EnjoyReading
Aliyah's POV
"See you later, baby." Nakangiti kong paalam kay Hayen at humalik sa mga labi niya.
Ang saya saya ko...
"See you later, mommy. Lock mo po mga pinto mommy, take care po." Nakangiting sabi naman ni Hayen.
Papasok na kasi siya sa school.
"Opo. Anak 'wag masyadong matigas ulo, ah. Baka maatake si Manang, hmm. Tsaka pagbasa na 'yung likod dahil sa pawis mo, punta ka agad kay manang, okay?" Pagpapaalala ko kay Hayen. Kasi minsan kung hindi pa iche-check 'yung likod niya kung pawisan na ay hindi pa siya lalapit sayo para magpapunas.
Kasi naman sobra talaga siyang makulit.
"Si daddy, hindi mo po ikikiss?" Tanong ni Hayen. Napatingin naman ako kay Twain at nakita kong nakatingin din siya sa akin kaya umiwas ako at tumingin kay Hayen.
Kagabi ang pinakamasayang nangyari nang tumira ako kay Twain. Naghapunan kami ng sabay. Hindi nawalan ng gana si Twain kagabi, ang gana pa nga niyang kumain at nakikipagbiruan pa sa amin ni Hayen.
Nakikita ko din na masayang masaya si Hayen kasi nakasabay na din ako sa wakas sa kanila sa pagkain.
Hanggang sa pagtulog namin kagabi. For the first time, nag goodnight siya sa akin.
"Naku, anak kung ano anong kalokohan ang pumapasok sa utak mo." Sabi ko at pinisil ang mga pisngi niya.
"Mommy, ayos lang ba kayo ni daddy?" Nagulat ako sa tanong niya kaya napatingin ulit ako kay Twain.
"A-ah, oo naman anak." Nakangiting sabi ni Twain at binuhat niya si Hayen. "Tara na baby baka malate ka na." Sabi ni Twain.
Aalis ka sana sila ng magsalita ulit si Hayen.
"Nararamdaman ko po na hindi niyo love ang isa't isa. Daddy, Mommy 'wag na po kayong magsinungaling sa akin." Sabi ni Hayen at tumingin sa akin.
Matalinong bata si Hayen. Madali siyang makahalata kung may kahinahinala sa paligid niya. Hindi siya mabilis maloko at mauto ng kahit na sino.
Siguro masyado nga kaming halata ni Twain. Tumatanda na si Hayen. Nakakabuo na siya ng kung ano ano sa isip niya. Marami nadin katanungan du'n na kailangan ng kasagutan.
"Anak, syempre love na love ko si Mommy mo." Sabi ni Twain at ngumiti kay Hayen.
Totoo 'yun.
Oo, mahal na mahal niya nga si Hayila. Alam ko kahit hindi niya sabihin. Si Hayila ang tinutukoy niyang mahal niya.
Tahimik lang akong nakatingin sa kanilang dalawa. Buti pa si Hayila pag balik niya may Twain at Hayen siyang mauuwian tapos si Mommy at daddy pa.
Ako? Hanggang dito nalang ako.
Nangangarap ng mga nararanasan ni Hayila.
Saka ko na iisipin kung saan ako uuwi pag bumalik na si Hayila.
Nabibigyan lang nila ako ng konting atensyon kasi wala si Hayila. Pero pag meron na siya. Mawawala nanaman si Aliyah. Mawawala na ako.
"Bakit po hindi niyo nikikiss si mommy?" Tanong ni Hayen.
Nagulat ako ng humalik sa akin si Twain sa noo.
Hindi kasi gusto ni Twain na pumanget ang tingin sa kanya ni Hayen. Gusto niya maging magandang halimbawa sa anak.
"'Yan nakiss ko na si mommy. 'Wag ka ng mag iisip ng kung ano ano, ah." Sabi ni Twain bago tumingin sa akin at ngumiti kaya sinuklian ko agad ng ngiti.
Hindi ko alam kung kailan matatapos ang kabaitan sa akin ni Twain pero susulitin ko na.
"Una na kami. Magpahinga ka dito sa bahay." Sabi niya at pumunta na sa kotse niya kaya pumasok na ako sa loob at umupo sa sofa.
Magpahinga daw ako ngayon.
Pumunta akong kusina para kumuha ng ice cream kaso napansin kong kokonti na ang laman ng ref.
Malapit nadin maubos 'yung mga can foods. Malapit na din maubos ang laman ng ref.
'Yung mga ready to eat na delata.
Napabuntong hininga ako. Wala naman akong number ni Twain. Tapos wala din akong pera pambili.
Kung ipapabukas ko pa ito bago bumili ay baka hindi na ako makapaglinis bukas.
Saka wala naman akong gagawin ngayon, siguro susunod nalang ako sa kumpanya nila Twain.
Nagmamadali akong pumuntang kwarto namin at naligo at nagbihis. Simpleng t-shirt lang at maong pants ang suot suot ko at pinarisan ko ng flat shoes.
Nakita ko 'yung driver namin na nagdidilig ng mga halaman.
"Kuya pahatid naman po ako sa kumpanya nila Twain." Sabi ko at agad naman siyang sumunod.
Buti nalang at tatlo tatlo ang kotse ni Twain.
"Ma'am, ano po bang gagawim niyo du'n?" Tanong sa akin ni kuya.
Nagtataka siguro dahil ngayon lang ako nagpahatid sa kumpanya ni Twain. Ayaw niya kasi akong pumupunta duon.
"Ahmp, kukuha po ng pang grocery. Paubos na po kasi." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Napatango tango nalang siya at patuloy sa pagmamaneho.
Mga 15 minutes din.
Magdangal Corporation
Hindi pa ako nakakapunta dito. Kinakabahan pero ayos lang kaya naman 'yan. Mabilis lang naman ako. Hindi ako magtatagal dito.
Kakausapin ko lang naman si Twain.
May sumalubong sa aking mga staff.
"What can I help you, ma'am?" Tanong sa akin ng isang babae.
"A-ah, anong floor 'yung opisina ni Twain?" Tanong ko kasi nahihiya ako.
"Name, maam?" Tanong nito bago may nilabas na parang notepad.
"H-hayila Tuazon – Magdangal." Nahihiyang sabi ko. 'Yun naman talaga ang dapat kong gamitin.
Nanlaki naman ang mga mata niya at yumukod sa akin.
"Good morning, Mrs. Magdangal. Ma'am, nasa 15 floor po maam makikita mo agad ang opisina ni Mr. Magdangal." Sabi nito at yumuko.
Nagpasalamat naman siya at naglakad papuntang elevator.
Naririnig niyang nabubulungan yung mga empleyado ni Twain.
Nakakapang insulto 'yun.
"Siya ba ang asawa ni Mr. Magdangal? Kala ko ba maganda?"
"Maganda naman siya ghurl! Kaso mukang losyang lang. Basta parang hindi naalagaan ang fes!"
"Kala ko ba maganda at elegante ang asawa ni Mr. Magdangal? Chaka naman pala! Wala man lang kaayos ayos kung pumili ng maidadamit"
Tumingin ako sa damit ko. Wala naman kasi akong dress tsaka itinago lahat ni Twain 'yung mga damit ni Hayila. Hindi naman na kakasya 'yun sa akin.
Saka hindi naman ako dadalo sa party, bakit bongga ang damit ko?
Mamamalengke lang naman ako. Kailangan ko bang magpaganda para sa kanila?
Mapapahiya ko nanaman ata si Twain.
"Naubos na ata 'yung pera kaya ngayon bumabalik na kay Sir Twain. Mukang pera."
"Isa lang masasabi ko. Ang chaka talaga niya ghurl."
Isa lang din ang masasabi ko.
Nadungisan ko nanaman 'yung pangalan ng kakambal ko.
Napahiya ko nanaman si Twain.
Imbis na umuwi nagtuloy tuloy na ako sa opisina ni Twain.
Nang makarating ako, tama sila dahil bumungad agad sa akin 'yung pinto ng opisina ni Twain
Kaya kumatok ako.
"Come in!" Sigaw nito kaya pumasok ako. "What do you want? Where's the power point?" Sunod sunod na tanong nito.
Masyado itong nakafocus sa laptop niya.
"T-twain?" Tawag ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.
"A-aliyah?" Tawag niya sa pangalan ko tumango naman ako sa kanya at yumuko.
Nakakahiya.
"What are you doing here?" Seryosong tanong niya sa akin.
"Hihingi sana ako ng pang grocery. Paubos na kasi Twain." Sabi ko at yumuko.
"Pumunta ka dito dahil lang dyan?! Nag-iisip ka ba Aliyah? Anong ipinakilala mong pangalan sa baba?" Tanong nito. Namumula ang gwapong muka nito.
Galit nanaman siya!
Babalik nanaman siya sa pagiging masama sa akin.
"H-hayila." Sabi ko at yumuko. Ayaw na ayaw niyang pumapanget ang pangalan ni Hayila sa kahit na kanino.
"f**k! Nagpakilala kang Hayila, tapos ganyan ang suot mo?!" Sigaw niya sa akin.
Napahiya siya dahil sa akin kaya deserve ko itong pagalit niya sa akin.
Nakayuko lang ako at pinaglalaruan ang mga daliri ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi nalang sana ako tumuloy.
"Aliyah naman! Bigyan mo naman ako ng kahihiyan!" Sigaw niya sa akin.
"S-sorry." Sabi ko sa mahinang boses.
"Sorry?! Bakit 'yang sorry mo maaalis ba 'yung mga iniisip ng mga tao?! 'Yang sorry mo mababago ba ang lahat? Tang ina, hindi ka kasi nag iisip. Bobo!" Sigaw niya sa akin.
Kanina lang ay ayos pa ang pakikitungo niya sa akin.
Nakayuko lang ako at nagpipigil nanaman ng mga luha.
'Wag kang iiyak! 'Wag kang papatak! Ayaw na niyang makita kang umiiyak Aliyah. Kasalanan mo naman!
Hindi nalang ako nagsalita dahil alam kong sobrang galit na sa akin si Twain.
"Ayan 20,000, sapat na 'yan di ba?! Baka kapag credit card ang ibigay ko sayo aanga anga ka pa. Bwisit! Sira na nga umaga ko, sisirain mo pa! Umalis ka na bago mabugbog pa kita dito!" Sigaw niya kay agad kong kinuha sa lamesa niya 'yung pera bago ako nagmamadaling lumabas.
Lumayo sa kumpanya ni Twain.
Hindi na ako babalik sa kumpanya niya. Hinding hindi na. Hindi ko na siya ulit ipapahiya.
Nasa super market na ako para mamili ng mga kailangan sa bahay.
Ibubuhos ko nalang dito ang atensyon ko para hindi ako mag isip ng kung ano ano.
Kasi masasaktan nanaman ako kakaisip ng kung ano anong makakapanakit sa akin. Saka na ako aarte ulit. Ayaw kong madagdagan nanaman 'yung bigat na nararamdaman ko.
Ayaw kong magalit at mapunta lahat lahat ng naipon ko sa sama ng loob at paninisi sa mga taong nanakit sa akin. Ayaw ko ng ganon.
"Good morning, miss beautiful." Napatingin ako sa likod ko ng may magsalita.
Napangiti ako ng makitang si Crakky ko. Nakatingin siya sa akin habang may ngiti sa nga labi niya.
Matagal tagal na din simula ng nagkita kaming dalawa.
"Hindi talaga ako nagkamaling maggrocery ngayon. Wala kasi si Mommy Aliyah sa school kahapon kaya si Crakky tinamad ng pumuntang school." Nakapout na sabi niya.
"Sira. May kinuha kasing magbabantay kay Hayen." Tumatawang sabi ko at tumingin sa mga delata.
"Ganoon ba? Ang seloso naman ni Daddy." Tumawa ito at sumabay sa akin. "Kamusta ka? Gusto mo bang mag coffee? Libre ko, don't worry mommy. Naghihintay akong magkwento ka." Nakangiti niyang sabi sa akin. "Pero bago 'yun mag grocery muna tayo." Sabi pa nito at kinindatan pa ako.
Napailing iling naman ako.
Napangiti.
Sa wakas may paglalabasan nanaman ako ng sama ng loob ko. Para hindi maipon, natatakot akong lamunin ako ng galit at pagkamuhi pag hindi ko malabas 'yung sakit.
"Salamat, Crakky. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." Nakangiti kong sabi sa kanya.
At least may nakakaintindi sa akin at gusto akong intindihin.
"Basta sa babaeng gusto ko, ayos lang"
- - - - -
Please READ, VOTE & COMMENT