Aeyu's POV
"Okay class dismissed", wika ng last subject teacher namin sa umaga sabay alis sa room namin.
As usual, wala na naman akong naintindihan sa lahat ng diniscuss nya maliban na lang sa huli nyang sinabi na dismissed na ang klase.
Lutangers na naman ako! Iniisip kung pano magkaka-jowa!
Syempre hindi maiwasang sumulyap sa bintana kapag may dadaang grupo ng lalake! Kukuha ng inspirasyon pero ang totoo e lalandi lang naman talaga.
Nakaka-distract kaya! I mean yung teacher ang totoong nakakadistract! Kaya eto ako, sa pinakadulo umuupo, sa tapat ng bintana. Para bongga ang pagsilip sa mga boys! Oh diba! Stupidyante! Puro landi ang inatupag.
"Hoy Aeyu girl!", panggugulat ni Erin sa akin. Erin is a bestfriend of mine. Since grade school hanggang ngayong last year sa college e kami na ang magkasama. Sa boy hunting, sa kalokohan, sa cutting, sa katangahan at iba pa.
"Putcha ano ba yon?", paepal 'tong babae na 'to e! Panigurado marami na naman 'tong kwento. Chismosa to eh! Tsismis alert.
"Alam mo girl! Obvious naman na uhaw ka sa boys, at kitang kita namang tuyot na tuyot yang halaman mo!", sabay hipo nya pa sa perlas ko dahilan para matampal ko ang kamay nya.
"Aray naman!", reklamo nya sabay himas sa namumula nya nang kamay. Natural mamumula yan. Bukod sa maputi ang balat nya ay mabigat pa ang kamay ko.
"Ano ba kaseng ichichika mo?! Yun lang naman ang trabaho mo lagi, dinamay mo pa ang pagiging tuyot ko!" , sabi ko sabay inayos ang mga props na notebook at isinilid sa aking bag. Hindi man lang nasulatan.
"Aeyu Tan! Ikaw naman kase! Mahalay na nga ang pangalan mo pero hanggang ngayon ay hindi ka pa nakakabingwit ng lalaking didilig dyan sa halaman mo!" , mahabang sabi nya.
At talagang idinamay pa ang pangalan ko sa kahalayan nya! Oo na at mahalay ang pangalan ko. Kasalanan ko bang nilahian ng isang japanese o chinese o kahit sino pa syang may surname na Tan ang nanay ko?
Ang resulta, isang fresh na virgin na magandang Aeyu Tan! Never been all! Never been kiss, never been touch at never been s*x!
"Oh ano naman?", bored na sabi ko na lang sa kanya dahil kanina pa ko inaantok. Balak kong mag-halfday ngayon. Tinatamad kase talaga ako. Kapag naman sinisipag ako ay pinipilit kong makinig sa teacher. But, today is an exception.
Walang makakapigil sa katamaran ko.
"Dahil nga desperada ka din naman na makahanap ng boylet, bakit hindi mo itry yung bagong dating app na uso ngayon?", sabi nya dahilan ng pagningning ng singkit kong mata.
"Bago? Maganda ba dyan? Proven and tested ba yan?", sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Aba! Pagdating sa ganyan ay nagiging aktibo ang utak ko! Nakiki-cooperate ang buo kong katawan!
Bumibilis ang t***k ng puso ko, nanginginig yung tuhod ko, namamawis ang kamay ko! Takte! Instant pasmado! Hindi ako nagfifinger wengya!
Sadyang nagiging ganto talaga ko kapag ganyan ang usapan. Iyong parang sigurado talaga na magkakaroon ako ng karelasyon. Pero kapag walang kwentang chika at panlalait lang naman ang kwento ni Erin, waley! Napipilitan lang ako na pakinggan sya.
"Tignan mo nga! Hanep ka din e no? Hindi ko alam kung legit yan pero mukha naman. Base sa mga feedbacks ng mga tao. Mukhang maganda naman. Send ko sayo yung pangalan ng app mamaya at ako'y nagugutom na. Ikaw ba?", sunod-sunod na sabi nya dahilan ng pagtango ko.
"Hindi na muna ko sasabay sis! Halfday ako ngayon, inaantok ako. Talagang tinatamad akong pumasok. Si tanda lang naman teacher natin mamaya", napahikab pa ko pagkatapos kong sabihin yan. Hanep! Talagang nakakawalang-gana pumasok.
Mahirap talagang ipilit ang mga bagay bagay. Gaya ngayon, kung ayaw pumasok, edi wag pumasok!
Pero ang pagkakaroon ko ng boyfriend? Dapat nang ipilit yan! Pa-experience man lang kahit papaano! Mahirap tumandang walang alam!
"Ikaw na talaga Aeyu! Bilib na talaga ko sayo! Bahala ka na nga dyan, nagagalit na talaga ang mga dragon ko sa tyan", huling sabi nya at umalis na sa harapan ko. Nakita ko pang kumindat sya sa nerd na lalaking kaklase namin bago lumabas.
Flirt amp! Gutom na, nagawa pang lumande! Hanep! Daig na daig ako!
I comb my hair and changed my style in a bun para naman makita ang fresh kong leeg! Aba! Mainggit sila! Never been suck ata 'to! Sabagay, wala namang sisipsip.
Nag-lip and cheek tint din ako bago lumabas bitbit ang bag ko.
As usual, marami na namang inggiterang nagbubulong-bulungan sa paligid. Akala mo mga bubuyog! Pero okay na yan. Atleast hindi ako ang pinag-uusapan nila.
Yeah. Mabait ako sa mga schoolmates ko. Nginitian nila ako habang dumadaan ako. Hindi naman ako maldita kaya sinuklian ko din sila ng isang plastic na ngiti.
Yung mukhang mabait syempre. Pero tupangina! Mabait talaga ko.
Nang makarating ako sa gate ay umakto ako na parang nakakaawa at mukhang may sakit.
"O iha? Bakit nandito ka? Mamaya pa ang dismissal nyo ah.", sabi sakin ni manong guard.
Welcome! Aeyu the actress! Aakto na naman ako kay manong guard. Paawa effect with props para palabasin ako.
"Kuyang guard, masakit po kase ang ulo ko. Kakatapos lang ng exam namin. Dala siguro ng matinding pag-aaral hayst", humawak pa ko sa sintido ko para maniwala sya.
"Ineng, pwede ka namang mapahinga sa classroom nyo. Sige na, bumalik ka na roon at baka--"
Hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil pinutol ko na ang dila nya. Syempre joke lang! Pinutol ko na ang sasabihin nya dahil ilalabas ko na ang matindi kong props.
"Wag kang mag-alala manong. Nagpaalam naman kase ako sa susunod naming teacher. Para no worries ka dyan. Humingi pa ko ng letter of permission para makalabas ng school at makapagpahinga sa bahay", pagsisinungaling ko sa kanya sabay labas at abot sa kanya ng excuse letter kuno na may pekeng pirma ni tanda na teacher namin mamaya.
"Hay nako ikaw talagang bata ka, sige na nga. Basta mag-ingat ka ah. Deretso bahay na agad at 'wag nang pupunta sa kung saan", pahayag nya matapos basahin ang letter na inabot ko.
"Opo manong!", sabi ko sabay labas ng gate at naglakad papunta sa shed para mag-abang ng jeep, bus o kaya tricycle pauwi sa bahay. Ang bilis kaseng maniwala ni manong guard sakin.
Ang galing talaga ng acting skills ko! Walang kupas!
Umupo na lang ako sa bench sa shed habang naghihintay ng masasakyan.
Tagaktak na ang pawis ko dito! Sobrang init! Takte! Ang bagal ng sasakyan!
Busy ako sa pagbabasa sa mga posts sa online rambulan nang namalayan kong may tumabi sa akin. In fairness, mabango sya! Hindi ko naman pwedeng lingunin dahil baka mag-assume!
Kita ko sa peripheral vission ko na nagtitipa sya sa phone nya kaya hindi ko na lang sya pinansin at nagbasa na lang ulit sa online rambulan.
Taenang mga tao 'to! Walang magawa sa buhay!
At dahil nga nagsawa na ko sa mga walang kwentang posts nila na wala namang mapupulot na aral kundi masamang asal e tumayo na lang ako at tinignan kung meron na bang sasakyan. Usually kase mabagal ang patakbo nila kapag malapit sa school.
Nakita kong may papalapit nang sasakyan kaya kinuha ko na ang bag ko at lumapit na sa kalsada.
Bago pa huminto sa tapat ko ang bus e may bumulong sa tenga ko na nagpakilabot sa akin at naging dahilan para mamula ako sa labis na kahihiyan.
"May tagos ka Miss", yun lang at naramdaman ko ang pagpulupot ng jacket sa aking bewang.
Nauna na syang sumakay. Kaya heto ako. Nakayukong sumakay sa loob at malayo sa kanya. Syempre sa pinaka-likod para kung sakaling bababa man sya ay hindi nya ko madadaanan. Ganoon din naman kapag ako ang naunang bumaba.
Hindi ko na namalayan ang mga dinaanan namin. Nabalik na lang ako sa ulirat nang huminto sa tapat ng isang exclusive village ang sinasakyan kong bus.
Hindi naman ako nakatira dito. Ano ko? Richkid? Kaya sa malamang, yung lalake kanina ang bumaba.
Hindi ko man lang nakita ang hitsura nya. Mukha naman syang gwapo base sa tindig nya. Gwapo naman ang likod nya. Gwapo din ang amoy! Sobrang manly pa. Sinundan ko ng tingin ang papalayo nyang bulto hanggang sa makababa sya ng bus. Sinilip ko pa sya sa bintana ng bus.
Bahagya kong nilabas ang ulo ko para masundan ko pa sya ng tingin.
"Ay potangena!" ang sakit na nga ng ulo ko! Mas lalo pang sumakit! Si manong driver kase! Biglang binilisan ang pagpapatakbo e panget pa naman ang kalsada dito!
Hinimas-himas ko ang ulo ko hanggang makababa sa bus.
Padabog ko pang inabot ang bayad ko kanina sa konduktor dahil sa sakit na nararamdaman ko. Kanina kase ay sumabay ang puson ko sa pagsakit ng aking ulo.
Dumaan ba naman kami sa malubak na daan! Ayon! Alog alog ang buong katawan ko! At nakita ko pang sumisilip-silip sa akin iyong konduktor! Masyadong bastos! Manyakol! Palibhasa gifted ako! Hinding hindi ko naman hahayaan na sya lang ang makinabang dito no!
Naglakad pa ko papasok sa kanto para makarating sa aming bahay.
At gaya ng aking inaasahan, marami na namang tambay sa shed malapit sa kanto. Mga lalaking halos kaedad ko lang na tinamad na sa pag-aaral, yung iba naman e walang pampaaral.
"Hello Aeyu!", pasigaw na bati sakin ni Jc na naging kaklase ko noong junior highschool.
Tipid ko syang nginitian at tinanguan bagi ko ipinagpatuloy ang paglalakad.
Kung minsan ay naiisipan kong magcutting at gaya ngayon na mag-halfday ay never ko namang naisipang huminto sa pag-aaral.
Kahit naman ganito ako ay naiisip ko pa din ang pagod at pagtyatyaga ni mama para makatapos ako ng pag-aaral. Mag-isa nya lang kase akonb binubuhay.
Kaya na din siguro hindi ako magkaroon ng boyfrienday dahil sa takot na maiwan din ako nito gaya ng ginawa ng tatay ko samin.
Pagkatapos buntisin si mama, ay iniwan nya na lang na parang basura.
Sa tuwing minumura ko nga iyong tatay ko ay nagagalit pa si mama. Okay na din naman daw. Dahil ako naman daw ang naging bunga ng kalandian nya.
Kaya mahal na mahal ko si mama e. At dahil sa kanya, hindi ko naiisipang magloko sa pag-aaral. Sa katunayan ay kahit ganito ang asal ko, dean's lister pa din ako. Ewan ko ba kung bakit ganito ang utak ko.
Masyadong witty! Hayst.
Pagtapat ko sa gate namin ay agad akong pumasok. Sinalubong naman agad ako ng aso naming si Yona na siyang ikinatuwa ko.
Sobrang natutuwa talaga ko sa mga aso lalo na kapag malambing sila sa akin. Sobrang nakakawala ng stress.
Ilang minuto pa akong nakipaglaro sa aso namin bago ko naisipang pumasok sa loob ng bahay dahil nararamdaman ko na ang pagbulwak ng aking mga maruruming dugo.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong tinanggal ang jacket na ipinalupot nung lalake kanina sa bewang ko.
Ganon na lamang ang pamumula ko nang makitang halos napuno na ng dugo ang kulay grey nyang jacket.
Naalala ko tuloy yung kanina! Sobrang nakakahiya tangina! Bakit kase hindi ko naalala na ngayon pala ako magkakaroon?
Kaya naman pala tamad na tamad ako kanina at antok na antok.
Tangina talaga! Worst day ever! Nakakahiya!
Naglinis ako ng katawan pagkatapos ay nilabhan ko yung dinuguang jacket ni kuya. Kuya na lang, hindi ko naman alam ang edad nya.
Pero kapag nalaman kong hindi nalalayo ang edad namin, babe na! Pero takte! Pano ko matatawag ng babe yon? Nakakahiya! Baka asarin pa kong may tagos.
Hindi ko alam ang gagawin sa jacket nya. Isasauli ko ba sa kanya? Pero paano naman? Ni hindi ko man lang alam kung saan sya nag-aaral maging kung saan sya nakatira.
Oo nga't huminto sya sa exclusive na village kanina, saan ko naman doon sya hahanapin? Ni pangalan nya ay hindi ko alam. Maging ang mukha! Likod at amoy nya lang ang alam ko.
Saka baka mamaya, hindi naman pala sya doon nakatira. Malay ko ba kung nagdeliver kang yon ng drugs, o kaya naman ay hardinero ng isang mayamang business man doon sa loob ng village? O kaya naman ay isang guard doon?
Kaya for the mean time, dito muna sakin ang jacket nya.
Hindi ko din naman alam kung may mukha akong maihaharao sa kanya pagkatapos ng kahihiyang naganap kanina.
Baka dibdib ko na lang ang iharap ko sa kanya. Syempre charot lang!
Humiga na lang ako sa kama dahil ramdam na ramdam ko talaga ang bigat ng katawan ko.
Kung sakali mang dumating si mama galing sa trabaho, paniguradong sermon na naman ang maririnig ko.
Patay na.
Patuloy na binabagabag ang aking isipan sa mga maaring masabi ni mama at sa mga mangyayare kapag nakita ko ulit si kuyang mabango nang nilamon ako ng dilim at di ko namalayang nakatulog na pala ako.