Chapter 01

1704 Words
EnjoyReading:) Aliyah's POV "Ahhh, s**t! Make me c*m! Ah, Yeah! s**t! Ah! Oh!" Rinig kong ungol ng babae sa loob ng bahay namin. Hindi na talaga nahiya si Twain sa anak niya. Napatingin agad akong kay Hayen, sure akong hindi naman niya naririnig dahil nakaheadset siya. Pasimple kong nilakasan, dahil ako ang may hawak ng tablet ni Hayen. Binuhat ko siya at nagmamadaling tumaas sa kwarto niya. Baka kasi makita pa niya o marinig ang ginagawa ng ama niya. Hindi na ba talaga siya titigil sa pagbababae niya? Gusto niyang bumalik dito ang kakambal ko pero ganyan naman siya?! Alam ko namang may pangangailangan siya. Pero mahal niya ang kakambal ko. Paano niya nagagawa ang mga ito? Sa kwarto muna ako namalagi ng ilang minuto bago ako bumaba. Natulog nadin naman si Hayen. Ikaw ba naman, kinder palang gusto na niyang whole day ang klase niya. Kaya sa limang taong gulang niyang 'yan, ang galing niya ng bumasa at sumulat. Matalino si Hayen katulad ng tatay nito. Kaya hindi ko akalain na kayang iwan ng kakambal ko ang batang ito. Sabagay hindi ko masisisi ang kakambal ko dahil bata palang ito ng nabuntis. Hindi ko din masisisi ang mga magulang ko dahil hindi naman nila ako minahal. Hindi nila ako mahal. Nakita kong pagod na umaakyat si Twain. Pagod kakasex! Hindi man lang naisip ang anak niya. Mas nauna kong minahal si Twain sigurado ako dyan. Pero mas nauna naman niyang nakita si Hayila kaya nainlove siya dito. Kung nagpakita lang ako sa kanya agad. Pero tinago ako ng mga magulang ko dahil walang lahing kambal ang mga magulang ko. May paniniwala kasi ang mga magulang ko na malas sa lahi nila ang magkaroon ng anak na kambal. Hindi kasi maganda ang kinalabasan noon ng kaibigan ng mga magulang ko. At magtataka daw ang mga amiga ng mommy ko kapag kambal ang naging anak nila. May issue kasi na nanlalaki ang mommy ko. Baka kapag nagkaroon siya ng kambal ay akusahan siyang hindi si Daddy ang ama ng dinadala niya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa paniniwala nila. Sapat na ba 'yun para pahirapan ako at hindi ituring na pamilya? Mas nauna si Hayila kaysa sa akin kaya siya ang pinakilala sa buong mundo. "Twain, pwede ba tayong mag usap?" Tanong ko dito. "Pagod ako." Malamig na sabi niya at lalampasan na sana ako ng magsalita ako ulit. "Pagod makipag s*x sa babae mo?" Tanong ko sa kanya na nagpatigil sa kanyang lampasan ako. Nagulat ako ng hawakan niya ako sa braso. Masakit 'yun! "What? Babae ko?" Tumawa siya ng sobrang lakas! "Tang ina, nagpapatawa ka ba? Sino ka ba? Babae din kita 'di ba?" Nanlilisik ang mga matang tanong niya nagpatigil sa akin. Oo, tama, babae niya 'din ako. Napalunok ako ng ilang beses dahil sa sinabi niya. "Oh, bakit? Bakit 'di ka magsalita?" Naging madilim ang mga mata niya at hinatak ako sa buhok. "Una, 'wag mo 'kong pagsasalitaan ng ganon. Pangalawa, alamin mo ang lugar mo dito sa bahay ko. Pangatlo at pinakahuli sa lahat, 'wag kang mag-feeling asawa ko." Sabi niya at tinulak ako. Napaupo nalang ako sa sakit na bumalatay sa likod ko. Umalis na siya at pumunta sa kwarto namin na dati nilang kwarto ng kakambal ko. Tama naman siya sa sinabi niya kanina. Babae niya lang naman talaga ako. Pinigilan kong umiyak. Sa apat na taon naming nagsama, wala siyang naramdaman para sa akin. Oo, may nangyari sa amin pero isang beses lang 'yun noong inakit ko siya. Alam niyang siya ang una ko. Nagpumilit ako sa mga magulang ko, para pakasalan ako ni Twain kaso hindi sila pumayag kasi ayaw nilang mawalan si Hayila. Kahit bata pa si Hayila ng kinasal sila. At ang ginawa sa akin ng mga magulang ko? Nagpapanggap akong Hayila sa lahat ng tao. Para lang maganda ang image nila sa mga tao at para hindi maging pangit ang pangalan ni Hayila sa lahat dahil kilalang tao si Twain. "Mommy ba't ka nagkacry?" Tanong sa akin ni Hayen. Anak siya ni Hayila. Si Twain at Hayen hindi sila sa akin. "Wala, baby. Samahan mo si mommy magluto, gusto mo 'yun?"/Tanong ko sa kanya na kinangiti niya. Bumaba kami papuntang kusina para magluto na. Wala na 'yung babae ni Twain. Pinaalis na siguro niya dahil ayaw niya rin itong makita ni Hayen kahit papaano pero dapat hindi na siya nagdadala ng babae dito. "Baby boy, abot mo nga kay mommy 'yung pinggan." Hiling ko sa anak ko. Mahal ko si Hayen katulad ng pagmamahal na meron ako kay Twain. Kahit hindi siya galing sa akin. Hindi naman kasi batayan ang kadugo mo lang bago ka sabihin na bilang isang ina, basta mahal mo ang isang bata at nagpapaka-ina ka. Pwede mong tawagin ang sarili mong ina. Hindi ko siya kayang mawala sakin, pero hindi siya sa akin, at kailanman hindi magiging akin. Maglilima na si Hayen. Pero pag tinatanong siya kung ilang taon na siya, lima ang pinakakita niyang daliri. Excited siyang magbirthday. "Here, mommy." Malambing niyang abot sa akin. "Thank you, baby." Nakangiti kong sabi sa kanya. Binaba ko 'yung plato at binuhat siya para paupuin sa upuan malapit sa bar area. Mini bar lang siya tago naman 'yung mga alak, baka kasi inumin ni Hayen. Lagi pa naman curious ang batang ito. "Mommy, hindi ka nanaman ba sasabay sa amin sa pagkain?" Tanong niya sa akin na nagpatigil sa akin sa paghihiwa ng sibuyas. "B-baby, kasi a-ano, may gagawin pa si mommy. Kailangan 'yun ni mommy gawin para matutulog nanaman siya sa tabi mo at para sasamahan nanaman kita bukas sa school mo." Nakangiti kong pagsisinungaling kay Hayen. Kasi ayaw talaga akong makasabay kumain ni Twain kasi nawawalan siya ng gana. Pag sa kama naman namin dapat tulog na siya bago ako matutulog sa tabi niya. Noong inakit ko siya noon. 'Yun palang ang unang may mangyari sa aming dalawa. Ayaw niyang may mangyari sa amin kasi natatakot siyang hindi na siya makawala pa sakin. Hindi naman ako ganon. Nagawa ko lang minsan 'yun, pero alam ko naman na para nanaman 'yun sa ikabubuti ni Hayila. "O, sige po." Malungkot na sabi ni Hayen. Hinalikan ko nalang siya sa noo. Hindi ko naman siya matiis kasi mahal ko ang anak ko. "Ganito nalang, pagkatapos niyong mag-eat ni daddy. Kakain tayo ng ice cream sa taas." Nakangiti kong sabi kay Hayen. "Pero ayaw ni Daddy mag-eat ako ng ice cream. Ayaw mo daw kasing mag eat ng ice cream kasi tataba ka." Sabi ni Hayen. Hindi totoo yun. Pero alam ko 'yung sure, si Hayila ang may ayaw kumain ng kung anong pagkain na nakakataba. Hindi ako ang tinutukoy niya habang sinasabi niya 'yun kay Hayen. Si Hayila nanaman. "Pero mommy ang lakas mong mag-eat ng ice cream, pati chocolate. Niieat mo 'yun for me?" Tanong niya sa akin habang nakangiti. Napalunok ako. Hindi naman kami mahuhuli ni Twain kumain ng ice cream. Ayaw kong kontrolin niya si Hayen tulad ng gusto niya dito. Dapat hayaan niya sa mga nagpapasaya sa bata at ice cream ang nagpapasaya sa anak niya. "Syempre paborito mo ang ice cream kaya favorite nadin siya ni mommy." Nakangiti kong sabi sa kanya na mas nagpangiti sa kanya. "Ok mommy sekretong malupet nanaman natin ito kay Daddy!" Sigaw ni Hayen sa masayang tinig. Masaya akong may nagpapasaya sa kanya. NANDITO ako ngayon sa kitchen habang tinitignan si Hayen at Twain na kumakain ng tanghalian. Dito na din ako kumain ng walang ginagawang ingay. Baka kasi magtaka si Hayen kung nasaan ako. "Daddy nakaperfect ako kanina. Sayang binura ni mommy 'yung stars ko, mga anim 'yun daddy. Pero dirty daw kasi kaya bunur------"..."Don't talk Hayen. Masakit ang ulo ko."..."Pero Dad-------"..."Shut up Hayen!" Sigaw ni Twain kaya lumabas ako sa kusina. "Hey, 'wag mo namang sigawan 'yung bata." Mahinahon na sabi ko. Hindi ko naman gusto na sinisigawan niya si Hayen dahil lang wala siya sa mood. "Kaya matigas ang ulo kasi pinagtatanggol mo lagi!" Sigaw ni Twain. Hinarangan ko naman 'yung dalawang tenga ni Hayen. Bata pa siya, hindi niya dapat ito nasasaksihan at naririnig. "Twain bata lang si Ha-----"..."Wag kang epal, hindi ka namin kaano ano! Hindi ikaw ang nanay niyan!" Sigaw niya at padabog na umalis. "M-mommy." Umiiyak na sabi niya at yumakap sa akin. "Narinig mo?" Umiling naman siya at yumakap sa akin. "Una ka na sa kwarto mo baby, magliligpit lang si mommy dito sa baba." Malambing na sabi ko bago ko pinaakyat si Hayen. Napakagat ako ng ibabang labi kasi hindi ko na kayang pigilan ang sakit sa umusbong sa dibdib ko. Alam ko 'yun. Alam na alam kong hindi sa akin si Hayen. Pero mahal ko siya. Nagulat ako ng may sumakal sa akin! "T-twain n-n-nasa-nasasak... H-hindi a-ako m-makahinga." Nahihirapan kong sabi sa kanya. "Kanina pa ako nanggigigil sa'yo! Pumapapel ka masyado sa buhay namin ng anak ko!" Sigaw niya sa akin. Baka marinig kami ni Hayen. Tumingin ako sa pinto ng kitchen namin baka nanduon si Hayen. Hindi niya pwedeng katakutan ang daddy niya. "T-twain, b-baka m-makita ka ni H-hayen." Nahihirapan kong sabi sa kanya. Mas diniin niya ako sa pader. Hindi na ko makahinga. "'Wag na 'wag mo kong susubukan Aliyah. Hinding hindi mo magusgustuhan ang gagawin ko sa'yo. Tandaan mo, pwede kitang patayin dahil hindi kilala ng buong mundo ang isang Aliyah." Sabi niya at binitawan niya ako. Napaupo naman ako sa sahig at umiyak ng umiyak. Hindi nga kilala ang isang Aliyah. Dahil sa labas ng bahay na ito, ako si Hayila Tuazon Madrigal. Hindi isang Aliyah Tuazon. Hindi bilang ako. Kasi walang nakakakilala sa akin. Mahirap magpakilala sa ibang tao bilang isang taong hindi kilala. Masakit dahil mga magulang ko pa ang nagplano ng ganon pero hindi ko sila kayang sisihin kasi mahal ko sila. Mahal na mahal. Sana ako nalang si Hayila. Kilala ng lahat at hinahangaan sa lahat. At Ako nalang sana ang unang nakita ni Twain. Bakit kasi ang malas malas ko? Para hindi ko maranasan ang kalimutan ng buong mundo. Hindi ko sana nararanasan ito - - - - - Please READ, VOTE & COMMENT
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD