26

1262 Words

KUNG NAGING babae si Nate at magkakaedad ito, alam na ngayon ni Hector kung ano ang magiging itsura ng kaibigan. Kamukha ni Nate ang ina nito na mainit na umeestima sa kanila. It was an intimate party. Silang anim na magkakaibigan ay kumpletong naroroon. At gaya ng inaasahan ay siya lang ang walang partner. Kanina ay naisip niyang isama doon si Irene tutal ay panahon na rin upang makilala nito ang mga tunay niyang kaibigan. Pero nang maalala niya na mayroon pa silang pag-uusapan ni Nate, naisip niyang sa ibang pagkakataon na lang niya ipapakilala si Irene sa mga ito. Baka mabigla si Irene kung malalaman nito sa okasyong iyon ang pagiging ampon niya. Mas tama sigurong sabihin niya iyon sa girlfriend nang sarilinan. Dahil siguro sa wala siyang partner ay siya ang mas naging kausap ng in

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD