NAPALUHA si Barbara. “Mama, please, hindi kita gustong paiyakin,” alo ni Hector dito. “Alam ko namang masasaktan ka kaya lang ay maintindihan mo rin sana ako. Hindi naman dahil pinapahanap ko kung sino ang magulang ko ay kakalimutan ko na kayo. Malaki ang utang-na-loob ko sa inyo ni Papa, Mama. Dahil sa inyo kaya natikman ko kung paano magkaroon uli ng isang magulang. At binigyan ninyo rin ako ng maayos na kinabukasan. Mahal ko kayo, Mama.” “Mahal din kita, Matt. Itinuring kitang tunay na anak ko,” humihikbing sabi nito. “Pero hindi nga kita mapipigilan sa gusto mong gawin. Malaki ka na. Isa pa ay karapatan mo ring gawin iyan.” “Salamat, Ma.” Malungkot itong ngumiti. “Magpapakasal na kami ni Raf. Unfair sa iyo na pigilan kita sa bagay na iyan gayong maligaya ako kay Raf. Alam kong lubo

