Chapter 06

1729 Words
EnjoyReading:) Aliyah's POV Naglilinis ako sa sala dahil wala naman akong magawang iba dito sa bahay. Pumasok naman si Hayen sa school samantalang si Twain pumasok naman sa opisina. Tinotoo nga ni Twain na hindi na ako ang magbabantay kay Hayen sa school. Nakakasama ng loob kasi kahit papaano ay nakakalabas ako ng bahay. Si Manang Norma pala 'yung ginawang yaya ni Twain kay Hayen. Iniisip ko sobrang kulit ni Hayen baka hindi niya makaya ang anak ko, may edad pa naman si Manang Norma. Baka atakihin 'yun ng anong sakit dahil kay Hayen. Hindi pa nga pumayag si Hayen noong una pero kinausap naman namin siya ni Twain kaya kahit papaano ay ayos na sa kanya. Mas mabuti na din siguro para hindi na ako ang dahilan kung bakit kumakain siya ng ice cream. Sana hindi naman sumakit ang ulo ni Manang Norma. Naawa din ako sa kanya kasi may edad na. Dapat sa kanya nagpapahinga nalang sa bahay nila para hindi na mapagod. May nagdoorbell kaya nagmamadali akong lumbas para pagbuksan siya ng gate. Nakita ko si Daddy nasa labas siya. "Magandang umaga po. W-wala po sila Twain dito, hmm sa opisina niyo nalang po puntahan." Nakayukong sabi ko sa kanya. Si Twain naman lagi ang punta nila nukan ni Mommy dito sa bahay. Kung hindi si Twain ay makikipaglaro sila kay Hayen o may regalo sila para kay Hayen. "Hindi ako nandito para kay Twain." Sabi nito kaya napatingin ako sa kanya bago yumuko ulit. Ayaw kong mag-assume kasi masasaktan nanaman ako. Baka bumigat lalo 'yung dinadala kong sama ng loob. Baka si Hayen ang pinunta ni daddy dito kasi may mga paper bag siyang dala dala. "Si Hayen po nasa school pa po. Ahm, pasok muna po kayo." Pag aaya ko kay daddy. Pumasok na kami ni daddy sa loob ng bahay papunta sa sala. Agad akong lumapit sa mga gamit panglinis at ginilid 'yun. "Wala ba kayong katulong?" Tanong ni Daddy. Ako po 'yung katulong dito. "Kaya ko naman po. Tsaka may kinuha na si Twain para magbantay kay Hayen sa school." Sabi ko at umupo na sa tapat ng sofang inupuan ni Daddy. "Kamusta ka dito?" Tanong ni daddy. Nasa mga mata niya ang awa sa akin. Masaya akong concern siya sa akin. Anak niya naman ako kaya dapat lang naman na bigyan din nila ako ng atensyon na bumawi naman sila sa akin kahit na papaano. May nakikita din akong pagsisisi. Hindi ako pwedeng mag-assume. "A-ayos lang naman po ako. Hmm, ano pong gusto niyong inumin?" Tanong ko at ngumiti nalang. Yumuko naman siya at bumuntong hininga bago niya tinapik tapik 'yung tabi niya. "Tabi ka sakin may ibibigay ako." Sabi ng ama ko sa akin. Pero umiling ako at pilit na ngumiti. Madumi ako, amoy alikabok pa ako. Nakakahiya baka pagalitan niya ako. "Ahm, k-kasi po katatapos kong maglinis. Pawis, tsaka mabaho po ako. Ano po bang sasabihin niyo sa akin?" Kami lang namang dalawa ang meron dito sa bahay. Pwede naman niyang sabihin sa akin kahit malayo ako sa kanya. Ngayon palang nilalayo ko na talaga ang sarili ko sa mga magulang ko. Ayaw kong masaktan ng dahil sa kanila. Kasi kahit pagbaliktarin ang mundo, hindi nila ako kayang ilabas at hindi nila ako ilalabas sa ibang tao. Itatago nila ako hanggang sa mamatay ako. "Ayos lang 'yun may gusto lang akong ibigay sayo." Nakangiting sabi ni Daddy kaya wala akong nagawa kundi umupo sa tabi niya. May kinuha siya sa paperbag. Nanlaki 'yung mata ko ng nakita kung ano 'yun! Cellphone. Hindi ko alam pero nanubig ang gilid ng mga mata ko. Ito 'yung first time na magkakaroon ako ng cellphone dahil natatakot sila noon na gumawa ako ng account sa f*******: at malaman ang tunggol sa akin. Pero bakit binibigyan ako ni Daddy ng Cellphone? "Nagustuhan mo ba?" Tanong sa akin ni daddy at ngumiti sa akin. Ngumiti ako at hinawakan 'yung binigay niyang box. Maganda siya, matagal ko ng pangarap magkaroon ng cellphone. Kung anong pakiramdam ng may sariling gadget. "Salamat po dito." Nakangiting sabi ko. "Pangbawi lang sa lahat lahat ng pagkukulang namin ng momny mo." Napangiti ako dahil kahit minsan naisip din nilang bumawi. Si Daddy lang pala. "Salamat po talaga dito." Sabi ko at nakangiting nilabas 'yung phone na bigay ni daddy. "May sim tsaka may load nayan. Nakasave na ang number ko dyan." Nakangiting sabi nito kaya tumango ako. May magagamit na din ako sa wakas. Third Person's POV Gabi na nung nakauwi si Twain, pagparada niya ng kotse niya tinignan niya 'yung mga paperbag na binili niya para kay Aliyah Hindi niya alam pero gusto niyang makabawi. Kahapon niya lang naisip na masakit ang pinagdaanan ng dalaga. Itago at hindi ka ba naman pahalagahan ng mga magulang mo. Siguro kung siya 'yun ay mababaliw siya kakaisip kung bakit sa kanya nangyayari ang bagay na 'yun. Nang makapasok siya sa bahay nila ay nakita niya si Hayen na naglalaro sa sala habang nasa paboritong channel yung tv. "Good evening, daddy." Nakangiting pagbati sa kanya ng anak niya. Ang prinsepe niya at dahilan kung bakit lumalaban pa siyang mabuhay. Napangiti siya dahil kahit papaano hindi padin malayo ang loob sa kanya ng anak niya. "Nasaan si m-mommy mo anak?" Tanong niya kay Hayen na naglalaro padin sa sahig. "Baby, malamig 'yung tiles du'n ka sa sofa." Sabi niya at naglakad papuntang kusina para tignan kung nandu'n si Aliyah. Kaso wala du'n si Aliyah. Si Manang Norma ang nagluluto du'n. "Manang si A---" Napatigil siya sa pagsasalita. Hayila ang pagpapakilala niya kay Aliyah. "Si Hayila po? Nasaan 'yung asawa ko?" Tanong niya sa matanda. "Ah, nasa kwarto niyo po Sir." Sabi ni manang kaya tumaas siya para puntahan si Aliyah sa kwarto nila ni Hayila. Nakita niyang bukas yung Cr kaya du'n siya pumunta. Nakita niya si Aliyah na naglilinis ng kubeta. Makikita mo na ang pinagkaiba nilang dalawa ni Hayila. Si Hayila kasi maayos sa katawan. Bata siya noong nagkaroon sila ng relasyon pero makikita mo na agad na malinis at maarte ito sa katawan niya. Masyado itong maarte sa pangangatawan. Samantalang si Aliyah naman ay simple lang. Kung ano siya ng pagkatapos maligo. Ganoon siya hanggang sa pagtulog. Walang nilalagay sa muka na kahit na ano. Si Hayila ayaw niya ng matatamis samantalang si Aliyah gustong gusto. "A-aliyah." Tawag niya dito. Agad naman tumingin sa kanya si Aliyah. "A-ah, nandiyan ka na pala, Twain. Ah, sabi ni manang siya nalang ang magluluto. Hmm, magsashower ka ba? Sige, lalabas na muna ako." Sabi nito at nagmamadaling lumabas. Napailing nalang siya. "Sayo 'yang nasa paper bag." Sabi niya bago pumasok sa banyo kasi nakakaramdam siya ng hiya. Nanduon lang siya sa banyo. Nagshower nalang siya kaso hindi pala siya nakadala ng twalya. "Aliyah! Twalya nga!" Sigaw niya, bumukas naman 'yung pintuhan. May glass naman na naghihiwalay sa kubeta at bathtub sa shower. Sumilip siya at nakita niyang namumula ang pisngi ni Aliyah habang inaabot sa kanya 'yung twalya. Ewan niya kung bakit siya tumawa ng malakas pero napatigil din siya ng makitang gulat na gulat na nakatingin sa kanya si Aliyah. Nagtataka siguro kung bakit bigla bigla siyang tumawa. Siya din naman ay nagulat sa biglaan niyang pagtawa sa harapan pa ni Aliyah. Aliyah's POV Tumalikod ako kay Twain kasi tumatawa siya at nakatapis lang sa pang-ibaba. Baka magalit nanaman siya sa akin kaya tumalikod nalang ako at lumabas at umupo sa kama. Hinintay ko nalang siya. Napangiti ako sa binigay niya sa akin. Necklace Tsaka ice cream, tapos meron din matatamis na maliliit na candies. Napangiti ako dahil feel ko si Aliyah ako ngayon. Hindi ako nagpapanggap ng ibang tao. Ako si Aliyah. Nakikita niya ako bilang si Aliyah. "Nagustuhan mo ba?" Tanong sa akin ni Twain. Nagpapatawa ba siya? Syempre naman hindi ko mapigilan 'yung damdamin ko. Halo halo ang nararamdaman ko. Masaya Masayang masaya. Binigyan ako ng daddy ko tapos binigyan din ako ni Twain. Ang espesiyal naman ng araw na ito. Dalawang importanteng lalaki sa buhay ko. "Oo, salamat." Nakangiting sabi ko at nakatitig sa necklace na binigay niya sa akin. Na may pendand na Aliyah "Masayang masaya ako ngayon. Binigyan ako ng cellphone ni daddy kanina tapos binigyan mo ako nito." Nakangiting sabi ko habang titig na titig sa pendant. Aliyah Ako 'yun! Hindi 'Hayila', hindi ang kakambal ko! Kundi ako! Ako 'yun! Ako si Aliyah. May luhang kumawala sa mga mata ko na agad kong pinunasan. Biglang bumait sa akin si Twain. Kung ano man sana 'yung sumanib sa kanya ay 'wag ng lumabas. Sana lagi silang ganito ni Daddy. Gusto kong ganito siya sa akin hanggang sa dumating si Hayila. Gusto kong gumawa ng memorize kasama sila. Nagulat ako ng kunin sa akin ni Twain 'yung necklace at hinawi 'yung buhok ko paside. Nagukat ako sa ginawa niya. Napangiti ako dahil kinabit niya pala sa akin 'yung necklace. Nakasampa siya sa kama habang nakatapis padin ng twalya. "Beautiful." Sabi ni Twain bago inayos 'yung buhok ko. Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko. Umalis siya sa kama at pumunta sa harap ko kaya napatingala ako sa kanya para makita ang muka niya. Nakangiti siya sa akin. Nagulat ako ng tuyuin niya 'yung mga luha kong hindi ko alam na tumutulo na pala. 'Yung hinlalaki niya 'yung tumutuyo sa luha ko. Sana lagi siyang ganito. Kung si Twain lang pala ang tutuyo sa mga luha ko ay araw araw nalang akong iiyak. May kumatok kaya napatingin si Twain du'n pero ako nakatitig lang sa kanya habang tumutulo ang mga luha sa mga mata ko. "Sir, Maam, handa na po ang hapunan!" Sigaw ni Manang Norma. "Sunod na kami Manang!" Sigaw ni Twain bago tumingin sa akin. Napangiti ako sa kanya. Nagulat ako ng humalik siya sa noo ko. Hindi ko talaga alam kung bakit siya bigla bigla nalang bumait sa akin. Wala naman akong ginawa para maging ganito siya sa akin. Nananaginip lang ba ako? Kung magiging akin naman siya sa panaginip ay kahit hindi na ako magising. "Ayaw ko ng makita ang mga luhang 'yan sa mga mata mo sa susunod. Ayaw ko nadin makita 'yung takot sa mga mata po pag kasama mo ako. Sulitin natin 'yung natitirang panahon para maging masaya sa isa't isa. Tara na sa baba, kain na tayo." Twain... - - - - - Please READ, VOTE & COMMENT
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD