EnjoyReading Aliyah's POV "T-twain, 'wag dito." Kinakabahang sabi ko kay Twain. Nasa kusina kasi kami at nasa bar counter lang si Hayen at kitang kita niya kami pag may kabulastugan na gagawin. Ang kulit kasi ni Twain. Nandun lang si Hayen pero kung ano anong ginagawa. "Why not? Busy si Hayen." Malanding sabi ni Twain at hinalik halikan 'yung leeg ko habang nakatalikod ako sa kanya. "Daddy! Come here." Sigaw ni Hayen kaya napatingin kami sa kanya. Nakabusangot lang naman si Hayen. Nagkatinginan kami ni Twain. Kumindat naman siya sa akin bago siya lumapit kay Hayen. Nagluto nalang ako ng gusto ng mag ama. Napapangiti ako pag naririnig ang halakhak ng dalawa. Ito na 'yung gusto ko ang makitang masaya ang dalawa. Maging parte ako ng pamilya nila. Masama na kung masama ako pero humilin

