17

1571 Words
Kasalukuyan… Until now, he couldn’t forget that look in her eyes. Alam ni Hector na puno ng galit at panunumbat ang titig na iyon. At hindi naman niya masisisi si Gemma. He wished he had the chance to explain to her. Pero paano siya magkakaroon ng pagkakataon kung iyon na rin ang huling kita niya sa dalaga? Hindi na muling pumasok sa eskuwela si Gemma. Kahit sina Jillian at Kaye ay hindi na rin nakita si Gemma. Ang tanging balita na nasabi sa kanya ng dalawa ay nagbakasyon ito at ang ina sa Bataan. Kung saan doon ay hindi rin malaman ng dalawa. He was hurting. Halos isang buong semestre na wala siyang gana na makipagkaibigan. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa relasyon nina Jillian at Rainier; at nina George at Kaye. Wala siyang interes sa kahit na anong bagay—maliban lamang sa kanyang mga leksyon. May ilang pagkakataon na ang mga kaibigan niya sa ampunan ang hinahanap niya. Pero masyado silang malayo sa isa’t isa at tanging sulat lang ang kanilang komunikasyon. At dahil si Nate ang pinakamalapit sa kanya, ilang beses ding isinulat niya ang nangyari sa kanya upang ihinga ang bigat ng kanyang dibdib. Subalit bumalik ang sulat niya at nalaman na lang niya na lumabas na rin ng ampunan si Nathaniel. Nag-alala siya para sa kaibigan. Sa kanilang anim ay si Nate lang ang walang nag-ampon. Lumabas ito ng La Casa sapagkat nasa hustong edad na ito upang lisanin ang ampunan. Gusto man niyang hanapin ito ay wala siyang pagkakataon. Prayoridad niya ang kanyang pag-aaral hindi lang para sa kanyang sarili kundi upang makabawi siya sa kasalanan niya kina Timoteo at Barbara. Sa ginawa niyang iyon ay ilang panahon na naging malamig sa kanya ang kanyang papa. Hindi siya nito kinakausap puwera na lang kung kukumustahin nito ang kanyang pag-aaral. At ang alam niyang kahulugan niyon ay ang pagbutihin niya ang pag-aaral. Unti-unti ay naintindihan din niya ang punto ng mga magulang kaya sa pamamagitan man lang ng matataas na grado ay makabawi siya. Napahiya siya. Pero higit siyang napahiya sa kanyang sarili at kay Gemma. Naisip niyang masyado ngang mabilis ang kanyang pasya. But he couldn’t undo what has already been done. Ni hindi na nga niya makita si Gemma. God, he missed her so much. At kahit ito nakikita ay lalo naman niyang nararamdaman na mahal niya ito. Sa kabila ng pagseseryoso niya sa pag-aaral ay nagtangka siyang hanapin si Gemma. Subalit wala siyang mahanap na balita man lang tungkol dito. Matatapos na ang semestre nang ihatid sa kanya ni Jillian ang masamang balita. Nag-asawa na daw si Gemma. “Jill, ayoko ng ganyang biro,” mapanganib ang tono niya. Kung lalaki lang si Jillian ay malamang sigurong nasuntok na niya. “Matt, hindi ako magbibiro sa iyo. Alam ko naman ang nararamdaman mo para kay Gemma,” seryosong sabi nito. “Nag-asawa na siya. Totoo. Ikinasal na sila ni Greg.” At buhat sa bag nito at inilabas ang isang diyaryo. Sa society page niyon ay ang larawan nina Greg at Gemma na bagong kasal. The wedding took place in Olongapo City. At ang handaan ay ginanap sa isang hotel sa loob ng SBMA. Hindi na niya nagawang basahin ang iba pang detalye. And natatandaan niya ay ang paglamukos niya ng diyaryong iyon. Tumatanggi ang puso niya sa nakita pero isip niya ang nagdikta sa kanyang si Gemma nga ang nasa larawan. At ang mas masakit ay ang anyo ni Gemma. She was so beautiful in her wedding gown. And she was smiling! Tila tuwang-tuwa ito na ikinasal na. Tinalikuran niya si Jillian. At hindi pa man siya ganap na nakakalayo ay tumulo na ang luha niya. He was hurting with so much pain. He wanted to curse the world. MAGPAHANGGANG sa ngayon ay nararamdaman pa rin ni Hector ang kirot ng kanilang paghihiwalay. Ang ideyang nag-asawa na si Gemma ay lalong masakit. Subalit sa paglipas ng mga taon, maski paano ay nagagawa na lang niyang idaan sa pagbuntong-hininga ang sakit na iyon lalo at ang laging ipinapaalala niya sa kanyang sarili ay ang pagkakangiti ni Gemma nang ikasal ito. Ibig sabihin ay kinalimutan na rin siya ni Gemma. He had wanted to move on dahil na rin sa payo sa kanya ni Barbara. Nang sabihin niya dito na nabalitaan niyang nag-asawa na si Gemma, ibinukas nito ang mga mata niya na hindi lahat ng unang relasyon ay nauuwi sa habang buhay. Hindi madaling tanggapin iyon pero unti-unti ay nakita niyang totoo iyon. Maraming babaeng nagdaan pagkatapos ni Gemma. Pero hindi niya naramdaman isa man sa mga babaeng iyon ang tindi ng pag-ibig na iniukol niya kay Gemma. And he knew why, Gemma was his first and only true love. Hindi niya mababago ang bagay na iyon. At wala rin naman siyang balak na baguhin kahit na nasaktan pa siya. Gemma would always hold a special part of his heart. Irene was a different story. Palagi silang magkasama sa trabaho. Naging attracted sila sa isa’t isa. Hindi niya pormal na niligawan ito pero dumating ang panahong masyado na silang malapit sa isa’t isa. Magkasundo naman sila sa maraming bagay. Minsan, naiisip niyang si Irene na nga siguro ang pakakasalan niya. Ginulantang ang pag-iisip niya ng pagkatok ni Barbara. “Anak, nakahain na ang hapunan.” “Lalabas na ko, Ma,” malakas na sagot niya. “Where is the special man?” tudyo niya sa ina nang nakababa na siya. Deretso siyang naupo sa dining chair. Pawang paborito niyang putahe ang nakahain doon. Napabungisngis si Barbara. “Parating pa lang iyon. Kate-text lang. On the way na daw siya.” “Dalian niya. Gutom na ako,” eksaheradong sabi niya. “Kumain ka na kung gusto mo,” tila nag-alala namang sagot ni Barbara, “baka na-traffic pa iyon.” Ngumiti siya. “Just joking. Ma, what should I expect of him? Nakakalbo? Malaki ang tiyan? n***o?” Tumawa ito. “None of the above. Hindi ko na lang sasagutin ang tanong mo at baka sabihin mong exaggerated pa ang sagot ko. Just wait and see.” “Pa-suspense ka pa, Ma,” tudyo niya dito. Kumuha siya ng isang camaron rebusado. Especialty iyon ng kanyang mama at gustong-gusto niya. He liked the crispiness of its breading. At espesyal din ang sawsawan niyon. “Ma, ano ang tawag niya sa iyo? Barbie?” “Heh!” nakatawang singhal nito sa kanya. “Barbara ako kahit kanino. Bakit ako magpapatawag ng barbie? Ano ako, manyika?” “Sweet nga kung Barbie,” giit pa niya. naaliw siyang tudyuhin ang kanyang mama. Napipikon ito subalit tila kinikiliti din naman sa kilig. Hindi naman sila naghintay nang matagal at dumating na rin ang bisita. Sakay ito ng isang restored convertible Volkswagen. Hindi niya gaanong hilig ang sasakyan pero marunong din siyang humanga kapag maganda at magara. At alam niya, maganda ang sasakyan nito. Magara din ang lalaki. Bagay dito ang sasakyang mukhang modernong antigo. He was none of the negative things he had mentioned earlier. Tisoy ang lalaki, matikas ang tindig at malago ang buhok na maayos ang pagkakagupit. Nahuli niya ang matamis na pagngiti nito kay Barbara ganoon din ang pagsalit ng pag-aalangan nang bumaling ito sa kanya. Maagap namang ipinakilala sila sa isa’t isa. “Kumusta?” bati sa kanya nito at nakipagkamay. “Call me Raf.” “Mabuti. Call me Matt,” sabi naman niya at ngumiti. He liked him instantly. He was not a very good judge of character pero mapagkakatiwalaan niya ang kanyang kutob. Sa lalaking ito ay alam niyang magiging maligaya ang kanyang mama. “Tara na sa loob. Kain na tayo.” At bago siya naunang tumungo sa komedor ay sumulyap siya kay Barbara. Kinindatan niya ito. Masaya silang nagsalo ng hapunan. Extra jolly si Barbara, alam na nito ngayong walang aalalahanin sa kanya. At natuklasan niyang tama naman ang kutob niya. Masarap kausap si Raf. He was sensible and he knew when to c***k a humor. Pagkatapos ng hapunan ay nag-aya si Barbara na magkape sila sa terasa. Doon sila nagpatuloy ng kuwentuhan. “Ma, baka may balak kayong lumabas,” kaswal na sabi niya nang tapos na silang magkape. “Itinataboy mo ba kami?” tanong nito. “No, of course not. Naisip ko lang na biglaan kasi ang pagdating ko. Baka may plano kayo talagang lumabas at na-cancel lang dahil sa pagdating ko.” “Bukas pa ang plano namin, hijo. Nakalimutan mo na ba agad?” Tumikhim si Raf. “Inimbitahan ko ang mama mo sa isang maikling bakasyon sa Bagac. Sumama ka. Maganda roon.” “Sa ibang pagkakataon na lang siguro,” banayad na tanggi niya bagaman dama niyang sinsero ito sa pag-imbita. “Asungot lang ako sa inyo,” dagdag pa niya na nanunudyo. Hindi na rin nagtagal si Raf upang makapagpahinga na silang lahat. Maaga pa ang alis ng mga ito bukas at siya naman ay inalala rin. Baka daw nabitin ang pamamahinga niya kanina dahil galing pa siyang sumakay ng eroplano. He appreciated his concern. Nadagdagan ng pogi points sa kanya si Raf para sa kanyang mama. Hinayaan niyang ihatid ni Barbara si Raf. Pero sa likod ng pinto ay sumilip siya. Nakita niyang inabot ni Raf ang kamay ng mama niya. At nakita rin niyang nagpalitan ang mga ito nang matamis na ngiti. Nagpakawala siya nang magaang na paghinga. Masaya siya na masaya ang kanyang mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD