“Hi,” maiksing tugon ko. I supposed she already have the idea why I am here. Ngumiti din ako nang bahagya. Alam niyang magkaibigan kami ni Marion Devan at hindi ako kailanman nakarinig ng masamang salita mula sa kaniya tuwing nababanggit ang kaniyang pangalan. She trusted Marion Devan and I admire her too for being kind and approachable. Kaya laking gulat ko na lang kung bakit may isang Evander sa eksena na nagpapadala ng masidhing liham ng pag-ibig. “Care to have some drinks with me?” paanyaya niya na dahan-dahan kong tinanguan. Medyo natuyo rin ang lalamunan ko sa biyahe at sa init ng panahon. Naupo kami sa isang bakal na table na nasa hardin nila. Presko rito dahil may malaking puno at iba't ibang uri ng halaman ang nakapaligid. Tumawag lamang ng isang kasambahay si Leticia upang ipa

