Chapter 23

2099 Words

Dumiretso ako sa kuwarto ko pagkapasok na pagkapasok ko ng apartment. Iyong dilaw na rosas na ibinigay sa akin ni Marion Devan kanina ay ipinatong ko sa katabing mesa ng aking higaan, malapit sa aking unan. Ngunit ang aking buong atensyon ay nanatiling nakapako sa kakaibang padala na nakasabit sa aming gate kanina. Nahiga ako sa aking kama bago huminga nang malalim habang nakatingin sa kisame. Hindi man ako sigurado sa aking nararamdaman ngayon, pero ganoon na lang ang tindi ng kabog ng aking dibdib dahil sa kahel na rosas na hawak ko ngayon sa aking kanang kamay. May maliit at nakatuping letter sa loob ng paper bag na agad ko namang kinuha bago ko tuluyang binuksan ang ilaw sa tabi ng higaan. Unang bumungad sa akin ang maayos na sulat ng pangalan ni Rehan doon sa papel, na nagbigay na n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD