Tahimik. Ni walang umimik sa aming dalawa ni Rehan habang nasa maliit na kusina ng shop at magkaharap sa mesa. May pritong galunggong na nakahain doon na ginawan niya ng toyo, kalamansi, sili na may kamatis bilang sawsawan. May ginisang munggo rin saka orange juice bilang panulak. Napasulyap ako sa kaniya habang tahimik siyang kumukuha ng kanin gamit ang sandok. Ni hindi ko na nga naamoy ang mga nakahain ngayon habang niluluto niya iyon kanina sa likod. Hindi ko alam na ganoon na pala ako kalutang dahil sa sunod-sunod na orders para sa Valentine’s Day rush. Infairness, lutong Pinoy ang lahat ng nakahain ngayon at talagang kuhang-kuha niya ang panlasa natin. Noong nakaraang araw kasi, nang magreklamo ako na gutom na ako pagkatapos ng maghapong pag-aayos ng mga bouquets, Samgyupsal ang ini

