22

1198 Words

SA MALAS ay tila nakalimutan ng lahat na laban sa loob niya ang dahilan ng pagsasalong iyon. Pawang masasaya ang lahat sa pag-uusap tungkol sa kanilang kasal. Kahit ang Auntie Milia niya na noong una ay tutol sa maaga niyang pag-aasawa ay excited na ngayon. Nakalimutan na nila kung gaano pa siya kabata para sa pag-aasawa. Hinayaan ni Gemma na magplano ang lahat para sa sarili niyang kasal. Hindi siya nagsasalita ng pagsang-ayon man o pagtutol. Kahit na tungkol na color motif ang pinag-uusapan ay hindi siya kumibo. “Huwag nang pink. Pink na ang motif noong nag-debut siya,” kontra agad ng kanyang mama. “Lavender. Iyon ang paboritong kulay ni Gemma,” sabi ni Greg at sumulyap sa kanya. “Kulay patay iyon. Kasal ang gagawin hindi burol,” kontra muli ng mama niya. Lihim na lang siyang napab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD