Chapter 12

1849 Words

EnjoyReading:) Aliyah's POV Hindi ko na mapangalanan kung anong nararamdaman ko ngayon. Kulang ang salitang masayang masaya sa nararamdaman ko ngayon. Nandito kami ngayon sa mall nila Twain katatapos naming magpapicture. "Mommy, masakit na po ang mga paa ko." Napatingin ako kay Hayen. Pinaggigitnaan namin siya ni Twain. Marami ng hawak na paper bags si Twain laman 'yun ng mga gustong laruan ni Hayen. "Gusto mo bang buhatin kita?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya at tinuro 'yung waiting area sa mall. Malapit lang ito sa amin kaya napatingin ako kay Twain. Nakatingin din siya sa akin at ng magtama ang mga paningin namin bigla siyang ngumiti kaya napaiwas ako ng tingin. Bumilis nanaman ng pagpintig nang puso ko. Ganito ba talaga ang epekto sa akin ni Twain? Mahal na mahal ko siya!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD