Nang gabi din na iyon ay walang pag-aalinlangang nagdesisyon akong hanapin si Rehan. Ang bawat segundo mula nang marinig ko ang kwento ni Nanay Noemi tungkol sa dugong nakita niya sa palad ni Rehan ay parang unti-unting pumapatay sa akin sa kaba. Hindi ako makaupo, hindi ako makapagnilay-nilay nang maayos, at higit sa lahat, hindi ko kayang humiga lang sa kama at magpanggap na walang nangyari. Dala ang resumé na may picture niya ay dali-dali kong pinuntahan ang lugar kung saan siya nakatira. Kaya siguro maputla siya minsan? At palagi niyang sinasabing ayos lang siya kapag napapansin ko ito. Hays! Mapalad ako dahil hindi ganoon kalayo ang kaniyang tirahan sa aking flower shop. Kung susumahin ay labinlimang minuto lamang iyon kung gagamitin ko ang sasakyan ng shop. I have to find him. Kai

