Chapter 02

1737 Words
EnjoyReading:) Aliyah's POV Nakatingin lang ako sa malayo ngayon. Nandito ako sa waiting area sa school ni Hayen. May pasok kasi siya. Maya maya matatapos nadin ang klase niya. Hindi ko talaga alam sa batang 'yun kung bakit ang sipag sipag mag aral. Dapat half day lang siya dahil kinder palang siya. At dapat kapag 5 years old palang dapat siya magsisimulang pumasok sa school. Pero ayaw niya, mabilis kasi siyang mabored lalo na pag wala itong makita sa bahay na gagawin. "Hi." Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa tabi ko. "Hello." Nakangiting sabi ko sa kanya. Masayang kumausap ng ibang tao. Ngayon ko lang nararanasan ang makipagkilala sa kahit na sinong tao. Noon kasi nasa kwarto lang ako. Maraming bisita ang pumunta sa bahay hindi ako pwedeng makita. Mga katulong lang ang nakakausap ko at si Hayila. Kaya magaan sa pakiramdam na nakikipag usap ka. Kasi malaya ka. "May hinihintay ka?" Nakangiti nitong ngumiti. Ang ganda ng mga ngiti niya. Ang puputi ng ngipin. "Anak ko." Nakangiti kong sabi sa kanya. Gulat naman siyang napatingin sa akin. Malamang bata pa ako at muka talaga akong bata. Akala nga nila 17 or 18 lang daw ang itsura ko. Pero 20 na ako mag 21 na this year. "M-may anak ka na?" Gulat na tanong niya sa akin. Nakangiti naman akong tumango sa kanya. Anak ko si Hayen, hindi dahil sa nagpapanggap ako bilang si Hayila pero dahil mahal ko siya kahit hindi siya nagmula sa akin. Sapat ng nasa puso ko siya at mahal na mahal ko siya bilang anak ko. Lahat gagawin ko para sa kanya. "Oo." Simpleng sagot ko sa kanya. Hinayaan ko lang siyang gulat. Hahayaan ko lang mag sink in sa utak niya 'yung sinabi ko. "Ilang taon ka na ba? You're too young para magka anak." Sabi nito sa akin. "20 na, hmm ganon talaga eh." Nakangiti ko pading sabi sa kanya. Napailing iling naman siya at naglahad ng kamay sa akin. "Crakky." Pagpapakilala niya sa akin. Nag iisip ako kung si Hayila nanaman ang ipapakilala ko. Pero gusto kong maging ako naman kahit sa iisang tao lang. Hindi naman malalaman nila Mommy na nagpakilala ako bilang si Aliyah at hindi bilang isang Hayila. Gusto ko naman magkaroon ng sarili kong pagkakakilanlan. Nakakapagod titigan ng mga taong kilala mo pero, ikaw kilala lang ang pangalan na ginagamit mo. "A-aliyah." Nakangiti kong sabi sa kanya. Nakipagkamay ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong naglalaro na emosyon sa mga mata niya. "Mommy! Tapos na po klase ko! Ice cream na po please!" Tumatakbong lumapit sa akin si Hayen. "Look mommy, may stars nanaman po ako! Ice cream please mommy!" Pag-aaya sa akin ni Hayen. Wala naman si Twain kaya ayos lang. Tumingin naman ako ng may ngiti sa mga labi kay Crakky. Ang weird ng pangalan niya. Pero ang pogi niya. "Una na kami, Crakky. Nice to meet you." Sabi ko at tumayo na para mag-ayos. "Masaya din akong makilala ka, Aliyah." Nakangiti niyang sabi sa akin. Napatingin ako kay Hayen. Ang alam niya Hayila ang pangalan ko . "Hindi po Aliyah pangalan ng mommy ko." Sabi ni Hayen kay Crakky. Nagtataka naman napatingin sa akin si Crakky. Kinabahan naman ako dahil baka kung anong isipin ni Hayen dahil ibang pangalan ako tinawag ng ibang tao. Matanong pa naman ang anak ko. "A-ah, b-bukas pag nagkita ulit tayo, ipapaliwanag ko sayo." Sabi ko at inalalayan na si Hayen papaalis. "Anong ice cream ang gusto ng baby ko?" Nakangiti kong tanong ko kay Hayen para mawala sa isip niya 'yung sa pangalang binanggit ni Crakky. Hindi ko naisip na pwedeng mangyari ito dahil sa pagsasabi ko ng totoo kong pangalan kay Crakky. Hindi ko naisip na magkikita sila ni Hayen. "Hmm, gusto ko din po ng candies mommy." Masayang sabi ni Hayen. Hala, baka magalit nanaman si Twain pag nalaman niyang pinapakain ko si Hayen ng kung ano ano. "P-pero baby, baka sumakit 'yung teeth mo." Sabi ko sa kanya. Kinakabahan talaga kasi ako. "Pero mommy, konti lang naman po." Nakapout na sabi nito. Hindi ko talaga siya mahihindian kapag ganyan na ang itsura niya. Kapag nakaganyan na siya hindi na ako makakahindi. Paano ba naman! Napaka-cute ng anak ko. Bakit naman kasi... Napakacute naman ng batang ito eh. "Pero konti lang, ah" pagpapaalala ko dahil baka humirit nanaman siya ng humirit ng candies. "Yes!" Masayang sigaw nito at hinila na ako para makatakbo na kami. Masyado talagang excited si Hayen. At Masaya akong napapasaya ko si Hayen sa maliliit na bagay. NAKATULOG na si Hayen kaya pinabuhat ko siya kay manong Lando, 'yung driver namin. Ginabi nanaman kami sa pag-uwi. Kapag talaga nag-eenjoy si Hayen ay hindi ko namamalayan ang oras. 6:49 na ng gabi. "Salamat po sa pagtulong." Nakangiti kong sabi ng maihiga na niya si Hayen sa kama. Bibihisan ko pa ito dahil kawawa naman kung hindi dahil pawisan ito kanina. Baka magkasakit ito dahil pinagpawisan tapos aircon agad. Nang lumabas na si manong Lando, nagmamadali akong binihisan si Hayen kasi magluluto pa ako ng pang dinner ni Twain. Kinakabahan ako dahil hindi nagtoothbrush si Hayen baka sumakit ang ngipin nito. Malalaman ni Twain na hinayaan ko at sinusunod na kumain siya ng candies. Marami itong nakain na candies kanina. Nakadami din ito ng ice cream. Gusto ko siyang s gisingin para magbrush muna ng ngipin pero ayaw ko naman na mabitin siya sa tulog at iiyak nanaman siya. Napabuntong hininga nalang ako. Saktong paglabas ko, kalalabas din ni Twain sa kwarto namin. Madilim nanaman ang muka niya. Magkatapat lang kasi 'yung kwarto ni Hayen at kwarto namin. Para mas mabantayan namin 'yung bata. "Bakit ginabi kayo ni Hayen? Saan mo nanaman dinala ang anak ko?" Seryosong tanong niya sa akin. Kunot ang noo niya at masama ang tingin sa akin. "A-ah, nag-aya lang siyang gumala, kasi may mga stars nanaman siyang nakuha sa klase." Nakayuko kong sabi kay Twain. "Siguraduhin mo lang. Dahil kapag nalaman kong ginagamit mo 'yang anak ko sa kalandian mo. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko, tandaan mo 'yan, Aliyah." Seryosong sabi niya. Bakit ba ganito ang iniisip niya sa akin? Napilitan naman akong tumango at pinilit na ihakbang 'yung mga paa ko kahit na ang sikit sikit ng dibdib ko. Wala namang araw na hindi naging mabigat ang pakiramdam ko, lalo kapag si Twain na ang kausap ko. Masyadong masasakit ang mga salita niya. Bumaba ako pero ramdam kong nakasunod lang sa akin si Twain. "Magluto ka ng kagana ganang pagkain." Sabi niya bago umupo sa dining area. Mabuti naman at hindi niya ako makikita sa dirty kitchen dahil kakabahan lang ako dahil sa tingin niya. Nasa kalagitnaan ako sa pagluluto ng adobo ng narinig ko si Hayen na umiiyak. Agad naman akong nag-alala. Kaya lumabas ako sa kusina at pumuntang dining area. Nanduon si Hayen, nakayakap kay Twain na masamang nakatingin sa akin. Kinabahan naman ako lalo. "Daddy, 'yung teeth ko po masakit! Sobra." Umiiyak na sumbong ni Hayen. Nakikita kong namumula ang buong muka ni Hayen habang nakahawak siya sa pisngi niya. Nang makita ako ni Hayen nagpababa siya kay Twain at lumapit sa akin para magpabuhat. Gusto ko naman iumpog ang ulo sa pader dahil kasalanan ko kung bakit sumasakit ang ngipin niya. Agad ko naman siyang binuhat dahil nahihirapan din ako lalo na't nasasaktan si Hayen. Nasasaktam din naman ako. "Mommy, masakit po." Sumbong nito sa akin kaya niyakap ko siya. "Pinakain mo siya ng Ice cream?!" Seryosong tanong ni Twain. Masasaktan nanaman ako ni Twain, sure ako dyan. Pero si Hayen na muna ang iisipin ko. Bahala na ang pasakit ni Twain sa akin mamaya. Mas mahalaga si Hayen. "G-gusto kasi niyang kumain ng ice cream tsaka candies." Sabi ko habang hinehele si Hayen na nakayakap sa leeg ko. Basang basa na ang damit ko sa balikat kung nasaan nakabaon ang muka ng anak ko. Dahil 'yun sa iyak. "Pinakain mo siya ng cadies?! Bobo ka ba ah?! Sinabi ko na sayo lahat ng bawal ipakain kay Hayen! Bakit ba lagi kang nagmamagaling?!" Galit na galit na sigaw ni Twain. Galit na galit ang gwapo niyang muka. "Daddy, don't shout po. Kasalanan ko po kasi pinilit ko si mommy kahit ayaw niya po. Don't worry na po, gagaling din naman po ako. Promise hindi na po kita susuwayin." Sabi ni Hayen habang nakayakap sa kanya. Umiiyak padin ito Lumapit sa'kin si Twain at kinuha sa akin si Hayen. Galit na galit siya. Umalis sila sa dining area kasama si Hayen. Naiwan akong nag-aalala. Napaupo nalang ako sa pinakamalapit na upuan sa pwesto ko. Wala na ba akong magagawang tama kila Twain? Galit na galit siya sa akin! Nakaamoy ako ng nasusunog. Nanlaki 'yung mata ko ng maalala 'yung adobong iluluto ko. Hala, palpak! Nagmamadali akong patayin 'yung apoy bago ko tinanggal 'yung kawali. Magluluto nalang ulit ako. Kasi naman! "Anong amoy 'yun?!" Napatingin ako kay Twain. "Tang ina, susunugin mo ba ang bahay ko?!" Galit na sigaw nito sa akin. "S-sorry, iniisip ko kasi si Hayen." Kinakabahan na sabi ko. Halos mapaso pa ako sa kawali. Nagmamadali akong ayusin 'yung mga kalat. "M-magluluto nalang ulit ako. Sorry, Twain." Kinakabahan na sabi ko. "Tang ina, kasalanan mo na nga kung bakit nahihirapan 'yung anak ko! Magsasayang ka pa ng pagkain na pera ko ang bumili!" Sigaw niya at sinabunutan ako. Pumipiglas ako dahil masakit 'yung pagkakasabunot niya sa akin. Kumuha siya sa adobong nasunog ko at sapilitang pinasok 'yun sa bunganga ko. Sobrang init pa nun. "Kainin mo 'yang putang inang sinunog mo! Wala ka ng ibang ginawa kundi sakit sa ulo sakin." Sigaw niya. Hanggang sa maubos 'yung adobo tsaka niya lang ako binitawan at binato ng mangkok bago siya nag hugas at kumuha ng tubig sa ref. Ang init init ng adobo. Masakit ang buong bibig ko dahil sa ginawa ni Twain. Pinulot ko 'yung mga kalat sa sahig. Pinupunasan ko 'yung mga luha ko sa mata. Hanggang ganito nalang ako. Tumayo ako at hindi ko inaasahan na napatingin ako sa area ng kusina na may salamin. Gulo gulo ang buhok. Punong puno ng luha ang mga mata. Kalat kalat mula labi hanggang sa mga pisngi ko dahil sa adobong pilit pinakain sa akin ni Twain. Kailan ako magiging masaya sa taong mahal ko? Kailan ako magiging masaya? - - - - - Please READ, VOTE & COMMENT
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD