boyfriend, sakit kaya sa ulo. Kaya ang sabi niya sa akin kahit friends na lang daw kami kaya ayon pumayag na lamang ako.
" Kailangan mang gulat Gleon?! At ako'y tigil tigilan mo sa kakatawag ng my loves nakakarindi. " Inis na tugon ko dito kay Gleon.
Sa halip na sasagot siya tinawanan at nagkibit balikat na lamang siya dahil sa pagpasok ni sir Gesmundo
" Good morning guys! Get ¼ sheet of paper. Let's have a short quiz to know that you've learned about the topic yesterday. " Di ako nagkamali ng hinala. Himala na lamang kung hindi siya mag papaquiz bukas o sa susunod na araw.
" And also guys, if you got 5 out 10 this quiz, you cannot take our long quiz in Monday. Any suggestions? Or Anything you want? Just raise your hand okay. If you do not have any suggestions or anything I will start the quiz before 8:30 so you have 5 mins to ask. " Jusko di pa nga nakakatapos ngayon may long quiz pa sa isang araw, wala kang awa sir Gesmundo huhu kaya dika nagkakajowa eh pogi mo pa naman.
" Permission to speak sir!" Ani ng aming president, mabait yan no hindi sipsip gaya ng iba at hindi nang iiwan ng classmates about sa School works.
" Yes miss Cardoval speak. " Pagpayag Naman ni sir.
" Ahm sir, my suggestion is, I-- iwant you to po na sana p-pumayag po kayo na makapag r-review po ulit kami ngayon, para po kaming lahat eh makapasa at makakuha sa lunes ng long quiz." Kinakabahang sushesyon ni Karla Cardoval.
" Hmmmm. Okay, but make sure na makakapasa kayo, if you didn't pass right now. I'm sorry to tell you, hindi ko kayo papayagan na makakuha ng long quiz, and also if perfect score kayo, you may not answer the long quiz and automatic na pasa kayo. Is it clear?" May awa din naman pala ito at may kabaitang taglay akalaa ko naman puro quiz ang Alam. Pero syempre gagalingan ko at sana lang maperfect ko para hayahay ang buhay.
" Okay it's already 8:30, and I hope na maka perfect kayo at makapasa." Gosh kinakabahan ako kahit na nag review .
" No. 1 Identification, is a visible regularity in the world or in a man made design. " Sinulat ko sa papel ang aking sagot.
" No. 2 Identification, in mathematics, it refer to the study of ___ and ___."
" No. 3 Identification, deals with the characteristics of various object. " Sulat lamang ako ng sulat ng aking sagot, sana lamang ay tama lahat ng aking sinusulat. Yung iba ko namang kaklase ay panay kuhit sa katabi para mangopya, wag lang sana kayo mahuli.
" Okay, nakakasunod naman siguro ang lahat. Wag lang ako makakita na nag kokopyahan dahil, ibabagsak ko kayo ngayon at sa long quiz. No. 4 to 6 give the 3 various object of logic patterns kahit magkabalik baliktad basta tama. " Inaasahan ko itong tanong na ito.
Habang ako at nagsusulat sa papel ng aking mga sagot, ang mga katabi ko naman ay walang tigil sa pangungulit sa mga malalapit sa kanila para makakuha ng sagot, buti na lamang at di nila ako kinukulit.
" Last question, computation. And it's Arithmetic sequence. Okay listen carefully para makasabay sa numbers na sasabihin ko. Wag kalimutan ang computation kung paano nakuha maliwanag? Dahil kapag wala yan automatic mali na agad kahit tama sagot. Okay makinig, 20, 17, 14, 11, 8, 5 and next is? Go answer, pass your paper before 9:10 then we will check your answer sheet. " Okay buti na lamang at puro Arithmetic sequence ang computation.
" Okay pass your paper, President and Vice come here and let's check the papers of your classmates. And you guys you can use your cellphone habang chinecheck papers nyo, and please wag kayo mag iingay. " Utos ni sir Gesmundo.
Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at inopen ang aking sss account para online syempre. Nag scroll lang ako ng scroll dahil wla naman akong kachat. Kakatingin ko news feed may isang aksidente daw or something na nangyari sa bayan ng Nagcarlan. May isang lalaki na nakabulagta at may apat na tusok sa leeg at para bang naubusan na ng dugo. Di maaari kung ano ang may kagagawan nito.
" Okay do you want to know your scores?" tanong sa amin ni sir
"Yes sir"
"Opo"
" Sir kinakabahan po ako "
" Pakiramdam ko bagsak ako "
Ilan sa mga sinasabi ng aking kaklase
" Okay, Ardel you got 6/10 mutik kana" kinakabahan tuloy ako jusko.
" Cardinal perfect score, Cardoval perfect score" naks talino talaga ni pres and vice. Bigla akong kinabahan ng todo Kasi kasunod nang sasabihin scores ko.
" De Guzman you got perfect score" wow hahhaa pasado at perfect pa yuhuu! Pasado na din sa lunes at dina ako mag take ng long quiz.
" That's all for today. Good bye class! " Paalam Naman ni sir.
" Hoy Kathy napakadaya mo, dimo man lang ako nilingon. " Tampong sabi sa akin ni Gleon.
Ferdus' pov
Kasalukyan akong naghahanda ng aking uniform dahil may pasok pa ako, 9:40 pa lang naman at ang simula ng aking klase ay 11:30 yeah ganyan ang schedule namin, di kami katulad ng mga tao na ordinaryo sa kanila na ang pasukan ay alas otso. Dahil iniiwasan din namin ang yamog ng kapaligiran kapag umaga, kaya hindi kami makapag tanggal ng jacket o pangbalot sa katawan. Masama sa aming Bampira ang kalamigan ng hamog.
" Sir, handa na po ang hapag kainan. Kumajn na po kayo upang makapasok ng maaga sa paaralan, ang inyong magulang po ay umalis at may aasikasuhin daw po. " Ani ng aking taga pag silbi.
" Yeah, just wait. I want to change my clothes first. " Sagot ko na lamang sa aking taga pag silbi
Habang naghahanda ako tumunog ang aking cellphone at tiningnan ito, nag mensahe sa akin ang aking ina
' good morning dear, umalis kami ng iyong ama, may aasikasuhin lamang kami pasensya dahil di ka namin nasabayan sa hapag kainan. Mag inagt ka dyan. Love you, mwua!'
Nireplyan ko na lamang ito at tinapos ang pag gagayak para maka kain na din at makapasok ng maaga, ayokong malate baka isipin ng mga kapwa ko Bampira na ginagamit ko ang pagka prinsepe ko.