“Si Rehan iyon, ‘di ba?” Mabilis pa sa alas-kwatrong napatakbo ako patungo sa pinto makaraang banggitin iyon ni Marion Devan. Halos matapon pa iyong aking malamig na inumin sa pagmamadali kong ipatong iyon sa ibabaw ng counter. Bakit? Bakit biglang ganito na lang kalakas ang reaksyon ng katawan ko sa tuwing naririnig ang pangalan ng lalaking iyon? I mean, pagkatapos niya akong pabaunan ng isang misteryosong orange rose kagabi at bigyan ng napakalaking palaisipan at isipin sa buhay, ay absent lang siya ngayon nang ganoon-ganoon na lang? Walang kahit anong text o paliwanag? At bakit siya lalakad nang palayo sa shop na tila ba isang estranghero? Oo, alam kong siya lang naman talaga ang magbibigay niyon sa akin sa gabi ng Valentine's. Kung hindi siya, sino pa ba ang may ganoong sulat-kamay

