Abot-abot ang naging pasasalamat sa akin ni Lola bago siya tuluyang umalis. Sa tindi ng aking pagkawindang at pagkalito dahil sa mga sunod-sunod na nangyari, hindi ko na nga nagawang itanong pa kung ano ang kaniyang pangalan o kung saan siya nakatira rito sa aming probinsya. Sa halip na singilin ko siya ng limampung piso para sa nag-iisang tuyot na rosas, pumili ako ng tatlong pinakamagagandang pulang rosas mula sa bagong dating na supply at maingat ko itong inayos sa kaniyang harapan. Nilagyan ko pa ito ng makapal na pulang satin ribbon, kaunting fillers, at isang munting greeting card kung saan nakasulat ang aking pirma at isang simpleng pagbati ng [Happy Valentine’s Day, Lola!] Pinagpapawisan pa nga ako nang malamig habang mabilis na pinuputol ang mga tangkay at itinatali ang laso kani

