ILANG sandali na nakadagan lang si Hector kay Gemma, habol ang kanyang paghinga. His heart was beating fast. At sa buong katawan niya ay ramdam pa niya ang labis na kaligayahang nadama.
Lord, it was his very first time. And it was such a very delicious first time.
Pumikit siya at ninamnam pa ang sensasyong nadarama.
Nagitla pa siya nang maramdamang itinutulak siya ni Gemma. Bahagya siyang umangat. “Bakit?” tanong niya na muntik pang mapapiyok. Tila hindi niya tinig ang narinig. It seemed his voice was also affected in having such a powerful c****x.
“Mabigat ka, eh.”
Napatawa siya nang mahina at umusod sa tabi nito. Hindi siya humiwalay ng hawak sa dalaga. Yakap pa rin niya ito sa bewang at humilig siya dito.
“I love you, Gem,” deklara niya. God, he indeed loved her more now. They shared a very special experience. It was both their first time and it was wonderful. “Masakit pa ba, Gem?” he asked her softly.
“Medyo.”
“Galit ka ba?”
Umiling ito. “Bakit naman ako magagalit?”
“Nasaktan ka, eh. Saka baka sabihin mong pinilit kita.”
“Matt, I love you too. I wanted it too.” At pagkuwa ay ngumiti ito. “Sina Jillian nga, dati pa itong ginagawa. Ang dami nilang kinukuwento sa akin. I thought this was gross. But I found otherwise now.” At nauwi sa paghagikgik ang ngiti nito.
Maluwang ang ngiting gumuhit sa mga labi niya. “Talking from first-hand experience now?” tudyo niya.
Tinampal siya nito nang mahina. “Ano iyan?” tanong nito at sinalat ang keloidal scar niya sa bandang kilikili.
“Peklat,” kaswal na sagot niya. “Pangit, ‘no?”
“Napaano iyan?”
“Ewan ko. Hindi ko na matandaan.”
Totoong hindi na niya matandaan kung saan niya nakuha ang peklat na iyon. Noong bago siya sa La Casa De Amor ay tinatanong din siya ng mga kaibigan tungkol doon pero hindi siya makasagot. Hindi niya matandaan kung peklat na niya iyon bago siya kinidnap o naging peklat na lang niya iyon nang kidnapin na siya.
Sinalat pa ni Gemma ang peklat niya. “Look. Parang bakas ng daliri. Siguro hinawakan ka diyan.”
“Malamang.” Marahang pinalis niya ang kamay nito at niyakap ito. “I love you,” he said again. At tiyak niya ngayong ulit-ulitin man niya ang salitang iyon ay hindi siya magsasawa.
“I love you, too, Matt.”
He embraced her. Sasabihin na niya kay Gemma ang tungkol sa kanya. Malamang ay mas magiging masarap sa pandinig niya kung tatawagin siya nitong Hector. But he would wait for some time more. Masarap sa pakiramdam na ganoon lang ang ayos nila. Magkayakap, kuntentong-kuntento.
Mayamaya ay umisod palayo sa kanya si Gemma. Halos awtomatiko ang pagkabig niya dito. Anhin na lang niya ay huwag silang magkahiwalay kahit sa maliit na distansya lang. subalit mabilis nang bumaba ng kama si Gemma hila ang kumot upang ipantabing sa katawan.
“Saan ka pupunta?”
“Magsi-CR lang ako.”
Mabilis siyang kumilos. “Samahan kita.”
Bumungisngis si Gemma. “Ayoko nga. Diyan ka na lang.”
Pero tila wala siyang narinig. Nakaibis na siya ng kama at balewalang humarap dito nang walang anumang saplot.
“Matt! Nakahubo ka,” tila manghang tili ni Gemma.
Siya naman ang natawa sa pagkakataong iyon. “Pareho lang tayo. Ikaw din naman, ah.” At walang babala na hinila niya ang kumot na nakabalabal dito.
“Matt!” tili nbg dalaga. Tinangka nitong bawiin sa kanya ang kumot subalit initsa niya iyon sa bandang likuran niya. At nang doon na papunta si Gemma ay sinaklit niya ito sa bewang. Isang hakbang lang at nasa kama na sila uli.
Nagwawala pa rin si Gemma. Tumitili ito na humahagikgik. And he was echoing his laughter too. Parang musika sa silid na iyon ang magkahalong tawa nila.
But laughter faded after a while. Kapwa nauwi sa pananahimik nila ang mataginting na tawa. Then his hands roamed her body again.
“Gem, I want you again.”
Namungay ang mga mata ni Gemma. At nang ito ang yumuko sa kanya upang halikan siya ay mariin siyang gumanti ng halik. They spent the next minutes exploring each other’s body again.
NAGISING si Hector na magkayakap sila ni Gemma. They were still both naked. Sa tabi niya ay mahimbing na mahimbing pa rin ang dalaga. Masuyong pinagmasdan niya ito. She was so beautiful. And he was so in love with her.
Napakasarap sa pakiramdam ang ganitong pagkakataon na magkasama lang sila. And they made love, isang kilos na nagpalalim ng husto sa pag-ibig nila sa isa’t isa. Alam niya isang malaking hakbang din iyon sa estado ng relasyon nila. At isinumpa niya sa sariling gagawin niya ang lahat upang maging matibay ang pagsasama nila.
Isang paghinga ang pinakawalan niya.
Sa ayaw man niya o sa gusto ay haharap sila sa reyalidad. Tiyak na haharapin niya ang galit ng mama ni Gemma. Kinakabahan siya pero alam niyang paninindigan niya ang ginawa niya. Tiyak na mabibigla ang mga magulang niya sa pagtatanan nila pero alam niyang mauunawaan din siya ng ito.
Napakunot ang noo niya nang maramdaman ang pag-ingit ng gate. Mabilis siyang bumangon at sumilip sa bintana. Ang kanyang mama. Napapalatak si Hector nang maalalang hindi pala niya naikandadong muli ang gate. Dinampot niya ang mga damit niya at mabilis na nagbihis. Nagpapantalon pa lang siya ay narinig na niya ang bahagyang pagkatok sa likurang pinto.
“Anak, alam kong nandiyan ka. Buksan mo ito,” utos nito.
Huminga siya nang malalim. Naiinis siya dahil bigla na lang siyang kinabahan. Pakiramdam niya ay hindi siya makakapag-isip nang matino kapag ganoong tila tinatambol ang kanyang dibdib sa labis na kaba.
Bago lumabas ng silid ay nilingon niya si Gemma. Nag-iwan siya ng piping pangako sa natutulog na dalaga na hindi niya ito pababayaan.
Walang kibong binuksan niya ang pinto. Hindi na siya nagulat nang sa pinto sa kusina kumatok ang kanyang mama. Nasanay na silang doon ang daan nila basta nagpupunta sa bahay na iyon.
Tiningnan siya ni Barbara bago ito lumagpas at pinindot ang ilaw. “Sabi ko na nga ba, nandito ka, eh. Wala sa sabitan ang susi nitong bahay. Bakit hindi ka magsindi ng ilaw? May itinatago ka ba?” sabi nito at tinitigan siya nang makahulugan.
Tumingin siya dito ng deretso at pagkuwan ay nagbaba din ng tingin. “Nagtanan kami ni Gemma, Ma.”
Hindi niya naringgan ng anumang reaksyon si Barbara. Hinila nito ang dining chair at naupo doon. “Nasaan siya?” mahinahong wika nito.
“Nasa kuwarto. Tulog.”
“Maupo ka, Matt. Mag-usap tayo.”
Walang iniwan sa isang maamong tupa na tumalima siya. Naupo siya sa harap ng kanyang mama.
“Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng ginawa mo?” tanong agad nito.
“Ma, paghihiwalayin kami ng mama ni Gemma. Ayaw niya sa akin dahil ibang lalaki ang gusto niya para kay Gemma. Hindi tayo kasing-yaman nila.”
“Kaya naisip mong magtanan na lang kayo?”
Marahan siyang tumango.
“Sa palagay mo ba, kapag nagtanan kayo, magugustuhan ka ng mama niya—”
“Ma, ayaw naming magkahiwalay. Hindi ko naman pinilit si Gemma. Pareho naming gusto ang ganito.”
“Kaya mo na ba siyang buhayin?” Bahagyang tumaas ang tinig nito. “Nag-aaral pa kayo, anong kinabukasan ang maibibigay mo sa inyong dalawa. Naitanong mo na ba iyan sa sarili mo, Matt, bago ka nagdesisyong magtanan kayo?”
“Magtatrabaho ako, Ma. Kaya kong mag-working student.”
“Sapat ba iyon para makapagpatuloy kayong mag-aral pareho? Anong klaseng trabaho ang papasukan mo? Hindi ka pa tapos ng pag-aaral. Kung sa fastfood ka lang mamamasukan ay hindi kayo mabubuhay ng maayos.”
“Ma, alam naman naming magsasakripisyo kami. Pero gusto namin ito kesda magkahiwalay kami.”
“Paano kung bitawan ka namin? Paano kung hindi ka namin tulungan?” hamon nito.
“Ma, please. Intindihin ninyo naman kami.”
Napailing ito. “Nagagalit ang papa mo, Matt. Hindi niya nagustuhan itong ginawa mo. At ako man, hindi ko kukunsintihin ang ganito.” Nangislap ang luha nito. “Marami kaming pangarap para sa iyo, Matt. Gusto naming makatapos ka ng pag-aaral. Gusto naming magkaroon ka ng magandang trabaho at maliwanag na kinabukasan. Bakit kailangang magtanan ka? Sinasayang mo ang pagkakataon mong makapag-aral nang maayos.”
Nagtagis ang mga bagang niya. Hindi siya sanay na sinusumbatan. Hindi siya sanay na napagsasabihan ni Barbara. She was always sweet to him, always loving.
“Ma, bibitawan ninyo ba ako sa ere?” masama ang loob na tanong niya.
Tumigas ang anyo ni Barbara. “Punyeta, Matt!” pigil ang pagtaas ng tinig nito. “Ano ang inaasahan mo, ang kunsintihin ka? Alam mo ba kung gaano kabigat na responsibilidad ang haharapin mo kapag nag-asawa ka nang hindi ka handa?”
“Mahal ko siya. Nagmamahalan kami. Ayaw naming magkahiwalay, bakit hindi ninyo kami maintindihan?” galit din ang tinig niya.
“Padalos-dalos ka sa pagdedesisyon mo. Hindi puwedeng puro emosyon lang ang paiiralin. Hindi kayo mabubuhay ng puro pagmamahalan lang.”
“Kaya nga magtatrabaho naman ako, eh,” giit niya.
Bumunot ng paghinga si Barbara. Nang magsalita ito ay mahinahon na uli. “Galing sa bahay si George. May problema daw sa eskuwelahan ninyo. Nagwawala daw doon ang mama ni Gemma dahil hindi makita ang anak niya. At dahil nawawala ka rin, kinutuban sila na kayo ang magkasama. Pilit daw pinapaamin sina Jillian at Kaye kung mag-ano ba kayong talaga ni Gemma. Noong umuwi ako, sabi ng kapitbahay ay natanawan kang bumaba ng taxi. Dumating ka na may kasama. Matt, nakita ko pa sa lababo ang pinagkainan ninyo kaya naniniwala akong may kasama ka nga. At itinago mo pa rito.”
“Natakot si Gemma na masundan siya ng mama niya sa bahay natin.”
“Sa palagay mo ba ay hindi kayo masusundan dito? Nasa bahay ang mama ni Gemma. Hinahanap kayong dalawa.”
Natigilan siya. “Nahanap na kami agad?”
“Siyempre, ikaw ang iisipin nilang kasama ni Gemma dahil wala ka rin sa eskuwelahan. Kausap ng mama niya ang papa mo. Itinatanggi naming magkasama kayo. Nagpunta na ako agad dito para pauwiin ka. Tara na, Matt. Makipag-usap ka nang maayos sa mama niya.”
“Paano si Gemma?” kunot ang noong sabi niya.
“Isoli mo na siya sa mama niya, Matt,” malumanay subalit may awtoridad ang utos ni Barbara. “Walang mangyayari sa pagtatanan ninyo. Masisira lang pareho ang kinabukasan ninyo.”