CHAPTER 8

1377 Words
-WILLIAM POV- Kinabukasan ay maaga akong nagising. gusto kung maaga ako maka punta sa bahay para mapag aralan ang pamamalakad sa kompanya ng aking ama. Naligo at nag palit ng damit bago lumabas ng kwarto. papuntang kusina para makapag luto ng sariling umagahan. wala akong katulong kaya ako nag luluto para sa sarili ko. Nasanay na akong mag isa, at maging independent para sa sarili ayokong umasa sa katulong namin sa bahay. Minsan nag papadala ang aking ina ng mag lilinis dito sa condo dalawang beses sa isang linggo. Kapag nandito na man si Veron ay ako na ang gumagawa ng lahat. ayoko itong mapagod, Pinag luluto ko ito at pinag sisilbihan gusto ko pag mag asawa na kami ay ako mismo mag aasikaso dito. I love her, at ilang beses na din may nangyari sa amin. pero aaminin ko na hindi ako ang nakauna sa buhay nya. she explain about her past boyfriend. Naunawaan ko naman dahil na ngingibabaw ang pag mamahal ko dito. Wala na itong mga magulang they died after the car accident. mag kaibigan palang kaming dalawa noong college ng mangyari ang pag kawala ng mga magulang nito. I promised at her parents grave na aalagaan ko sya. Ilang buwan ko rin syang niligawan bago nya ako sinagot, mag ka klase kaming dalawa noong college. sinasabi nga ng iba na from best friend to boyfriend. Naging popular ito sa campos dahil sa ganda nito at laging sumasali sa pageant. hanggang sa makapag tapos kaming dalawa, may kumuha sa kanya na isang modeling company. pinayagan ko sya dahil ito ang pangarap nito ang maging isang modelo., ************ Ilang sandali ay natapos ko ang niluluto kung friedrice and bacon inilagay ito sa table nag timpla na din ako mg kape bago kumain. ng makatapos iniligpit ko ang pinag kainan ko at bumalik sa kwarto. tatawag muna ako kay dad para sabihing maaga ako pupunta don. Pag katapos ay inihanda ko ang aking dadalhin. doon na muna ako matutulog sa bahay habang pinapag aralan ko ang lahat. ******************* -DON ALEJANDRO POV- "Hello Ale!, pumayag na ang pamangkin ko, bukas ng umaga ang flight nya pa punta dyan sa Pilipinas, Ikaw na ang bahalang mag paliwanag sa kanya pag dating dyan." saad ng nasa kabilang linya. "Maraming salamat kompadre!, Anung oras ang flight nya?". tanong ko. "Para maaga kong ipapasundo sa assistant ko bukas?." "She was there at the airport before two in the afternoon. i send her picture after this call." anito "And— please keep her idintity to the other person." "Okay i promise! na walang makaka alam nito kundi ako lang at ang assistant ko!." pangako ko dito. "Be a man of your word ale!?" may diin ang boses sa sinabi nito. "Kilala mo ako Connan." Natapos ang usapan naming dalawa, ilang sandali lang ay tumunog ang selpon ko isang message ang dumating. Binuksan ko ito tumambad sa akin ang isang picture. A young and beautiful lady! naka suot ito ng all black at itim na sumbrero. may hawak itong baril sa kaliwang bahagi ng kamay nito. Tiningnan kong mabuti ang mukha nya. napa kunot nuo ako ng makita ito parang may kamukha ito hindi ko pang maalala kung saan. Pero impossible ang iniisip ko dahil walang may na ikwento sa akin si Connan..Isang ngiti ang sumilay sa labi nito. ********** Pag katapos namin mag usap ng kaibigan ko, tumawag naman si william darating daw ito ng maaga. nasisiyahan ako dahil alam ko na interisado sya para sa company., Agad kong tinawagan ang assistant kung si Emmit para pumunta dito ng maaga. Habang hinihintay ito ay tiningnan ko ang naka patong na papel sa table ko mga proposal ito mula sa iba't ibang kompanya. pinag aralan at binasa ko muna. ilang sandali ay narinig ko ang katok mula sa labas. "Pasok" bumukas ito. "Good morning Mr. De Guzman!" bati ng assistant ko. umangat ang tingin ko mula sa pag kakayuko. "Maupo ka muna Emmit." Tumayo ako sa aking upuan para kunin ang isang kahon na nag lalaman ng lahat ng mahalagang files ng kompanya ipinatong ko sa ibabaw ng table. "Nandito lahat ng mga kailangan na dokomento kakailanganin para sa pag aaralan ni william ikaw na ang bahalang mag sabi sa kanya isa isa." sabi ko. "Turuan mo syang mabuti." "Makaka asa kayo Mr. De Guzman." "Maiwan na muna kita dito. Kailangan kung pumasok sa opisina, hintayin mo nalang si William." paalam ko dito, Malapit na ako sa pinto ng may na alala akong sabihin, nilingon ko ito. "Ah! Emmit" tawag ko. tumingin ito sa akin. "Pwede bang sunduin mo bukas ng hapon ang pamangkin ni connan sa airport. iwanan mo na muna bukas dito si William. before two o'clock kailangan nandon kana." paliwanag ko dito. "Masusunod sir!" Tuluyan na akong lumabas ng Library. ************ Kakapatay lang ng makina ng sasakyan ni William ng makita ang ama na nasa harap ng pinto,kasama ang kanyang ina, paalis ng bahay at papasok sa opisina. agad sya bumaba para lapitan. "Dad!!, Mom!!" tawag nito sa dalawa. "Are you leaving dad?" tanong nito. "Yeah!, nasa Library na si Emmit at hinintay ka, Goodluck son!" tinapik tapik ang balikat ng anak. "Aalis na ako." tumingin ito sa asawa. at humalik, nag lakad na ito patungo sa sasakyan na nag hihintay. "Halika sa loob iho!, mag almusal ka muna bago ka umakyat sa taas!" anyaya ng ina nya. pag kaalis ng kanyang ama. "Hindi na mom!, naka pag almusal na ako bago pumunta dito." umiling iling sa sabi nito. Pumasok na silang dalawa sa loob ng bahay. "Sige, dadalhan ko nalang kayo ng meryenda mamaya!" sabi ng ginang. alam nitong nag luluto anak sa sariling condo. "Akyat na muna ako sa itaas." Paalam nito. nakangiting tumungo nalang ang ina. ****** —Library— Makalipas ang ilang oras na pag tuturo sa akin ni Emmit nag pahinga muna kami. nakatingin parin ako sa papel na nasa mesa ni dad, marami rami pa itong kailangan na pag aralan ko, sa dami ng branch na kompanya namin. mapa hotel, car's company, ilang mall at restaurant din, hindi ko akalain na ganito ka stress ang trabaho ng aking ama. Nakaramdam ako ng awa para dito, sya lahat ang gumagawa nito. kahit mga problema ng kompanya sya ang sumasalo nito., buti nalang nandyan si Emmit para tulungan ito. Gusto kong mag pasalamat sa kanya. Mag gagabi na ng matapos namin ang ibang dokomento. pagod kong isinandal ang katawan ko sa sofa ng kwarto. "Mr. De Guzman, hindi po ako maka karating bukas." saad nito. tiningnan ko sya. "iiwanan ko lang po yung mga dapat pa ninyong pag aralan na file." I nod him. "Paki iwanan nalang mamaya ang file dyan sa table ni Dad." Ilang sandali ay nag paalam na ito. inaalok ko sanang dito na kumain ng hapunan pero tumanggi sya.. sa labas nalang daw kakain, napangiti ako, siguro may date ito. binata pa si Emmit matagal na itong naninilbihan bilang assistant sa ama nya. *** Kumakain kaming tatlo ng aking ina at si bryan ng dumating si dad. "Ale! halika na dito para makakain ka." tawag ni mommy dito. Lumapit ito sa amin saka umupo sa tabi nito. Masaya kaming kumain. "kamusta ang mag hapon ninyo ni Emmit iho!?" tumingin ito sa gawi ko. *************** —Airport.– Wala pang ala una ay nasa airport na ako para hintayin ang pag dating ng pina pasundong tao ni Mr. De Guzman, hindi baling sya ang mag hintay. Tiningnan kung muli ang binigay na picture ng babae. Ibibigay ito ni sir Alejandro para ma kilala ko. Hindi ko mapigilan humanga sa ganda niya. Hindi mo akalain na hindi sya isang ordinaryong babae lang sa hitsura nito. Tumingin ako sa relo ko na pambisig, siguro ay maya maya pa ito darating., lalabas muna ako't kakain kuma kalam na ang sikmura ko di pa ako naka pag tanghalian. sakay ng kotse pumunta ako sa malapit na restaurant. 10 minutes before one o'clock kaya may oras pa akong kumain, pag dating ko ay pumasok na ako sa loob. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng restaurant upang humanap ng mauupuan, ng makita ko ang isang bakanteng table ay lumapit ako dito at kampanteng na upo. tumingin muna ako ng menu na nasa ibabaw ng mesa bago umorder.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD