EnjoyReading:)
Aliyah's POV
Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto namin ni Twain. Tahimik lang siya kanina habang nagmamaneho pauwi. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin. Nakakagulat din dahil sumundo siya sa school ni Hayen.
Hindi naman siya nanunundo.
Syempre natatakot nanaman ako baka bugbugin nanaman niya ako.
Hanggang sa pag-uwi namin tahimik siya. Deretsyo siya dito sa kwarto namin habang ako binihisan ko si Hayen at nagluto pagkatapos.
Kumain nadin ako agad, hindi naman kasi ako sumasabay sa hapag kainan pag si Twain at Hayen na ang kumakain. Nawawalan ng gana si Twain. Hindi siya makakain ng maayos.
Ngayon hinihintay ko siya kasi nasa kwarto siya ni Hayen. Namimiss na siguro niya si Hayen kaya siya ang magpapatulog. Masaya din ako na kahit papaano ay bumabawi siya kay Hayen.
Madalas kasi ay pinapagalitan niya si Hayen pero alam ko naman na mahal niya 'yung bata.
Nahiga nalang ako sa kama at matutulog na. Pero kahit anong pilit kong matulog hindi ako makatulog.
Napapikit ako at nayakap ko ang sarili ko ng marinig ang pagbukas ng pinto. Binalot ko ang sarili ko ng comforter, iniisip ko na kaya akong protektahan nu'n. Siniksik ko 'yung sarili ko sa gilid ng kama.
"'Wag kang magtulog tulugan dyan. Makikipaglandian ka na ngalang sa harap pa ng anak ko." Sabi nito at naramdaman kong naupo siya sa kama dahil lumubog ito. "Get out, I don't want to see you here." Naiiritang sabi nito.
Napabuntong hininga naman ako.
Tumayo ako at nakayukong lumapit sa pintuan para umalis.
"Kukuha ako ng yaya ni Hayen. Hindi ka lalabas ng bahay kasi sisirain mo lang ang pangalan ko. Ang kati kati mo kasi." Malamig na sabi niya kaya napalunok ako.
Nanlaki 'yung mga mata ko.
"T-twain gusto kong ako 'yung magbabantay kay Hayen." Sabi ko at humarap para makita siya.
Masama ang tingin niya sa akin.
"Para ano? Para magkita kayo ng lalaki mo? Gusto mong magkita kayo? Umalis ka ng bahay ko! Umalis ka sa buhay namin ni Hayen. 'Yun lang ang paraan para magsama kayo ng lalaki mo. Bumalik ka sa pamilya mong ikinahihiya ka." Sabi nito at padabog na pumasok sa Cr.
Mapait akong ngumiti at lumabas na ng kwarto ni Twain. Tahimik lang akong bumaba para pumuntang sala. Du'n nalang ako matutulog malaki naman 'yung sofa.
Nang nakababa na ako binuksan ko 'yung tv para malibang ako kasi kapag tahimik maaalala ko 'yung mga sakit na iniisip ko. Ayaw ko munang umiyak ngayon.
Gusto ko namang ipahinga ang isip at mga mata ko.
Kahit ngayon lang hindi bumagsak ang mga luha sa mga mata ko. Gusto ko naman magpahinga sa sakit na nararamdaman ko.
Nanonood lang ako hindi ko namamalayan na umaga na. Hindi ako nakatulog dahil sa panonood ng tv.
Kahit na nanghihina ay pumunta ako sa kusina para magluto. Hindi naman yata ako papayagan ni Twain lumabas kaya pag wala siya matutulog nalang ako mamaya.
6 na ng umaga.
Mamaya maya bababa na si Twain para pumasok sa opisina niya. Si Hayen mamaya papasok din. Ewan ko kung ako padin ang magbabantay sa anak ko. Sabi kasi ni Twain na may magbabantay na kay Hayen.
Pagkatapos na pagkatapos kong maghain ng agahan. Naghintay lang ako na bumaba sila Twain.
Wala man lang ako cellphone. Naalala ko binigay pala sa akin ni Crakky 'yung calling card niya. Kaso wala akong cellphone kaya hindi ko tinanggap.
Parang 'yung sa mansion lang noon. Wala din akong cellphone. Nakikiheram lang ako kay Hayila ng tablet niya para makapaglaro.
Minsan nagdidrawing lang ako para may pagkaabalahan. Pero hindi naman hinayaan nila Daddy na wala akong napag-aralan kaya may nagtututor sa akin noon.
Kaya kahit papaano ay may alam naman ako.
May nagdoorbell kaya nagmamadali akong buksan. Nagulat ako ng makita si Daddy at Mommy sa labas ng gate namin. Hindi sila madalas pumunta dito.
Ngayon nalang sila dumalaw dito.
"Good morning po." Nakangiti kong sabi at pinapasok sila sa loob ng bahay.
"Ano ba naman 'yang itsura mo Aliyah!? Kumakain ka pa ba?" Iritang tanong ni mommy sa akin.
"O-opo." Sabi ko at pinaupo sila sa sofa ng makapasok kami sa sala.
"W-wait lang po gigisingin ko lang po si Twain." Sabi ko at nagmamadaling tumaas.
Si Twain o kaya si Hayen lang naman ang dahilan kung bakit dumadalaw dito.
Nang makapasok ako sa kwarto namin ay mahimbing na natutulog padin si Twain.
"T-twain, gising." Tawag ko kay Twain at niyugyog ng konti 'yung balikat niya.
"Hmm!" Ungol niya at tumalikod sa pwesto ko.
"Twain sila mommy nandito." Sabi ko sa kanya at niyugyog ko ulit siya.
Unti unti naman niyang minulat 'yung mga mata niya at bumalikwas ng upo.
"Anong sabi?! Nakita na ba nila si Hayila?! Uuwi na ba siya dito?!" Nakangiting tanong sa akin ni Twain.
Lagi naman 'yan ang iniisip ni Twain kapag dumadalaw sila Mommy dito.
Oo nga no, bakit hindi ko naisip na malaki ang posibleng na 'yun ang dahilan kung bakit nandito sila mommy. Hindi na sana ako nag assume na dinadalaw nila ako dito.
Hindi nga nila ako tinanong kung ayos lang ba ako dito, kung binubugbog o sinasaktan ako ni Twain.
"B-bumaba k-ka na lang, ikaw na magtanong." Tahimik na sabi ko sa kanya.
Nagmamadali naman siya tumayo at lumabas at iniwan ako dito sa loob.
Bumaba ako para silipin sila Twain sa sala kaso wala naman sila du'n. Kaya tahimik akong pumunta sa kusina at nakita ko nga silang kumakain du'n.
Hindi man lang ako inayang kumain.
Nagtago lang ako dahil baka paalisin din nila ako du'n dahil mag uusap usap sila.
"Dad, may balita na ba kayo kay Hayila?" Maririnig at mahahalata mo 'yung excitement sa boses ni Twain.
Paanong hindi? Eh mahal na mahal niya ang kakambal ko. Kahit kailan hindi nawala at hindi mawawala 'yun basta basta.
"Nagmessage sa akin sa social media si Hayila. Malapit na daw siyang umuwi." Masayang sabi ni mommy kay Twain. Si Daddy naman tahimik lang na kumakain.
Napatingin ulit ako kay Twain at Mommy.
Kita sila sa pwesto ko.
"Talaga, mom? Masaya akong malaman 'yun mom." Nakangiting sabi ni Twain habang kumakain.
Babalik na si Hayila. Malapit na.
Masayang masaya ang mga mata niya. Ngayon koang ulit nakita 'yung mga kislap ng kasiyahan sa mga mata ni Twain.
Kung hindi si Hayen, si Hayila lang ang nakakapagsaya kay Twain.
"Maraming salamat sa pag-aalaga sa anak ko." Sabi ni mommy at hinawakan ang kamay ni Twain.
Nagulat ako dahil sa sinabi ni Mommy.
Kahit papaano pala inaalala ako ni mommy. Nagpasalamat siya sa pag-aalaga sa akin ni Twain.
Kahit papaano ay sumaya ang puso ko.
"Maraming salamat dahil inaalagaan mo 'yung memorize niyo ni Hayila." Sabi ni mommy at ngumuti kay Twain.
Bigla nalang bumagsak ang luha sa mga mata ko. Nag-assume nanaman ako na ako 'yung tinutukoy ni mommy na inaalagaan ni Twain.
Grabe.
Pero hindi.
Si Hayila padin pala.
Siya naman lagi.
"Inaalagaan ka ba ni Aliyah dito? Pabigat at sakit ba siya sa ulo?" Tanong ni mommy kay Twain. Tuloy padin sa pagkain.
Pinipigilan kong mag-isip ng kung ano anong makakapanakit sa akin, emotionally. Kailangan kong tatagan para sa sarili ko. Babalik na si Hayila, maiiwan na akong mag isa.
Mababago nanaman lahat lahat.
"Opo mom. 'Wag po kayong mag-alala, masaya si Hayen pag kasama siya." Sabi ni Twain at pilit na ngumiti.
"Buti naman. 'Wag lang siyang magkakamaling agawin ka pag nandiyan na si Hayila. Inakit ka niya, hindi ko akalain na may anak akong kagaya niya." Sabi nito at tahimik lang si Twain dahil sa sinabi ni Mommy.
Nang humikbi ako ng mahina agad kong tinakpan yung bibig ko kasi ayaw kong makita nanaman nila akong mahina.
"Naku, iuuwi ko na si Aliyah pag dumating si Hayila. Naku, baka magalit 'yun pag nalaman niyang nandito si Aliyah para magpanggap bilang siya. Tapos may nangyari pa sa inyo." Sabi ni mommy. Kinakabahan na sabi ni Mommy.
"Manahimik ka na Heleya. Anak mo din si Aliyah." Sabi ni daddy. Malamig ang pagkakasuway niya kay Mommy.
Napangiti ako dahil kahit ngayon lang pinagtanggol ako ni daddy.
Siya lang ang kalaro ko minsan eh.
"Sana nga hindi ko nalang siya anak." Sabi ni mommy.
Tumingin ako kay daddy, nagulat ako ng nakatingin pala siya sa gawi ko. Nakikita ko 'yung awa sa mga mata niya.
Pilit lang akong ngumiti at tumalikod na para umalis. Pumunta ako sa taas at pumunta sa kwarto ni Hayen at du'n umiyak sa tabi niya.
Bakit ganito nangyayari sa akin?
Bakit sila pa ang naging magulang ko?
Kailan ito matitigil?!
"Malapit na akong umalis anak. Babalik na 'yung totoong mommy mo. Hindi ko alam kung kaya kong iwan ka. Kung kaya ko kayong iwan ng daddy mo." Umiiyak na pagkakausap ko kay Hayen kahit tulog pa siya.
Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang malakas na hikbi. Baka magising si Hayen.
Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas at kung saan pa kakapit para hindi sumuko at manumbat sa mga taong pilit akong hinihila pababa.
Hindi ko na alam.
Third Person's POV
Tumayo si Twain sa hapagkainan nagpaalam siya sa mga magulang ni Aliyah. Hindi niya matagalan ang pag-aaway ng mag asawa. Dahil sa mga anak ng dalawa.
Sinasakop siya ng kunsensya niya dahil sa pinaggagagawa niya kay Aliyah.
Narinig niya pang sumigaw ang ama ni Aliyah.
"Ang hirap sayo kasikatan mo lang ang gusto mo! Anak natin si Aliyah! Anak! Siguro oras na para ipakilala siya sa lahat!" Sigaw ng ama ni Aliyah.
"Ikaw ang nagkumbinsi sa akin noon na itago si Aliyah, ngayon panindigan mo 'yan!" Sigaw naman ng ina nila Aliyah.
"Maawa ka naman sa anak natin, Heleya. Narinig niya lahat ng pinagsasabi mo kay Twain kanina." Sabi nito na nagpalaki sa mga mata ni Twain.
Narinig ni Aliyah?!
Paano?
Naawa ako sa kanya.
Hindi deserve ni Aliyah ang mga magulang nito ngayon.
Napailing iling nalang si Twain dahil hindi naman siya pwedeng mangialam sa mag-asawa. Wala siya sa posisyon ng dalawa kaya hindi siya pwedeng mangialam.
Kasi unang una sa lahat ay wala naman siyang alam.
- - - - -
Please READ, VOTE & COMMENT