
Labingwalong taong gulang na sina Dewei at Janistar noon at kapuwa sila first year college sa magkaparehong kurso. Si Dewei ay isang role model at hindi maikakailang may hitsura siya at matalino. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, siya pala ay isang single dad sa walong buwan na sanggol na babae.
Samantala, nasa unang trimester naman noon sa kaniyang lihim na pagbubuntis si Janistar nang mapansin iyon ni Dewei. Lihim niyang tinulungan ang kaklase hanggang sa mabuking sa buong campus ang pareho nilang sikreto.
