“HECTOR ang natatandaan kong pangalan ko. Siguro, iyon naman ang talagang pangalan ko kaya lang ay hindi ko na matandaan ang apelyido ko. May bahagi ng memorya ko na hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik. Kahit anong gawin ko ay wala akong maalala. Sumasakit lang ang ulo ko. “Noong bago pa lang ako sa ampunan ay madalas akong managinip. Naglalaro daw ako ng holen sa harap ng bahay namin nang dukutin ako. Malamang nga ay kidnap victim ako. Hindi ko nga lang matandaan kung paanong napunta ako sa La Casa. Sabi ni Nate, natagpuan niya akong nakahandusay sa bangketa ng ampunan at mataas na mataas ang lagnat ko. Nang magkamalay ako, hindi ko masabi kung sino ako at kung saan ako galing,” mahabang kuwento niya sa PI na kaharap niya. “Birthday mo, hindi mo rin natatandaan?” Umiling siya. “Sampu

