Hindi na mabilang sa daliri ko ang mga sasakyang dumaan sa aking harapan pero hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakakasakay sa jeep na rumoronda sa amin.
"Takte! Late na late na ko!" , naiinis kong kausap sa sarili ko.
Kung hindi ba naman kase ako nagpakatanga at nagpakapuyat dun sa nirecommend sakin ni Erin na online dating site o app na yon ay hindi aabot sa ganito.
Napuyat ba naman ako! Masyado akong naaliw at nagpadala sa kilig! Dakilang marupok pa naman ako!
Naalala ko ang kalandian ko kagabi sa bahay taena!
Habang nagtitipa ako ng aking sss acc at password para mabuksan ang dating app ay hindi na ko mapakali dahil sumasabay pa ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Malay ko ba na baka mamaya, may lovelife na ko! Hindi na masama! Gagraduate na ko sa kolehiyo pero wala pa din akong nagiging jowa! Aba! Napaglipasan na ko ng panahon! Halos daig pa ko ng mga junior high dito sa amin!
98%, 99%, 100% ! Bongga! Naka-sign in na din! Akalain mo yon! Sumasabay pa ang net sakin! Nakikisama! Mukhang pati internet sa amin gusto nang magkaroon ako ng boyfriend!
Maraming mga pagpipilian ang nakalagay. Parang pornhub lang ah! May nakalagay pang amateur! Grabe naman! Syempre pinili ko yung nababagay sa edad ko which is teen. Mukha pa ba kong teen nito?
Hindi na masama aba! Fresh na fresh kaya ako! Never been all! Never been hug, never been kiss, touch, at mas lalong never been s*x! Swerte na lang ng makakauna sakin! Ganda ko kaya!
At dahil fresh ako at blooming today, @Ms.Virgin_Fresh_Pa_Sa_Tahong ang nilagay kong username. Feel na feel ko talaga na magkakaroon na ko ng lovelife ngayon! As in now na!
Medyo nangangapa pa ko sa mangyayare pagkalagay ko ng un ko. Ngayon lang ako magtatry ng ganito! Kulang na lang humiling ako sa mga santa at santo para lang makakuha ng fresh na boyfriend.
Syempre, a fresh woman needs a fresh man too! Para hindi unfair!
Nilalamok na ko dito sa harapan ng bahay namin pero wala pa ding nangyayare! Ano bang kasunod kase nyan? Naglagay na ko ng username at pa-browse browse na din ako sa feed kahit wala namang lumalabas at nakalagay. Tupangina! Scam ata 'to e! Laki ng puhunan ko dito! Nagpaload pa ko ng 90 para dito!
Papikit pikit na ang mata ko sa antok nang biglang tumunog ang phone ko. Nagising naman ako sa katotohanan na hindi nya ko mahal, syempre charot lang! Taena!
@Laki_alaga sent you a message. Yan yung lumabas sa nf ko. Sa wakas! May resulta na din ang paghihintay ko sa dating app na 'to! 'Kala ko scumming na e! Nakngtokwa!
Mukhang yummy pa ang name nya! Pinindot ko na yung message nya and to my surprise, hanep!
"Meet and f**k? Need mo ba ng didilig sa tuyot mong halaman?"
What the heck was that?! Asa syang reply-an ko sya! Kahit naman medyo bastos ako ay hindi ko pa din papatulan ang ganyang klaseng mensahe. Hindi ako katulad ng mga bata ngayon na mapupusok! Kaya dumadami ang populasyon sa Pilipinas e!
@Laki_alaga sent you a message.
Malaki 'tong kargada ko!
Hindi ka na lugi Ms. Virgin_Fresh_Pa_Sa_Tahong HAHAHAHA masasarapan ka talaga! Ugh!
At dahil dakilang marupok nga ako! Papatulan ko na! Naiinis na din ako e! Kanina pa ko kinukulit!
Replying to @Laki_alaga
Wala akong pake kung malaki ang kargada mo! Tigilan mo na ko sa pangungulit mo! Jowa ang hinahanap ko dito at hindi f**k buddy!"
@Laki_alaga sent you a message.
Kinukulit? Lakas mo miss! Nakakadalawa pa lang ako, wag kang assuming.
At dyan na nga nagsimula ang pang-aasar nya sakin! Kesyo assumera daw ako! Flat daw ako! Sus! Baka 'pag nilamas nya 'to hindi pa kasya sa kamay nya! Duh! Gifted ata 'to! Sayang nga lang at walang nakikinabang.
PEEP!
Naggising ako sa aking pagmumuni-muni nang narinig ko ang pagbusina ng jeep. Tumawid nga pala ako kanina dahil mag-aabang ako ng sasakyan papasok. At dahil kanina pa pala ko binubusinahan ni mamang tsuper, sumakay na ko agad para naman mawala na yung pagkunot sa noo nya!
"Ay putangina!" Hindi pa ko nakakaupo ng maayos nang umandar agad ng mabilis ang jeep na sinasakyan ko! At tarages! Kamalas-malasang napaupo pa ko sa katabi ng uupuan ko sana. Napapikit ako sa kahihiyan na nararamdaman ko sa mga oras na 'to.
" Enjoying my lap huh? ", natauhan ako nang may malamig na boses lalaki ang bumulong sa tenga ko. At noon ko lang narealize na nakaupo pa pala ko sa hita nya.
Agad naman akong umalis sa lap nya at umupo sa hindi pa okupadong espasyo sa tabi nya.
Hindi na lang ako umimik at yumuko na lamang dahil sobrang nahihiya na talaga ko!
Sa gitna ng byahe ay nakaramdam ako ng antok, at dahil nga pinuyat ako ng malaking alaga kagabi, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
" Oo na, pakisabi na lang hindi ako makakapasok ngayong umaga gago! May nangyare kamo! Tarantado! Gawan mo ko ng letter! Gago! "
Nagising ako sa pagkakatulog nang makarinig ng di kaaya-ayang salita malapit sa akin. Minulat ko ang mata ko at ganon na lamang ang gulat ko ng makita kung nasaan ako! Syempre sa jeep! Pero bakit sa jeep?! Nasa school na dapat ako sa mga oras na 'to! Patay na!
" If you don't mind, pwede ka na bang umalis sa balikat ko gayong gising ka na naman?" , doon ko ulit narealize na nakasandal pala ko sa balikat nitong katabi ko.
Sya pala yung maingay kanina na syang dahilan ng paggising ko.
" Late na ko Ms. Sleepyhead, at kung hindi mo napapansin, ikaw ang dahilan. You owe me a lot today Ms. ", yun lang ang sinabi nya at iniwan akong mag-isa dito nang nakanganga.
Yes nakanganga! Ngayon ko lang kase nakita ang hitsura nya. Mamula-mula ang labi, mapupungay na mga mata, mahahabang pilik-mata at matangos na ilong na mas nakadagdag ng pagiging ma-appeal nya! Takte! Ang hot nya pa!
Naimagine ko tuloy yung nangyare kanina na pag-upo ko sa lap nya. Malaki kaya? Napatampal ako sa noo ko nang marealize na late na pala ko! Aeyu! Gaga ka talaga! Inuuna mo pa ang kalandian mo!