“Sino si Evander?” Parang hinahalo ang aking dibdib sa sobrang kaba nang mabanggit ko ang tanong na iyon. Parang tumigil ang mundo sa pagitan naming dalawa sa mismong bakuran ng kaniyang bahay. Ang maaliwalas na hangin sa hapon ay tila biglang naging mabigat. Natahimik siya ngunit bakas ang pagkagulat niya at pangangatal ng kaniyang mga labi. Ang kaniyang porselanang balat ay tila nawalan ng dugo habang nakatitig sa akin. “What?” she stuttered, halos pumiyok ang kaniyang boses sa matinding kaba. “Evander? I don’t know what you’re talking about. Mali siguro ang address nito.” The hell she lied to me. Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang pilit na pagtanggi, ngunit ang panginginig ng kaniyang mga daliri sa wrapper ng bulaklak ay nagkanulo sa kaniya. “Full address mo ang ibinigay niya sa

