TUNAY na naging mapagmahal at mabuting ama si Greg sa kanilang anak. He was so proud of their son. Hindi pa man ito naipapanganak ay binigyan na ito ni Greg ng pagalan. Greg Junior. Tila tiyak na tiyak itong lalaki ang magiging anak. They fondly called him Greggie. Lumaki si Greggie na busog sa lahat ng bagay lalong-lalo na ng pagmamahal. Wala itong naranasang anumang kalupitan. Everyone was protected of him. Literal na hindi pinadapuan sa lamok ang kanyang anak. Kung maaaari lang na angkinin ni Liciada ang apo ay ginawa na nito. She was so engrossed of Greggie. Kaya ganoon na lang ang lungkot ng kanyang mama nang kailanganin nilang tumira sa Nueva Ecija. Isang malaking hardware at construction supply ang sinimulan ng mga magulang ni Greg doon at kailangan nito ng tulong ng lalaki. Apat

